Part twelve

1.1K 40 1
                                    

Dahil ngayong araw ang huling araw ng duty ko dito sa hospital kaya naman naisipan kong dumaan sa may emergency section. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit para akong hinihila ng aking mga paa para maglibot dito.

Actually, hindi ko naman gawain ito kasi hindi ko nakakayanang panoorin yung mga pasyente na naghihirap dahil sa kanilang malubhang karamdaman. Pero heto ako ngayon.. lakas loob na napagawi dito.

Nakuha ng isang matandang lalaki na nakasakay sa stretcher ang aking atensyon. Saglit na nagtama ang aming paningin at ewan ko ba kung bakit bigla akong sinalakay ng kaba sa aking dibdib.

Nanlalaki ang aking mga mata nang mapatuon sa kanyang bibig ang aking paningin. Bumuka ang kanyang bibig at kahit na nahihirapan syang huminga ay umalpas parin ang isang kataga na nagpayanig sa aking pagkatao.

"M—mari-na..."

Malinaw na malinaw sa aking pandinig ang katagang iyon. Kaya napasugod kaagad ako sa kanyang kinahihigaan. Paglapit ko sa tapat ng stretcher na kung saan doon sya nakahiga ay bigla akong natigilan lalo na at kaagad nyang inabot ang aking kamay. Nataranta akong napatingin sa kamay namin na ngayon ay magkadaop. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nilukob ng kapanatagan dahil sa init ng kanyang palad.

"Anong case nya, Doc.." Tanong ko sa Doctor na in-charge sa kanya.

"Cardiac arrest." Maikli nyang tugon habang abala sa paglalagay ng mga apparatus sa katawan ng matanda.

Napalunok ako ng mariin bago muling napatitig sa mukha ng matanda. Ngayon ay nakapikit na ang kanyang mga mata habang nakasuot na sya ng oxygen mask.

"Doctor, bumababa po ang heart rate ng pasyente." Kuha ng isang nurse sa atensyon namin.

"Kailangan na natin syang isugod sa ICU room." Deklara ng Doctor.

Bumaba ang aking paningin sa magkadaop naming palad at ewan ko ba kung bakit hindi ko kayang baklasin iyon. Sumama ako sa ICU room nang urgent syang ilipat doon. Hindi naman ako sinita dahil nakasuot ako ng Doctor's gown.

Mabilis ang kilos ng lahat habang kinakabitan ng apparatus ang kanyang katawan. Kailangan ma-revive ang kanyang heart rate. Nakaramdam ako ng kaba nang magkagulo ang mga nurse's na uma-assist sa kanya na kasama ng Doctor.

Halos nawala na ang aking atensyon sa kanilang lahat at tanging sa mga kamay namin na magkadaop nakatutok ang aking paningin. Pinanlamigan ako ng kamay at bigla nalang namuo ang maraming luha sa aking mga mata nang mapansin kong lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay.

"Time of death,10:40 am."

Kaagad na lumipad sa may heart rate monitor ang aking paningin at doon nakita ko na flat line na iyon.

Marahan akong napaatras at nanghihinang napasandal sa pader. Tuluyan ng rumagasa ang maraming luha na kanina pa naglalaro sa bawat sulok ng aking mga mata.

No! Bakit ganoon lang kabilis ang pagkawala ng kanyang hininga? Kanina lang sinambit nya ang pangalan ni Mama diba? Marami pa akong gustong itanong sa kanya. Kung sinong Marina ang tinutukoy nya? Si Mama ba ang kanyang tinatawag o, may relatives sya na kapngalan lang ni Mama?

Pero bumalik ako sa reyalidad nang mapatitig sa kanyang kinahihigaan. Sa huling pagkakataon ay pinagsawa ko ang aking mga mata sa kanyang mukha na ngayon ay mapayapa ng nakapikit. Huminga ako ng malalim habang tahimik na lumuluha. Sinundan ko ng tanaw ang kilos ng mga nurse habang tuluyan na syang matakpan ng puting kumot.

"Relatives ka ba ng pasyente?"

Nagulantang ako nang biglang magtanong sa akin ang Doctor na kausap ko kanina. Pati mga nurse ay napalingon sa akin habang naghihintay ng aking sagot.

Marahan kong pinunasan ang bakas ng luha na lumandas sa aking pisngi bago ako umiling. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Nababanaag ko sa kanyang mga mata ang matinding pagtataka. Oo nga naman, sino ang hindi magtataka? Iniiyakan ko ang isang pasyente na hindi ko naman pala kaanu-ano?

Sinenyas nya sa akin ang pintuan na nagangahulugan na kailangan na naming lumabas. Marahan akong tumango bago sumunod sa kanyang likuran nang mauna syang humakbang palabas. Nakayuko ako at gumilid habang yung Doctor kanina ay maagap na hinarap ang pamilya ng pasyente na nag-aabang sa labas ng ICU room.

"Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero hindi na sya lumaban. I'm sorry."

Malakas na hagulgol ng Ginang ang pumuno sa hallway matapos marinig ang sinabi ng Doctor. Marahil sya ang asawa ng pasyente.

"David! David!!!" Hiyaw nito.

Maagap naman syang dinaluhan ng isang magandang babae na sa tingin ko ay anak nya dahil tinawag sya nitong Mama.

Muling bumalong ang maraming luha sa aking mga mata habang pinapanood ko sila sa pagluluksa. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako nagiging emosyonal sa mga oras na ito. Bakit ko nga ba iniiyakan ang isang estranghero?

Nakuha ng aking atensyon ang humahangos na binata patungo sa kinaroroonan ng mag-iina.

"Ma, si Papa?" Kaagad nitong tanong.

Napakuyom sya sa kanyang kamao nang makita nya ang pag-iling ng kanilang Mama.

Kaagad na akong tumalikod bago pa nila ako mapansin na nag-iiyak din doon. Mamaya magtatanong pa sila sa hindi ko malaman ang kasagutan.


*

*

*

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib nang makaayat ako sa rooftop. Hindi makakatulong ang loob ng clinic para kumalma ang aking pakiramdam kaya naisipan ko nalang na umakyat dito.

Napapikit ako ng mariin habang pinakiramdaman ang mabining hangin na tumatama sa aking balat. Panghapon na breaktime ko kasi ngayon kaya hindi na masyadong mainit dito sa taas.

"Labing-limang araw na wala akong makakasama dito sa rooftop every breaktime. Hindi pa nga nangyayari, nalulungkot na ako."

Napadilat akong bigla nang may magsalita sa aking tabi. Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na naramdaman ang kanyang presensya. Marahan ko syang nilingon at nabungaran ko ang nakangiti nyang mukha.

Ang guapo! Napanguso ako dahil sa naisip.

"Bakit? Ako lang ba ang taong nakakasama at nakakausap mo? Baka naman gusto kong ipaalala sa'yo na friendly ka pong tao?" Sabay irap ko sa kanya.

"Eh, paano kung iisang tao lang ang gusto kong makasama at makausap? Sya yung taong katabi ko ngayon?"

Napausog ako nang maramdaman ko ang pagdantay ng aming braso. Pero sa bawat usog kong palayo mula sa kanyang kinatatayuan ay sya naman ang lapit nya at pagdikit nya ng kanyang braso sa aking braso. Kainis sya!

"Oliver, tigilan mo ako!" Pagbabanta ko sa kanya.

Pero imbes na makinig ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang hindi ko na maikilos ang aking braso. Doon ko lamang namalayan na nakaakbay na pala sa aking balikat ang kabila nyang braso.

"Oliver, tanggalin mo yang braso mo baka may biglang umakyat at makita tayo." Natataranta kong sabi.

"Anong problema doon? Pareho naman tayong single."

Nakanguso ko syang tiningala para lang makita na ang ganda ng kanyang pagkakangiti. Mukhang enjoy na enjoy ang isang ito, ah!

***

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon