Pagkatapos ng masaganang almusal habang kasalo sina Mama at Ana ay muli akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Mabilis akong nagbihis ng damit. Kailangan, naka-black getup ako. Nang makontento sa sarili habang kaharap ang salamin ay nagpasya na akong lumabas ng silid habang bitbit ang aking handbag.
Pinuntahan ko si Mama sa may kusina habang nag-aayos ng mga kasangkapan doon bago ko sya hinalikan sa kanyang pisngi.
"May pupuntahan lang akong saglit, Ma. Mag-ayos na kayo ni Ana mamaya kasi pagdating ko aalis tayo kaagad. Ipapasyal ko kayong dalawa kahit saan nyo gusto." Nakangiti kong paalam sa kanya.
Magtatanong pa sana sya pero kaagad na akong tumalikod para tunguhin ang pintuan palabas ng bahay. Mas mabuti na yung hindi nya alam kung saan ang punta ko ngayong araw.
Sumaglit ako sa isang flower shop para bumili ng isang kumpol na bulaklak bago dumeretso sa aking destinasyon. Nagpark ako malayo sa mga sasakyan na nakaparada doon pagdating ko sa sementeryo.
Natanaw ko mula sa aking kotse ang mga tao na sumama sa funeral ni Papa. Hindi naman ganoon kadami ang mga taong naroroon. Siguro mga malalapit lang na kaibigan o relatives ang sumama sa libing since sa America naman sila nakatira. Nabasa ko iyon sa mga comments kagabi kaya alam ko na sa America sila naninirahan.
Halos mahigit isang oras din ang hinintay ko bago natapos ang mahabang orasyon ng libing. Nalaman ko iyon nang mapansin kong nagsiuwian na ang mga lumpok ng tao.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan nang matanaw kong wala ng tao sa paligid. Bitbit sa kamay ang isang kumpol na bulaklak ay marahan kong hinakbang ang kinabuburolan ni Papa.
Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang paglipad ng aking isip sa aking nakaraan.Noong ako ay musmos pa lamang.
'Anak ng engkanto! Anak ng engkanto!! Hwag mong kaibiganin yan, engkanto yan!!'
Ang daya... bakit hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para ipakilala sya sa lahat? Gusto kong ipamukha sa mga taong iyon na hindi naman ako anak ng engkanto katulad ng iniisip nila noong bata pa ako! Gusto ko pang ipagsigawan sa lahat na sa haba ng panahon na tinahak ko na puno ng pangungutya ng mga tao ay mayroon naman pala akong ama na umi-exist sa mundo?
Kahit gaano ko pa sinubukang magpakatatag na hwag lumuha habang binabaybay ko ang daan patungo sa kanyang burol ay hindi naman nakikisama ang aking mga mata. Dahil sa bawat hakbang ng aking mga paa papalapit doon ay sya namang pagragasa ng marming luha mula sa aking mga mata.
🎵ang buhay ko ay sadyang ganito pira-pirasong mga ala-ala. 'Di ko mabatid kung ano ang totoo tadhana'y mailap at 'di na ako makakilos🎵
Hindi ko lubos maisip na ganoon ang pangyayari ng pagkikita naming dalawa. Iyon ba ang isa pang dahilan kung bakit nagpursegi akong makamit ang aking mithiin? Dahil sa pagiging Doctor ay doon ko makatagpo ang isang tao na mahalaga sa buhay ko?
🎵ako'y mauubos, ito na ba ang buhay kong taglay. Nang ako'y nawalan ng pag-asa nagpakita ka at ako'y biglang nangarap na ikaw na ang magsasalba sa akin🎵
Napahinto ako sa paghakbang nang sa wakas ay nasa harap na ako ng lapida ni Papa. Binasa ko ang pangalang nakaukit doon.
DAVID CADEMANN.
Para akong nanghihina habang inilapag ang dalang bulaklak. Bumalik sa aking ala-ala ang una't- huling titig ko sa kanya.
🎵maari bang ako'y iyong yakapin maari bang ako'y iyong hagkan? Ikaw ang lahat para sa 'kin ikaw na ba ang pag-ibig na naghihintay🎵
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...