Hindi ko buong akalain na magtatapos sa ngiti ang buong araw ko. Akala ko pa naman puro kalungkutan nalang ang mararamdaman ko ngayong araw, hindi pala. Ganoon lang siguro ang buhay. Sa bawat lungkot ay may saya. Sa bawat iyak ay may tawa.
Magaan ang aking pakiramdam na humiga sa ibabaw ng aking kama. Pero nakuha ng tunog na nagmumula sa aking cellphone ang aking pagmumuni- muni kaya naman ay wala sa loob na inabot ko iyon habang nakapatong sa may bedside table.
Nagtaka ako nang makitang new number ang nakaregister sa screen ng aking phone. Sino kaya itong napatawag sa akin sa ganitong oras? Wala yatang balak na magpatulog ah!
Sa labis na curiosity ay maagap ko namang sinagot ang tawag para malaman kung sino itong caller ko.
"Yes, hello?" Bungad ko sa unknown caller na nasa kabilang linya.
'Hi! It's me, Olivia..'
Kung hindi lang sana pamilyar sa aking pandinig ang kanyang boses ay hindi ako maniniwala na si Olivia ang tumatawag pero kasi kilala ko ang boses nya. Marahan akong bumangon bago ko sya kinausap.
"Napatawag ka, may kailangan ka ba?"
Hindi ko na tinanong kung paano nya nakuha ang cellphone number ko dahil alam ko naman kung gaano katinik ang babaeng ito. Pagkatao ko nga ay nagawa nyang ipahalungkat number pa kaya ang hindi nya magawa?
'Napaisip ako tungkol sa advice mo. Alam mo tama ka, wala namang mangyayari kung i-pursue ko ang kagustuhan ko. Masisira lang ang pangalan ng aming pamilya at baka kasuklaman pa ako ni Oliver kaysa mahalin. Hindi ko naman yata kakayanin iyon. Importante sa akin alam ko na mahal nya ako bilang isang kapatid.' Narinig ko ang paghinga nya ng malalim matapos magsalita.
"That's good. So, ano ang plano mo?" Pinaramdam ko sa kanya na interesado akong makinig tungkol sa kanyang hinaing.
'Kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. At para magawa ko iyon ay kailangan kong i-divert ang atensyon ko tulad ng sinabi mo.'
"Ano ang maitutulong ko, then?" Tanong ko.
'Gusto kong samahan mo akong maghang- out. Hindi kasi ako pinapayagan ng parents ko na sumama sa mga kaibigan ko dahil bad influence daw sila,so, wala naman akong ibang maisip na pwedeng sasama sa akin. Alam kong on-leave ka kaya hindi ko naman maistorbo ang oras mo kasi wala kang trabaho diba? Okay lang ba kung samahan mo akong lumabas? Gusto ko na talagang magmove- on,Ayen Marie.. matutulungan mo ba ako?' May pagsusumamo sa kanyang boses.
Saglit akong natahimik habang nag-iisip ng isasagot. Sino ba ako para hindian ang katulad ni Olivia? Tinutulungan na nya ang kanyang sarili para maging malaya mula sa pagmamahal nya kay Oliver. At kung ang maitutulong ko lang naman ay samahan sya sa kung saan nya gustong pumunta, bakit naman hindi ko mapagbibigyan diba? Tutal kapatid naman sya ng lalaking napupusuan ko.
"Sure! Tawagan mo lang ako kung kailan mo gustong lumabas.. sasamahan kita." Final kong disisyon.
'Talaga? You mean pwede tayong lumabas bukas? Naisip ko kasing mag-outing Ayen Marie, siguradong mag- eenjoy ka din sa lakad natin bukas.' Excited nitong sagot.
"Ibig mo bang sabihin bukas na?" Oh no! I'm in trouble, pupunta dito ang Kuya mo bukas.. huhu.
'Oo Ayen Marie. Matagal ko ng gustong puntahan ang lugar na iyon kaya lang mag-isa naman ako. So, bakit kailangan pa natin patagalin kung pwede naman bukas diba? Paano i will call you tomorrow? Sasabihin ko nalang sa'yo kung saan tayo magkikita.'
Napakagat ako sa aking labi. Siguradong wala ng atrasan ito.
"Okay, hihintayin ko ang tawag mo."
Kanina na wala sa kabilang linya si Olivia pero heto ako nakatutok parin sa screen ng aking phone ang paningin.
***
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...