"Doctora, may pasyente pong naghihintay sa inyo sa VIP room."
Napakunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng aking nurse. Kababalik ko lang mula sa meeting kanina at ito na ang pinambungad nya sa akin. At saka kailan pa ako nagkaroon ng pasyente sa VIP room?
"Bagong pasyente ba?" Curious kong tanong.
"Siguro Doctora, kasi nakausap ko lang sa telepono ang nurse na naka-assigned doon while ago."
Tiningnan ko ang oras mula sa aking wristwatch. It's already lunch time. Ibig sabihin ay break time na. Saglit akong napaisip pero mas pinili ko paring tumayo para puntahan ang nasabing pasyente kahit na nga ba ay nababalutan ako ng matinding pagdududa.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa may pintuan pagkatapat ko sa may VIP room. Ilang segundo akong naghintay, nang wala parin akong response na narinig mula sa loob saka ko pinihit pabukas ang doorknob.
Napakunot ang aking noo nang mabungaran kong wala namang tao sa loob ng kwarto. Napatuon ang aking atensyon sa hindi kalakihang mesa.May mga nakahilerang pagkain sa ibabaw ng mesa at napansin ko ang dalawang pinggan sa magkabilang dulo.
Wala sa sarili na humakbang ako papasok sa loob ng silid sa isiping baka nasa loob lang ng toilet ang pasyente. Pero laking gulat ko nang biglang magsara ang pintuan sa may likuran ko. Bahagya akong lumingon habang hawak ko ang aking dibdib.
Mabilis akong napaharap nang makilala ko kaagad ang taong nakatayo sa aking likuran.
"Hi! Thank you for coming." Nakangiti nyang sabi.
"Nandito ako para tingnan ang bagong pasyente ko...wait, don't tell me-"
Napabuga ako ng hangin nang ma-realize ko na baka pakana lang ni Oliver ang lahat.
Tinungo nya ang mesa bago hinila ang isang upuan.
"Samahan mo akong kumain ng lunch."
Napatanga ako at hindi kaagad nakakilos.
"Please?" He pleaded.
"Oliver." May pagbabanta sa aking boses.
"Okay, I'm sorry. Nagsinungaling ako. Dinamay ko yung nurses para lamang mapapunta kita dito. Kasi Ayen Marie..alam ko kapag inanyayahan kita ng harap-harapan, hindi mo ako pagbibigyan. So, what can i do? Ito lang ang naisip kong paraan para makasama man lang kita kahit sa ganitong pamamaraan."
Napalunok ako ng mariin. Kanina pagkatapos ng meeting halos nakipagsiksikan na ako sa paglabas para lamang maiwasan kong makasabay si Oliver.
Ayokong makikita ng kanyang ama ang pakikipaglapit nya sa akin. Isa lang akong Psychologists sa loob ng hospital na ito. At sya, ang pamilya nya... ang nagmamay-ari sa hospital na aking pinagtatrabahuan. Big difference. Tapos ngayon, ito?
Mula sa ibabaw ng mesa ay lumipat ang aking paningin sa kanyang mukha. Napakurap ako nang biglang magkasalubong ang aming mga mata. Nagsusumamo ang kanyang mga titig. Paano ko ba sya maiiwasan?
Napalunok muna ako ng mariin bago ko hinakbang papalapit sa kanyang kinatatayuan ang aking mga paa. Marahan akong naupo sa upuan na kanyang hinila. Pinakiramdaman ko sya pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi parin sya umaalis mula sa aking tabi kaya wala sa loob na napatingala ako.
Sumilay ang kiming ngiti mula sa aking labi nang mapansin kong nakangiti sya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong binalot ng kilig nang mapagmasdan kong mabuti kung gaano sya kakisig.
"What? Akala ko ba kakain tayo? Maupo kana." Tinaasan ko sya ng kilay.
Sinundan ko ng tingin ang bawat kilos nya. Ewan ko ba kung bakit napaka-cool nya kahit na sa simpleng paghila nya ng upuan. Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba ang nangyayari sa akin? Dati, nako-control ko ang aking sarili. Bakit ngayon parang halata na ang paghanga ko sa kanya? Weird!
"Bakit hindi mo tinanggap ang offer ng hospital sa'yo?"
Napatigil ako sa pagnguya nang bigla syang magsalita. I knew it! Alam kong babanggitin nya sa akin iyon.
"Fifteen days of vacation leave is not long enough, Ayen Marie. Tsaka..hindi ka ba magpapasalamat dahil makapagpahinga ka man lang? Ayaw mo ba sa New York? Pero bakit? Halos lahat pinangarap na sana makapunta doon. Ikaw, nabigyan na nga ng pagkakataon.. pero nag-refuse ka pa. Wala ka namang gagastusin ah! Lahat ng kakailanganin mo ay sagot iyon ng hospital. Anong dahilan kung bakit ayaw mo? Dahil ba sa akin? Iniisip mo na makakasama kita sa loob ng labing-limang araw? Ganoon mo ako ka-hate?"
Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang huli nyang sinabi. Ibig ba nyang sabihin kung tinanggap ko ang offer na iyon ay magkasama pala kami sa loob ng fifteen days kung sakali? Ngayon, i doubt it! Hindi kaya, sya na naman ang gumagawa ng paraan kaya nangyari ang offer na yan?
Kasi nakapagtataka, sa dinami-daming doctor na naninilbihan sa loob ng hospital na ito.. bakit ako lang ang binigyan ng ganoong offer?
Umiling ako para mawala ang mga palaisipan na umuukit sa aking utak.
"Hindi naman sa ganoon, Oliver. Its just-"
Napayuko ako at wala sa loob na pinaglalaruan ng tinidor ang ulam na nasa loob ng aking pinggan.
"Busy lang talaga ako at hindi ako pwedeng lumayo. Hindi ako pwedeng mawawala ng ganoon katagal." I hope he understand pero-
"You're unmarried woman, maliban sa hospital ano pa ba ang pagkakaabalahan mo?"
Muli akong umangat ng mukha at deretso ko syang tinitigan sa kanyang mga mata.
"Tama ka. Wala nga akong asawa. At walang anak. Pero, kailangan ko paring manatili dito. Mas gugustuhin kong gugulin nalang sa loob ng aming tahanan ang fifteen days vacation leave na yan."
Napansin kong bigla syang napaisip pero hindi naman nagsalita. Kung anuman ang lumalaro sa loob ng kanyang utak. Iyon ang hindi ko alam. Hindi ko mababasa mula sa ekspresyon ng kanyang mukha kung ano ang kanyang iniisip.
***
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...