Sa mga sumunod pa na araw ay ganoon parin ang naging daily routine namin ni Oliver. Walang palya ang pagpunta nya sa bahay kaya naman ay nakagaanan na sya ng loob ni Mama. Habang ako ay wala ding palya sa pagsama ko kay Olivia sa mga hang-outs nya.
Ganoon lang siguro pagdating sa pag-ibig. Kailangan munang magsakripisyo ng oras para masukat kung hanggang saan aabot ang inyong pasensya. Kailangan munang lutasin ang mga pagsubok na maaaring makakasagabal sa inyong pagmamahalan.
Maggugumabi na nang makauwi ako ng bahay sa araw na 'to kaya naman ay hindi ko na naabutan sa bahay si Oliver. Ipinagpasalamat ko din dahil manatili ako sa bahay bukas. Sabi kasi ni Olivia, nagtatampo na daw ang kanyang Mama dahil nawawalan na sya ng oras para ilaan dito kaya para makabawi yayain daw nya itong lumbas bukas.
Nakangiti akong pinasadahan ng paningin ang buong sala pagkatapat ko doon. Nagiging garden na ang loob ng sala namin gawa ni Oliver. Sa bawat pagpunta nya kasi dito ay may bitbit syang bulaklak.
"Ayen Marie, kararating mo lang?" Bungad ni Mama sa akin.
Galing sya sa kusina kaya pala hindi ko sya nadatnan dito sa loob ng sala.
"Opo, Ma..." Sinalubong ko sya para dampian ng halik sa kanyang pisngi.
"Mag-usap tayo."
Kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Mama kaya napasunod nalang ako sa kanya at naupo na din sa katapat na sofa na inupuan nya.
"Bakit Ma? May problema po ba?" Parang hindi na ako makapaghintay sa kung ano man ang gusto nyang pag-usapan namin.
"Magkaibigan lang ba talaga ang turingan ninyo ni Oliver?"
Napalunok ako ng mariin nang mapansin kong seryoso si Mama sa kanyang tanong.
"Opo, Ma... magkaibigan lang kami ni Oliver." Kinakabahan kong sagot.
"Gusto ko sya. Alam kong malinis ang kanyang intensyon. Pero wala akong magagawa kung tanging kaibigan lang ang tingin mo sa kanya."
Napatuwid ako ng upo buhat sa narinig. Hindi ko inaasahan na ganito ang kanyang sasabihin.
"Ano po ba ang ibig ninyong sabihin, Ma?"
"Inamin ni Oliver sa akin na ikaw pala yung babaeng napupusuan nya. Ayen Marie, nakikita ko at nararamdaman ko kung gaano kalaki ang pagkagusto ni Oliver sa'yo. Mahal ka nya hindi bilang isang kaibigan kundi mahigit pa doon. Kaya kung ako ang tatanungin mo..kaysa naman na magkagusto ka sa iba mas mabuting sa kanya nalang. Kilala mo na sya at alam mo na ang pagkatao nya."
Biglang umalpas ang isang butil ng luha mula sa aking mga mata. Did you heard it right? Lumabas na mismo mula sa bibig ni Mama na gusto nya si Oliver para sa akin.
Wala sa sarili na tumayo ako mula sa upuan at sinunggaban ko ng mahigpit na yakap si Mama.
"Ma... salamat. Maraming salamat." Napapaluha kong sambit.
*
*
*
Kaagad kong di'nial ang number ni Oliver pagkapasok ko sa aking kwarto. God! Hindi na ako makahintay pa ng bukas. Excited na akong ibalita sa kanya ang good news na ito.
Pero napakunot ang aking noo nang mapagtantong busy ang kanyang number. Nakailang dial pa ako sa kanyang number pero number busy parin. Haist! Sino kaya ang kausap nya sa ganitong oras?
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...