Part six

1.2K 43 1
                                    

Kung gaano ako kasaya kapag nasa bahay ako dahil sa wakas ay nanumbalik na sa normal si Mama. Nakakausap na namin sya ni Ana. Ay taliwas naman ang aking nararamdaman kapag nasa hospital ako.

Tatlong araw na ang lumipas at tatlong araw na din na hindi nagpaparamdam sa akin si Oliver. Maya't-maya ang tingin ko sa may pintuan baka sakaling bigla nalang syang papasok para bisitahin ako. O, kahit hindi nalang sya.. kahit yung mga bulaklak nalang na lagi nyang pinapabigay sa nurse para iabot sa akin. Hindi ko alam, nakaka-miss pala iyon.

Nakakainis sya! At teka...bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Ano ba kasi ang expectation ko mula sa isang anak na nagmamay-ari ng malaking hospital na pinaglilingkuran ko ngayon?

Hayyys...naiinis ako sa sarili ko! Nakakainis talaga!

"Doctora..."

Napatingin ako kay Lilac nang bigla syang pumasok sa loob ng silid.

"Pinapatawag po kayo sa director office.. ngayon na daw po, Doctora."

Napakunot ang aking noo. May problema kaya? Mayroon bang pasyente na nagreklamo? Bakit agaran akong ipapatawag sa director office? Hindi ko maiwasan ang hwag kabahan habang nililigpit ang gamit mula sa ibabaw ng aking mesa.

"Okay Lilac." Nakangiti kong sagot at nagkunwari akong hindi kinakabahan.

At ilang minuto pa ang lumipas ay namalayan ko na ang aking sarili na binabaybay ang pasilyo patungo sa director office. Pagkatapat ko sa may pintuan ay nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok.

Isang nakangiting nurse ang nagbukas ng pintuan. Pinatuloy nya ako sa loob bago sya lumabas at marahang ipininid ang pintuan. Nakuha ng aking atensyon ang isang kagalang-galang na tao na halos tinitingala ng lahat ng mga nakakakilala sa kanya.

Hindi naman ito ang unang beses na paghaharap namin pero kasi ito ang unang beses na pinatawag nya ako para kausapin ng sarilinan tulad ngayon. Kaya hindi ko maiwasan na hindi panlamigan ng kamay.

"Maupo ka, hijah..." sinenyas nya ang swivel chair na nasa tapat ng kanyang mesa.

"Salamat po." Sabi ko nang makaupo na ako.

Nabunutan ng tinik ang aking dibdib nang mapansin ko ang biglang pagsilay ng magandang ngiti mula sa kanyang labi. No wonder he is a resemblance of his son. Nakikita ko sa kanya ang hitsura na mayroon si Oliver. Siguro pagtanda ni Oliver ay kagaya din sya ng kanyang Papa. Ang gandang lalaki.

"Kaya kita pinatawag dahil may hihingin akong favor sa'yo. Sa pagsusuri ko kasi, ikaw ang magaling na Doctor na nagunguna sa lahat. Kaya napag-isip ko na ikaw ang qualified para ipadala sa isang pasyente na kailangan ng matinding pagsusuri."

Napakunot ang aking noo buhat sa narinig pero hindi ko naman nagawang sumabad.

"Starting tomorrow hindi ka muna mag-duty dito sa loob ng hospital. This patient is a very important person kaya sana wala silang masabi sa'yo. Ikaw ang napili ko dahil malaki ang tiwala ko sa'yo." Pagpapatuloy nito.

"Pero Sir, paano naman yung mga pasyente na maiiwan ko dito?"

"Ako na ang bahala doon. Maghahanap ako ng replacement mo habang wala ka. So, bukas dumeretso ka dito at may maghahatid sa'yo papunta sa location ng bago mong pasyente." Deklara nito.


*

*

*

Hindi maikukubli sa aking mukha ang labis na pagtataka nang mapatingin ako sa higanteng gate. Dere-deretsong pumasok sa loob ng malawak na garage ang sasakyan na sumundo sa akin. Lumingon sa akin si Mamang driver bago magalang na nagsalita.

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon