Part two

1.6K 48 0
                                    

"Ate..."

Nag-aalalang mukha ni Ana ang bumungad sa akin pagkauwi ko sa bahay.

"Bakit? May problema ba? Kumusta kayo ni Mama?" Kaagad kong tanong sa kanya.

"Sinumpong po sya ngayong araw, Ate. Hindi po sya kumain at nakailang basag na din po sya ng pinggan."

Tumango ako bago sumagot.

"Nasaktan ka ba?"

"Hindi naman po, Ate. Kaagad po akong lumalayo kapag napapansin kong umiiba yung mood nya tulad ng lagi mong pinapaalala sa akin."

"Mabuti naman kung ganon. Nasaan sya ngayon?"

"Nasa loob po ng kwarto at nakatulala na naman."

"Sige Ana...pakihainan nalang sya ng pagkain at ako na ang bahala sa kanya."

"Opo Ate."

"Salamat. Siguro kung wala ka hindi ko na alam ang gagawin ko. Walang magbabantay sa kanya kapag nasa trabaho ako. Salamat talaga Ana at pinagtiisan mo ang pag-aalaga sa Mama ko."

"Ate naman. Ako nga po ang dapat magpasalamat, eh! Kasi kung hindi ninyo ako kinupkop baka hindi ko alam kung saang lupalop na ako ng mundo naroroon ngayon. Hindi ko masisiguro kung may maayos ba akong matitirahan. Kung may maayos akong pagkain. Kung nakakatanggap ba ako ng maayos na sahod. Kaya ako ang dapat magpasalamat sa lahat ng kabutihan mo, Ate."

Napangiti nalang ako bago tumuloy sa silid ni Mama. Pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang muling magsalita si Ana.

"Ate, bakit hindi nalang natin ilagay sa disposable plate ang pagkain ng Mama mo? Kasi kahit na ibalibag nya ang tray atleast hindi sya makakabasag."

Umiling ako bago nagsalita.

"No. We can't do that. Gamit lang iyan at kaya kong palitan. Pero hindi kaya ng konsensya ko ang makikita syang kumakain sa bagay na hindi naman karapat-dapat sa kanya. Nag-iisa lang syang magulang ko Ana. Wala ako sa mundong ito kung hindi dahil sa kanya. Kaya tratuhin natin sya ng maayos. Hayaan mong basagin nya ang lahat ng pinggan. Bibili nalang tayo ng panibago. Ang mahalaga, pinaparamdam natin sa kanya kung gaano sya kaimportante kahit na useless lang ang lahat dahil hindi naman nya nakikita at hindi naman nya naaalala. Kahit may iba syang mundo, ang mahalaga kasama natin sya sa mundo natin."


"Sorry po Ate. Nagsuggest lang naman ako. Hindi na po mauulit."

Tinanguan ko nalang sya bago ako muling tumalikod at dere-deretso ng pumasok sa kwarto ni Mama.


Marahan akong pumasok nang mabuksan ko ang pintuan ng kanyang silid. Napalunok ako ng mariin bago napasandal sa likod ng pintuan habang nakatitig sa kanya. Tulad ng dati nakatulala na naman sya.

Bumaba ang aking paningin sa kanyang kamay na kung saan hawak nya doon ang lumang orasan na nakapatay sa bandang alas dose. Pinag-aralan ko ang kanyang kilos. Palipat-lipat ang kanyang tingin. Mula sa bintana pabalik sa hawak nyang orasan. Wala syang pakialam sa kanyang paligid. Ni minsan hindi ko sya narinig na nagsalita.

Hindi naman daw sya pipi sabi ni Lola noong nabubuhay pa sya. Maganda at masayahing babae si Mama. Hindi daw naglalabas ng bahay tulad ng iba. Pero nagulat nalang daw si Lola isang araw. Bigla nalang nagbago si Mama. Wala naman itong sinasabi. Pero ang tanging ginagawa nya ay ang umiyak ng umiyak. Hanggang sa lumala ang kanyang karamdaman. Nagulat nalang si Lola nang mapansin nyang lumalaki daw ang tyan ni Mama. Hindi naman ito sumasagot kapag tinatanong sya ni Lola.


Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon