Pinukol ko sya ng matalim na tingin bago ako nagmartsa pabalik sa may couch. Pabagsak akong naupo doon bago napa-facepalm.
Natatawa naman syang bumaba mula sa kama at sumunod sa akin. Naupo sya sa tabi ko bago huminga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang nakakatuwa at kung bakit panay ang kanyang pagtawa.
"Alam mo ikaw hindi kana talaga nakakatuwa!" Pinandilatan ko sya bago ko pinagpatuloy ang nais kong sabihin sa kanya.
"Akalain mo yun? Dinamay mo pa ang iyong Papa sa kadramahan mo sa buhay! Iniwan ko ang maraming pasyente sa hospital at sumugod dito dahil ang akala ko malala at nakaratay na sa higaan ang magiging pasyente ko, iyon pala...ikaw lang ang mabubungaran ko dito?" Mahaba kong palatak sa kanya.
"What? May sakit naman talaga ako. Nagkasakit ako noong sinampal mo ako. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa'yo. Sumakit yung puso ko sa isiping akala ko hindi na kita makikitang muli." Bagamat nakangiti ay hindi parin naikukubli ang kaseryosohan sa kanyang sinabi.
Napakurap ako at napalunok ng mariin.
"I'm sorry. Hindi ko naman talaga intensyong sampalin ka nang gabing iyon, nabigla lang ako. Ikaw kasi..." nakanguso kong saad.
Marahan nyang ginagap ang aking palad kaya bigla akong nataranta.Pasimple kong hinila ang sariling kamay pero mahigpit ang kanyang pagkakahawak kaya hindi ko naiwas sa kanya ang aking kamay na kasalukuyang hawak nya.
"Kiss me." Itinagilid nya ang ulo para bigyang espasyo ang kanyang pisngi.
"Ha?" Nailayo kong bigla ang sariling mukha.
"Halikan mo yung pisngi ko na sinampal mo para mawala yung sakit sa dibdib ko." Muli nyang inilapit sa akin ang kanyang pisngi.
"Oliver, ano ba! Nakakainis kana ah!" Nagbibiro lang naman sya, hindi ba?
Pero ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang pisngi sa aking labi. Intensyon talaga nya ang magpahalik! Gago!
Napahagikhik sya ng tawa bago umayos ng upo habang ako?heto...nakatulala parin.
"That is cheating!" Bulalas ko sa kanya sabay bawi ko sa aking kamay pero hindi nya iyon pinakawalan.
"No?" Maikli nyang sagot.
"Cheating parin iyon. Kailangan ba talagang pwersahin mo ang isang tao para lamang mahalikan ka?" Giit ko sa kanya.
"Well, kung kinakailangan..."
Pareho kaming natigilan nang biglang may kumatok sa labas ng pintuan.
"Baka si Manang iyan at maghahatid ng pagkain ko. Pakikuha please?" Nagpuppy eyes pa sya sa akin kaya napanguso ako.
Ang lakas ng loob nyang utos-utusan ako! Ugh!
Mabilis na akong tumayo nang bigla nyang pakawalan ang aking kamay. Mas mabuti nga na nagkaroon ako ng pagkakataon para idistansya ang aking sarili sa kanya baka mamaya hindi na pisngi ang lalapat dito sa labi ko. Oliver na yun talaga, nakakainis!
Marahan kong binuksan ang pintuan at maaliwalas na mukha ni Manang ang bumungad sa akin. Nakangiti kong kinuha mula sa kanya ang dala nyang tray.
"Salamat po."
Muli ko na sanang isasara ang pintuan pero natigilan ako nang bigla nya akong hawakan sa aking kamay. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Sumenyas syang ilapit ko ang aking tenga dahil mayroon daw syang sasabihin. Naguguluhan man pero sumunod naman ako sa utos nya.
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...