Sinadya kong puntahan si Oliver sa kanyang department bago ko maisipang umuwi. Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa may pintuan ng kanyang clinic bago ko marahang itinulak pabukas iyon.
Nadatnan kong abala pa sa harapan ng kanyang computer si Oliver pero kaagad syang napatuwid ng upo nang malingunan nya ako sa may pintuan.
"Hi! Pauwi na ako pero naalala ko mayroon pala akong gamit na naiwan sa kwarto mo kahapon. Tapos kana ba? Aren't you going home?" Napalunok ako ng mariin. Gusto kong maging casual sa kanyang harapan. But damn it nakakapanginig ng tuhod ang kanyang mga titig.
Marahan syang tumango bago nagsalita.
"Pauwi na nga din sana kaso may pinaasikaso sa akin si Papa, so, kailangan ko munang tapusin iyon. Pero pwede ka namang tumuloy sa bahay. May tao naman doon at nakabukas ang kwarto ko para sa'yo."
Saglit akong napaisip dahil sa kanyang sinabi. Last day ko na sa trabaho bukas kaya wala na akong oras para makuha ang gamit ko kung sakali.
"Okay sige kung ganoon. Mauuna na ako." Alanganin akong ngumiti. Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Bakit ba ganito?
"Mag-ingat ka." Paalala nya sa akin na sinuklian ko lang ng marahang pagtango.
*
*
*
Nakangiting mukha ni Manang ang bumungad sa akin sa may pintuan. At laking pasasalamat ko din dahil sya ang nabungaran ko. Bigla kong naalala ang nangyaring commotion sa loob ng hospital kaninang umaga. Gusto ko sanang magalit kay Olivia pero nanaig parin ang pagiging kalmante ko.
"Kayo pala, Doctora. Tuloy ka." Nakangiti nyang bungad sa akin.
"Ah sandali lang po ako dito, Manang. Kukunin ko lang po yung naiwan kong gamit doon sa loob ng kwarto ni Oliver."
"Ganoon ba? Sige tumuloy na kayo sa taas. Nakabukas naman ang kwarto ni Señorito."
Nginitian ko sya bago ako nagpaalam. Mabilis kong inakyat ang hagdan at malalaking hakbang ang ginawa ko para marating ko na agad ang kwarto ni Oliver. Pero nasa kalagitnaan pa ako ng pasilyo nang bigla akong matigilan.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa kapatid mo! Hindi pwedeng maging kayo dahil kahit anong gawin mo ay hindi na mababago ang pagiging magkapatid ninyong dalawa. Kaya pakiusap, hwag ka ng mandamay ng inosenteng tao. Tigilan mo na ang kahibangan mong ito!"
Nanindig ang aking balahibo nang umalingawngaw ang galit na boses ni Mr Admiral. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakaawang ang pintuan ng isang silid na hindi kalayuan mula sa kwarto ni Oliver.
"Magkapatid lang kami sa pangalan. But we're not even related in blood! Ganoon ba kahalaga sa inyo na alagaan ang inyong pangalan, Papa? Ni minsan ba ay hindi nyo inintindi ni Mama ang syang nararamdaman ko? Hindi ko rin naman ginusto ito! Sino ang may gusto na mahalin nya ang kanyang kapatid! Pero Papa... ilang ulit ko nang sinubukan na kalimutan sya pero hindi ko magawa. Mahal ko sya mahal na mahal!" Umiiyak na sagot ni Olivia.
Ramdam ko ang hirap at sakit mula sa kanyang boses.
"Bakit hindi ka nalang sumunod sa Mama mo?Magpakalayo ka muna sakaling makakatulong iyon sa'yo. Aayusin ko ang papeles mo. Sundan mo ang iyong Mama bago pa sya makabalik dito sa susunod na Linggo. You need to stay there for the mean time." Kalmateng sagot ni Mr Admiral.
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...