Part nineteen

1.2K 37 0
                                    

"Oh,saan naman ang punta mo?" Kunot-noong tanong ni Mama sa akin nang madatnan nya akong naggagayak sa loob ng aking kwarto.

"Ma, may outpatient kasi na nangailangan ng tulong ko kaya hindi ko naman mapaghindian lalo na at disidido syang tulungan ang kanyang sarili para gumaling." Mula sa harapan ng tokador ay bumaling kay Mama ang aking paningin.

"Akala ko ba naman makapagpahinga kana kasi diba binigyan ka ng vacation leave?" Nasa kanyang boses ang pag-aalala.

"Pasensya na po, Ma.. promise babawi ako pagkatapos nito." Nilapitan ko sya para hagkan sa kanyang pisngi.

"Paano yung kaibigan mo? Diba darating sya ngayong araw?" Pagkuwa'y tanong nya.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Kayo po ang bahala, Ma. Nasa inyo ang disisyon kung patutuluyin nyo sya o hindi basta ako importante ang lakad ko ngayong araw."

Nagkibit sya ng balikat habang napapaisip.

"Nagpaalam ka ba sa kanya?"

Umiling ako bago sumagot.

"Hindi ko na sya tinawagan,Ma. Kayo na ang bahalang magsabi mamaya kung darating sya dito sa bahay. Sige Ma, aalis na po ako." Tuluyan na akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong magpaalam kay Mama.



*

*

*

Namamangha akong napatingin sa kulay berde na kapaligiran nang marating namin ni Olivia ang location na gusto nyang puntahan.

Bumaling sa harapan ang aking atensyon at napaawang nalang ang aking bibig nang mapagmasdan ang isang bungalow sa may harapan ng kinapaparadahan ng kotse ni Olivia.

You heard it right. Iisang sasakyan lang ang ginamit namin. Pinaiwan nya ang aking kotse sa isang parking lot ng mall dahil kailangan  daw na sya dapat ang magmaneho para mapabilis ang pagdating namin since may kalayuan ang pupuntahan naming lugar. Kaya napagpasyahan naming dalawa na kotse nalang nya ang gagamitin.


"Pag-aari ng Tiyuhin namin ni Oliver ang plantation na ito. Nagtatampo na nga ang mga iyon dahil panay ang tawag nila sa amin para dumalaw dito kaya lang masyado namang abala sa hospital si Papa at laging nag'o-out of country si Mama. Si Oliver naman nagtagal sa ibang bansa at kamakailan lang ang pag-uwi nya dito sa Pilipinas. So, kahit gustuhin ko man na pumunta dito wala akong choice kasi ayoko din namang mag-isa."

Napatuwid ako ng upo at napalingon sa may driver's seat kung saan doon nakaupo si Olivia. Sinalakay ako ng kaba sa dibdib nang mapag-alaman na makakaharap namin ang mga relatives nila ngayong araw.

"Marunong ka bang mangabayo? Kasi kaya tayo nandito ngayon ay para mag-horseback riding. May mga alagang kabayo din kasi sila Tito. Yung iba ginagamit nilang pangkarera." Nginitian nya ako bago nya tinanggal ang suot na seatbelt.

"Nasubukan ko na ding sumakay ng kabayo noong nasa probinsya pa kami. May alagang kabayo kasi ang Lola ko kaya ako natuto." Honest kong sagot.

"Mabuti kung ganoon. Hindi na tayo mahihirapang magpaturo. I'm sure mag'e-enjoy tayo ngayong araw." Nababanaag sa kanyang boses ang excitement.

Napangiti ako bago ko kinalas ang pagkakabit ng seatbelt ko. Umibis ako ng sasakyan at maagap na sumunod kay Olivia habang binabaybay ang daan  patungong frontdoor ng bahay.


"Oh my God, pamangkin!!"

Isang magandang ginang na kasing-edad ni Mama ang masayang bumungad sa may pintuan at mabilis na yumakap kay Olivia. Ganoon sya ka-excited nang makita ang kanyang pamangkin. So, angkan talaga ng mga mababait na tao ang Admiral. Nakahinga naman ako ng maluwag buhat sa nasaksihan kong eksena.

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon