"Good morning,Doctora Hamrany! Na-miss ka po namin. Ang lungkot ng hospital kapag wala ka, Doctora." Bungad ni Lilac sa akin nang pumasok ako sa inuukopa kong clinic.
"Good morning din, kumusta kayo? Paano yan... on leave na ako sa makalawa." Nakangiti kong sabad sa kanya.
Napansin ko ang pagrehistro ng lungkot sa kanyang mukha pero nagtaka ako nang bigla itong ngumiti.
"May bulaklak po na nag-aantay sa inyo, Doctora.. ipinatong ko na po sa ibabaw ng inyong mesa."
Kaagad na lumipad sa ibabaw ng mesa ang aking paningin at napansin ko kaagad ang isang kumpol na bulaklak na maayos pang nakalagay sa flower vase nito.
"Don't worry po Doctora,hindi mo na mababalewala iyan kasi hindi po kayo maa-allergy."
Muli akong napalingon kay Lilac at nagtanong.
"Bakit?"
"Kasi po hindi fresh ang mga flowers na yan. Siniguro po talaga ng sender na matatanggap mo na this time kasi plastic na po ang bulaklak na pinabibigay nya."
Kaagad akong napasugod sa may mesa at mabilis na kinilatis ang bulaklak. Napapailing nalang ako nang mapagtantong plastic nga iyon.
Napakagat ako sa aking labi bago kinuha ang aking cellphone. Tatawagan ko nga ang makulit na yun. Kaagad ko nang di'nial ang kanyang number nang makalabas si Lilac mula sa silid.
'Oh hi! How's your morning? Na-miss mo ako kaagad?'
Hindi pa nga ako nakakapag-hello ay iyon na kaagad ang pinambungad nya sa akin.
"Oliver, umayos ka!" Singhal ko sa kanya.
Mas lalo akong napanguso nang marinig kong napahalakhak sya ng tawa. Talaga namang ako ang napili nyang pagtripan eh, noh?
'Okay..okay...nasa loob kana ba ng clinic mo? Naibigay naba sa'yo ng nurse mo yung bulaklak?' Nagustuhan mo ba?' Magkasunod na tanong nya.
"Andito na nga nakaupo na sa mesa ko.. and okay naman sya, maganda! Pero panghuli na'to, huh? Oliver iniiwasan ko lang yung mapanghusgang tao baka mamaya kung ano na ang iisipin nila." Ewan ko ba hindi rin ako sigurado kung ano itong kinatatakutan ko.
Napansin ko ang bigla nyang pananahimik bago muling nagsalita.
'Fine! Kung ayaw mong bigyan kita ng bulaklak dito sige ipapadeliver ko nalang sa bahay nyo.'
Mas lalo akong nataranta buhat sa narinig.
"Hwag ka ng mag-abala, Oliver. Mas magagalit ako kapag nagpadala ka doon sa bahay. Sige ka, hindi na kita kakausapin kapag ginawa mo yan." Banta ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim nyang pagbuntong- hininga.
'May magagalit ba?'
Hindi ako nakasagot kaagad sa kanyang huling tanong.
'Okay, i understand. Magkita tayo sa breaktime.'
Huminga ako ng malalim bago tinungo ang swivel chair nang mawala sa kabilang linya si Oliver. Bakit ang bigat sa pakiramdam kapag pinipigilan ko ang aking sarili sa mga nais kong gawin?
*
*
*
Sa bilis ng oras na lumipas ay hindi ko namalayan na breaktime na pala. Nag-stretch ako matapos ang check-up sa panghuling pasyente ko. Inayos ko ang file na nagkalat sa ibabaw ng aking mesa bago ako tumayo. Pero nagulat nalang ako nang pahangos na pumasok si Lilac habang hawak sa kamay ang isang papel.
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
Художественная прозаBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...