Part thirteen

1.1K 44 0
                                    

Katatapos lang naming magdinner nang biglang tumunog ang message alert tone ng aking cellphone. Mabuti nalang at nagkataong nasa loob ako ng aking silid habang nasa sala sina Mama at Ana at nanonood ng tv.

Mabilis kong binuksan ang message na galing kay Oliver.

<Oliver: nasa labas ako ng inyong bahay.>

Nanlalaki ang aking mata nang mabasa kung ano ang nilalaman ng kanyang message. Oh god! Anong ginagawa ni Oliver dito? Baka mamaya bigla nalang syang magdoorbell at ano ang irarason ko kay Mama?

Nagmamadali akong lumabas ng silid at sabay pang napalingon sa akin ang dalawa nang mapadaan ako sa sala.

"Ma, lalabas lang ako sandali at may hahanapin akong gamit sa loob ng kotse ko." God! Kailan pa ako natutong magsinungaling? Pahamak talaga ang Oliver na iyon. Kasalanan nya 'to!

Nakangiti namang tumango si Mama bilang sagot kaya nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Napabuga ako ng hangin nang makita ko nga si Oliver habang nakasandal sa labas ng kanyang kotse.

Napatayo sya ng tuwid nang matanaw nya ang aking paglabas mula sa gate namin.

"Oliver, anong ginagawa mo dito? Hindi porket alam mo na kung saan ako nakatira ay magawa mo na akong istorbohin kung kailan mo gusto?" Pambungad ko sa kanya nang makalapit ako sa kanyang kinaroroonan.

"Grabe ka, sermon agad? Talagang ayaw mong dinadalaw ka, noh? Pero pasensya naman kasi hindi ako natatahimik hanggat hindi kita nasisilayan. Miss kasi kita, sobra!"

Napalunok ako nang marinig ko ang kanyang sagot.

"Ngayon, okay kana? Pakiusap naman umuwi kana, Oliver." Pagtataboy ko sa kanya.

Napaatras ako nang bigla nya akong hawakan sa magkabila kong kamay.

"Ganyan ka ba talaga kamanhid? Kung kaya mong tikisin ang iyong sariling nararamdaman, Ayen Marie.. puwes hindi ako kagaya mo! Mahal kita, ano pa bang pagpapatunay ang kailangan mo para tanggapin mo ako dyan sa puso mo?"

Nawalan ako ng sasabihin at nanghihinang napatitig sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko ang paghihirap mula sa sulok ng kanyang mga mata.

"Noong binigo mo ako, tinanggap ko iyon. Naging dahilan iyon para magpursegi ako para maabot ko ang aking pangarap dahil sa sariling pagsisikap. Nagliwaliw ako sa ibang bansa, oo.. pero Ayen Marie kahit nalibot ko na ang buong mundo hindi parin naging dahilan iyon para makalimutan kita. Oo noon inintindi ko ang iyong disisyon. Pero ngayon hindi ko na maipapangako na magawa pa kitang intindihin. Bumalik ako at natagpuan kitang muli akala mo ba hahayaan pa kitang makawala? Single ka parin hanggang ngayon at kahit hindi mo sasabihin, nararamdaman ko na mahal mo din ako pero ang hindi ko maintindihan kung ano ang pumipigil sa'yo. Mahal na mahal kita Ayen Marie at kahit kailan hindi nagbago iyon mas lumala pa nga. Kaya pakiusap naman hwag mo na akong pahirapan ng ganito."

Napapailing ako bago nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga titig. Marahan kong binawi ang mga kamay ko na hawak nya pero hindi nya iyon pinakawalan.

"Oliver, please?" Pagmamakaawa ko sa kanya na sana bitawan na nya ang mga kamay ko.

"Ayoko ng magiging kaibigan mo lang. Gusto ko magiging opisyal na tayo. Sa mata ng lahat. Kasi Ayen Marie, pangarap kong bumuo ng pamilya na kasama ka. Hindi ako mabubuhay nang wala ka. Gusto mo bang tatanda na tayong ganito? Sa pagiging magkaibigan lang?" Magkasunod nyang tanong.

"Hindi kita pwedeng ibigin. Hindi kita pwedeng mahalin. Kaya pakiusap Oliver, pakawalan mo na ako." Pagsusumamo ko sa kanya.

Umiling sya kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na hwag mapaiyak sa kanyang harapan. Napaiyak ako dahil sa hirap ng sitwasyon na mayroon ako ngayon. Tama sya, pinipigilan ko lang ang totoong nararamdaman ko para sa kanya dahil nababalutan ako ng takot. Takot na posibleng babalik sa dati ang karamdaman ni Mama kapag napag-alaman nyang umiibig ako na syang pinakaayaw nyang gawin ko.


Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon