"Aalis na po ako, Ma.."
Pagkatapos kong halikan sa kanyang pisngi si Mama ay nagpaalam na din ako kay Ana bago mabilis na lumabas ng bahay.
Huminga ako ng malalim nang makapasok ako sa sariling sasakyan. Napapaisip ako kung saan ako tutuloy ngayong araw. Wala pa namang order galing sa director kaya hindi ko alam kung doon parin ang duty ko ngayon sa mansyon ng mga Admiral?
Hayyy... naguguluhan ako! Wala namang sakit si Oliver pero bakit kailngan ko syang samahan sa loob ng kanyang kwarto buong maghapon doing of nothing? Alam kaya ng Papa nya na nagkukunwari lang na may sakit ang anak nito?
Nagulantang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko iyon inilabas mula sa aking bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Nagtaka ako nang mapansin na new number ang naka-register sa screen ng phone ko.
Wala sana akong balak na sagutin ang tawag kaya lang naisip ko na baka importante.
"Yes, hello?"
'Hi, good morning! Amm...pinapasabi nga pala ni Papa na dumeretso kana lang daw dito sa bahay tutal alam mo na ang location?'
Napakunot ang aking noo at kahit hindi na ako magtanong kung sino ang nasa kabilang linya dahil sa boses palang ay kilalang-kilala ko na.
"Teka lang Oliver...kailangan ba talaga na gumamit ka ng ibang tao para ma-pursue mo yung kagustuhan mo? At Papa mo pa talaga, ha?" Hindi ko maiwasan ang hindi mapabuntong- hininga.
'Okay fine...sabihan ko nalang si Papa na sya na mismo ang tatawag sa'yo para hindi na hahaba ang usapan.'
Napatuwid ako ng upo buhat sa narinig.
"No, hwag! Hwag mo ng sabihin sa Papa mo. Papunta na ako dyan." Haist! Seryoso ba sya?
Mas lalo akong nainis nang marinig ko ang paghagikhik nya mula sa kabilang linya.
'Okay. Hihintayin kita, mag-ingat ka sa pagdi-drive. Bye.'
Pinakatitigan ko ng matagal ang screen ng aking phone nang mag-end ang call. Ano ba ang pinaplano nya? Sinalakay tuloy ako ng matinding pagdududa. I'm sure nabilog talaga ni Oliver ang ulo ni Mr Admiral. Kasi kung hindi bakit nya ako pinapayagan na magkulong sa silid kasama ang kanyang anak kung wala naman pala itong sakit?
Patay ka sa akin, Oliver ka!
*
*
*
"Ayen Marie Hamrany."
Nakaisang hakbang pa lamang ako papasok sa loob ng bahay ng mga Admiral ay iyon na kaagad ang greetings na bumungad sa akin.
Marahan akong lumingon at hindi na ako nagulat nang malingunan ko si Olivia na nakahalukipkip habang matalim na nakatitig sa akin.
"Doctora ng mga baliw." Sumilay ang mapanganib na ngiti mula sa kanyang labi.
Saglit akong natulala nang mapansin ko ang kakaibang ekspresyon na nakarehistro sa kanyang mukha pero hindi ko matantya kung ano talaga ang lumalaro sa kanyang utak.
Hindi na ako nagulat kung bakit kilala na nya ako ngayon kumpara kahapon. Syempre sa inis ba naman nya kahapon, malamang pinahalungkat na nya ang lahat ng Doctor's info na nagtatrabaho sa loob ng hospital na kanilang pag-aari.
Hindi ako kumibo pero hinintay ko kung mayroon pang kasunod ang huli nyang sinabi kanina. Napakagat ako sa aking labi nang mapansin kong tinalikuran na nya ako kaagad at tuloy-tuloy sa pag-akyat sa may hagdan.
BINABASA MO ANG
Sana Darating na ang Umaga
General FictionBata pa si Ayen Marie ay pangarap na nya ang pagiging Psychologists dahil sa naging karamdaman ng kanyang ina. Pero bakit sa kabila ng kanyang kasikatan bilang isang magaling na Psychiatrist ay hindi nya ramdam ang pagiging masaya? Paano nga ba sya...