Part fourteen

1.1K 41 0
                                    

Pabiling- baliktad ako sa kama at kahit anong pikit pa ang gagawin ko ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Anong oras na at heto gising na gising parin ang aking diwa.

Hindi na nga ako pinapatahimik ng mga alaala na nangyari sa hospital kaninang umaga at dumagdag pa itong si Oliver.

Hayyys! Bumalikwas ako ng bangon at naisipang lumabas ng silid para tunguhin ang kusina. Pagkasindi ko ng ilaw ay kaagad akong nagsalin ng tubig sa baso bago tinungga iyon.

"Hindi ka rin makatulog?"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak na baso nang biglang magsalita si Mama mula sa aking likuran. Kaagad akong napalingon at sinundan ng tingin si Mama habang kumuha din ng baso.

Pagkatapos nyang magsalin ng tubig ay dumeretso syang naupo sa dining chair. Wala akong nagawa kundi maghila narin ng upuan bago marahang naupo sa katapat na inuupuan nya.

Saglit kaming nagkatitigan pero kaagad akong nagbaba ng tingin. Nagi-guilty ako sa nangyaring paghahalikan namin ni Oliver kanina. Pakiramdam ko nakagawa ako ng malaking kasalanan kay Mama. Ewan ko ba, masyado lang siguro akong masunuring anak. Kaya nang minsan akong sumuway ay masyado akong apektado doon.

"May gusto ka bang sabihin? Mayroon bang gumugulo dyan sa isip mo?"

Napatuwid ako ng upo at deretsong napatitig sa kanyang mukha. Ganoon lang siguro ang Maternal instinct. Napakapowerful. Ngayon ay mas lalo kong naramdaman ang pagiging ina nya sa akin.

"Sabihin mo lang sa akin,anak...baka sakaling may maitutulong ako."

Hinawakan nya ang aking kamay at marahan nyang pinisil iyon. Napalunok ako ng mariin bago nag-ipon ng lakas ng loob para magsalita.

"Okay lang po ba sa inyo, Ma?" Alanganin kong tanong.

Tumango sya at marahang ngumiti. Kahit papaano ay nagdulot iyon ng kapanatagan sa aking kalooban.

"Handa na ba kayong magkwento tungkol sa inyong nakaraan, Ma? Kung hindi.. sabihin nyo lang po at hindi na ako muling magtanong pa." Pagpapatuloy ko habang kinakabahan.

"Ano ang gusto mong malaman?"

"Tungkol sa aking ama. Kung paano kayo nagkakilala at kung sino sya?" Pinanlamigan ako ng kamay habang inaantay ang kanyang sagot at inaanalisa ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Huminga sya ng malalim bago napapaisip. Gusto ko na tuloy bawiin ang aking sinabi dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Pero nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko inaasahan ang kanyang pagkwento tungkol sa nakaraan.

"Isang turista ang iyong ama. Dumayo sya sa ating lugar at nagkakilala kami nang magkaroon ng festival ceremony sa bayan. Hindi ko buong akalain na nakakatakot pala ang salitang pag-ibig kapag maramdaman na ito ng isang tao. Kahit gaano ka katino ay magagawa mo ring tibagin ang lahat ng katinuan na mayroon ka sa sarili mo. Mawawalan ka ng takot. At ang tanging maiisip mo ay yung kaligayahan na nararamdaman mo kapag magkasama kayo."

Napakurap ako habang titig na titig sa kanya. Attentive akong nakikinig sa kanyang kwento.

"Dahil hindi ko gawain ang laging lumalabas ng bahay kaya naman napagkasunduan namin na magkikita kami pagsapit ng alas dose ng hating gabi. Nakakapasok sya sa bahay gamit ang bintana sa aking kwarto."

Napamaang ako nang maalala ang lumang orasan na lagi nyang hawak noon habang nakatanaw sya sa direksyon ng bintana. Iyon pala ang dahilan?

"Wala akong lakas ng loob na ipakilala sya sa mga magulang ko kasi natatakot ako dahil masyadong istrikto ang iyong Lolo. Kaya iyon nalang ang naisip kong paraan para lagi kaming magkikita. Alam kong malaking pagkakamali pero hindi ko kayang supilin yung matinding pagmamahal ko sa kanya."

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon