Part ten

1.1K 37 0
                                    

Pagkatapos ng mahabang oras ng pagkakulong sa loob ng clinic ay sa wakas nagkaroon na din ako ng time para magpahinga. Katulad ng lagi kong ginagawa ay kaagad akong umakyat sa rooftop.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nanumbalik na sa normal ang paligid. Hindi kagaya kaninang umaga halos lamunin na ako ng maraming mata na nakapaligid sa akin. Ni isang flyers ay wala na din akong nakitang nakakalat sa hallway or nakadikit sa may wall.

"Ipinahuli kita at pinadala dito sa taas dahil ikaw ang nakita sa cctv na nagkalat ng mga flyers at nagdistribute sa mga tao. Sino ang nag-utos sa'yo para gawin iyon!"

Galit na boses ang narinig ko nang mapatapat ako sa may pintuan ng rooftop. Natigilan ako sa paghakbang lalo na at pamilyar sa akin ang boses na yun.

"Sabihin mo kung sino!?" Sigaw nito ulit kaya kaagad akong napasandal sa dingding dahil sa gulat.

"Si Ma'am Olivia Admiral po, Sir! Ang kapatid nyo ang nag-utos sa akin para gawin iyon.." nanghihitakutang sagot ng lalaki.

Napahawak ako sa aking bibig buhat sa narinig. Gusto ko sanang sumilip mula sa siwang ng pintuan pero mas pinili ko nalang na bumaba ulit. Dumeretso ako sa ground floor at lumabas sa may garden. Naupo ako sa mahabang bench habang tinatanaw ang mga batang naglalaro sa di kalayuan. May palaruan kasi dito sa labas.


Bigla akong napapikit bago nangalumbaba gamit ang mga kamay habang nakatukod sa ibabaw ng aking hita ang magkabila kong siko.

Si Olivia ang may kagagawan noon? Ganoon sya kagalit sa akin para gawin ang isang bagay na ikasisira ng aking pangalan? Pero bakit?

Biglang bumalik sa aking alaala ang kanyang pagbabanta at noong huling engkwentro namin. So, ganito pala ang plano nya.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata habang nakatutok sa semento sa may tapat ng aking paa ang paningin. At ilang minuto din ang lumipas na nasa ganoon parin ang ayos ko. Huminga ako ng malalim at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa loob ng clinic. Patapos na din kasi ang oras ng break ko.

Natigilan ako nang mapansin kong may nag-abot sa akin ng cup of coffee. Bahagya akong napatingala para mapagsino sya pero kasunod nun ang pagtuwid ko ng upo nang mabungaran ang seryosong mukha ni Oliver.

Saglit kaming nagkatitigan. Alam kong mabait na sya sa simula pa lang. Sya yung tipong kaibigan na masasandalan mo sa lahat ng oras. Pero sa lahat ng ginawa nya ay yung pagtatanggol nya sa akin kanina ang pinaka-hinangaan ko sa kanya.

In this life, hindi ko naranasan na may kakampi. Pinapalampas ko ang lahat kapag binu-bully ako kasi alam ko naman na kahit anong gagawin ko ay ako parin ang syang matatalo. Pero sa ginawa ni Oliver kanina...pinaramdam nya sa akin na hindi ako nag-iisa.

Gusto ko syang yakapin para ipadama sa kanya kung gaano ako ka-grateful dahil sa ginawa nya pero nagawa ko paring pigilan ang sarili ko.

"Magkape ka muna.."

Nakangiti kong tinanggap ang cup of coffee bago ako nagpasalamat sa kanya. Huminga sya ng malalim bago naupo sa tabi ko.

"I'm sorry for what happened. Nasira ang pangalan mo nang dahil sa akin."

Kunot-noo ko syang nilingon pero nakatuon sa harapan ang kanyang atensyon. Ngayon ko lang yata syang nakita na nagseryoso ng ganito.


"Bakit magkaibang-magkaiba ang ugali ninyong dalawa?"

Bahagya syang napalingon sa akin nang bigla akong magtanong.

"Amm...galing kasi ako sa rooftop kanina hindi ko sinasadyang marinig ang mga pag-uusap ninyo nung lalaki." Wala akong nagawa kundi ang aminin nalang sa kanya ang totoo.

"Bakit nya nagawa iyon? Ganoon ba sya  kagalit sa akin para gawin ang bagay na iyon?" Pagpapatuloy ko.

Ibinaling nya sa ibang direksyon ang kanyang atensyon at huminga ng malalim bago sumagot.

"Hindi lang ikaw ang sinira nya. Lahat ng mga closefriends ko na babae ay nagawan nya ng paraan para hindi makadikit sa akin. Ayaw na ayaw nya ang babaeng nahuhumaling sa akin. Maghe-hysterical sya sa galit."

Ngayon ay nakakunot na ang aking noo habang nakatitig sa kanyang mukha. Hindi maikukubli sa aking ekspresyon ang labis na pagtataka.

"Ayen Marie, Olivia is my foster sister. Gustong-gusto ni Mama na magkaroon ng anak na babae pero hindi na sila biniyayaan na magkaanak muli. Napagdesisyunan nilang mag-ampon nalang at iyon nga si Olivia ang nakuha nila. Gusto nilang ipakilala na legal nilang anak si Olivia kaya at the time nagstay ng dalawang taon sa States si Mama. Para lamang mapaniwala ang mga tao na tunay nilang anak si Olivia. Kunwari sa ibang bansa sya nagbuntis at nanganak kaya pagbalik ng Pilipinas ay bitbit na nya ang kunwaring youngest child nila ni Papa."

Napalunok ako ng mariin at parang hindi makapaniwala buhat sa narinig.


"Naging maayos naman ang lahat. Sobrang saya ng parents ko dahil sa wakas nagkaroon sila ng anak na babae sa katauhan ni Olivia. And i love her too as my younger sister. Not until, nang pareho na kaming magkaisip. Doon nagbago ang lahat. She has her feelings for me. Hindi pagmamahal ng bilang isang kapatid kundi mahigit pa doon. Si Mama ang unang nakapansin noon kaya sinugpo nya kaagad. Nagtalo sila ni Olivia at accidentally nabanggit ni Mama ang pagiging ampon lang nya. Doon na sya nagiging agresibo noong malaman nya na hindi naman talaga kami tunay na magkapatid. Mas na-obsess sya sa akin."

Hindi ko maintindihan kung bakit isinasaliwalat ni Oliver sa akin ang malaking sekretong ito ng kanilang pamilya. Ganoon ba kalaki ang pagtitiwala nya sa akin?

"Nang hindi na mapigilan si Olivia sa mga ginagawa nya. Doon na nagdesisyon si Papa. Gusto nyang magkaroon ako ng girlfriend either mapilitan syang ipagkasundo ako sa iba but i refused of course! And the other option, kailangan akong lumayo. That's the time na binigo mo ako. Wala akong choice kundi ang lumayo nalang kaysa naman matali sa babaeng hindi ko naman gusto. Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa ibang bansa at doon narin ako kumuha ng master degree. Maraming dahilan ang paglayo kong iyon. Isa na doon ang pagbabakasakali na magbabago si Olivia. At ang akala ko  ay matutunan kitang kalimutan."

Nilingon nya ako at nabanaag ko sa kanyang mga mata ang nakausling kalungkutan doon.

"Nakabalik ako dito dahil hindi naman pwedeng manatili nalang ako sa malayo para takasan ang lahat. Panganay akong anak at nakaatang sa akin ang mamanahin ko mula sa aking mga magulang balang araw. Kaya hindi nakabubuti ang talikuran nalang ang lahat. Si Olivia, ganoon parin... naiintindihan ko sya. Kasi kung paano hindi kita nakalimutan sa dami ng mga taon na lumipas ay alam kong ganoon din siguro ang nararamdaman ni Olivia para sa akin. Alam kong mahirap kalimutan ang taong nakatatak na sa iyong puso lalo na at nagkataon na nagkaharap kayo ulit."

Marahan akong napayuko para ikubli ang emosyon na nakausli sa aking mga mata. I'm sorry, Oliver... hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo.


"That's why, pinapunta ka ni Papa sa bahay baka sakaling matauhan si Olivia. I'm sorry, i told him kasi na ikaw ang babaeng napupusuan ko and I'm glad that gusto ka nya para sa akin." Ginagap nya ang aking kamay kaya bigla na naman akong nataranta.

"Pero Oliver...we're just friends. Yun lang talaga ang kaya kong ibigay." Marahan kong binawi ang aking kamay bago ako tumayo.

"Kailangan ko ng bumalik sa clinic. Tapos na kasi ang breaktime ko." Paalam ko sa kanya para matakasan ang mainit naming pag-uusap.

Ayokong hahaba ang usapan kung tungkol ito sa nararamdaman nya para sa akin. Dahil alam ko sa sarili ko na walang patutunguhan ang lahat. Hindi ko masusuklian ang kanyang pagmamahal. Natatakot ako.. natatakot sa magiging kalagayan ni Mama. Baka makakaapekto sa kanya kapag natuklasan nyang umiibig ako.

***

Sana Darating na ang UmagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon