Part 14

835 38 0
                                    

Matapos ni gino sa activity area at makausap nga ng personal ang kanyang ama ay bumalik na ito sa loob ng bahay ni kuya.. at si kiara naman ang sumunod na pumasok sa loob ng activity area..

"Kiara"- big brother

"Po kuya?" -kiara

"Nariyan sa iyong harapan ang mga posibleng bagay na may kaugnayan sa iyong ama.. meron akong inihandang mga katanungan na kinakailangan mong mamili at ilagay sa box ang mga bagay na iyong mapipili.." pagbibigay ng instruction ni big brother kay kiara

"Okay po kuya" tugon ni kiara kay big brother..

"Kiara, handa ka na ba?" -big brother

"Opo kuya.." excited na dmsagot muli ni kiara

"Unang katanungan.." -big brother

"Ano itong lagi kung ginagamit sa paborito kung sports.. na ginagamit naten nang turuan kita neto?" -kiara's dad

Maluha-luha naman si kiara ng marinig ang boses ng kanyang ama sa unang pagkakataon.. di man nya ito nakasama ng matagal na panahon ay palagi naman netong nakakausap ang ama sa videocall.. at kumilos na nga si kiara at nilapitan ang bagay na tinutukoy ng ama at inilagay malapit sa box..

"Surf board po kuya" emotional na sabi ni kiara kay big brother

"Tama, pangalawang tanong" -big brother

"Paborito ko itong gulay na pinaka ayaw mong kainin.." -kiara's dad

At kinuha na nga ni kiara ang gulay na paborito ng kanyang ama na pinaka ayaw naman netong kainin.. salungat sa kanyang ama..

"Okra kuya.." -kiara

"Tama, at para sa huling katanungan.." -big brother

"Ano itong bagay na lagi kong dala sa trabaho.." -kiara's dad

At para sa huling katanungan kinuha nga ni kiara ang laptoo at inilagay sa box..

"Laptop po kuya" -kiara

"Tama, at dahil nakakuha ka ng tatlong tamang sagot ay bibigyan kita ng pagkakataon na maibigay na ang iyong regalo at sulat sa iyong ama.." -big brother

"Salamat po kuya" emotional na sagot ni kiara

At mas lalo pa itong naging emotional ng makita neto ang ama na palabas mula sa isang maliit na kwarto.. tuluyan na ngang malayang nagpatakan ang mga luha ni kiara.. dahil miss na miss na neto ang kanyang ama.. lumapit ito at binigyan ng mahigpit na yakap ang ama..

"Dad" kiara habang umiiyak pa din at niyakap naman ito pabalik ng ama at hinalikan sa noo

"Stop crying my princess.." pagpapakalma naman ng ama ni kiara sakanya

"I miss you dad" at mas lalo pa netong hinigpitan ang kanyang yakap sa ama..

"I miss you so much din anak.. how are you? Kamusta ang stay mo dito?" Tanong ng ama ni kiara sakanya

"Okay naman po.. kamusta ka na dad? Gino's here.." -kiara

"I know anak.. i always watch you on tv.. so how was it?" -kiara's dad

"We're so much okay dad.. i don't know.. balik na ulit kami sa dati.."- kiara

"Are you happy?" Tanong ng ama ni kiara

"Yeah.. of course dad.. but not fully happy.." -kiara

"Why? What happen?" -kiara's dad

"I don't know how long will it last.. sa pagiging okay kami.. marami pa din akung hindi nasasabi kay gino.. dahil natatakot ako sa magiging reaction nya dad.." -kiara

"You didn't tell him yet? Right? Just tell him.. mas okay na sabihin mo na sakanya ng mas maaga kesa patagalin mo pa.. mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo at mas masasaktan mo lang si gino anak.." payo ng ama ni kiara sakanya

"Hindi ko alam dad kung kaya ko na ba" -kiara

"Kelangan mong kayanin anak.. gino loves you so much.. i know he will understand you.. magalit man sya sa umpisa.. i know maiintindihan ka din naman nya.." -kiara's dad

"Kiara, maaari ka ng magpaalam sa iyong ama tapos na ang tinakdang oras para kayo ay makapag usap.." pagputol ni big brother sa usapan ng mag ama dahil tapos na ang oras

"Okay po kuya.. salamat po"-kiara

"Thank you kuya" -kiara's dad

At muling nagyakapan ang mag ama at nag paalam na sa isa't-isa

"Happy father's day dad! I almost forgot.. here  (at iniabot neto ang paper bag at sulat na para sa ama) take care always dad! I'll see you paglabas ko po! I love you daddy" emotional na pagpapaalam ni kiara sa kanyang ama..

Niyakap naman ito ng mahigpit ng kanyang ama at hinalikan sa noo
"Thank you my princess.. don't think too much.. enjoy your stay here.. and think about what i told you.. just tell him kahit ano pang mangyare.. tell him right away.. wag mo ng patagalin pa.. i'll support you always! I love you! You're forever be my princess.. always remember that okay? Bye" pamamaalam ng ama ni kiara at umalis na nga ito sa activity area..

Habang si kiara ay emotional pa din na naiwan sa loob ng activity area at iniisip pa din ang mga huling salita ng kanyang ama.. kung kelangan na ba netong kausapin si gino at ipagtapat na ang mga bagay na kinakailangang malaman ni gino.. ngunit natatakot pa din siya sa maaring kahinatnatnan ng gagawin netong pagtatapat.. pero sa isang parte ng isip nya ay kung ano man ang maging reaction ni gino.. magalit man ito o kasuklaman sya ay nararapat lamang ito para sakanya dahil sa matagal na panahon netong tinatago kay gino at minsan na ngang sumagi sa isip nya noon na hinding-hindi malalaman ni gino ang bagay na iyon kahit kelan.. sobrang guilty ang bumabalot ngayon kay kiara.. ayaw nya sanang saktan pa ulit si gino.. pero kinakailangan ng malaman ni gino ang katotohanan..

"Bahala na" sambit ni kiara saka bumalik sa loob ng bahay..

Nang makabalik sa loob ng bahay ay kapuna2 na ang pagiging bilasa ni kiara at may malalim na iniisip.. tahimik lamang ito at tuwing tatanungin ng mga kasama ay isang tanong isang sagot lamang ito.. minsan pa nga ay tila ba wala atang naririnig dahil hindi neto napapansin ang mga kumakausap sakanya.. kaya minabuti na lang ni kiara na pumasok sa loob ng girl's bedroom para magpahinga.. at hinayaan na muna ito ng kanyang mga kasama.. maging si gino ay nag aalala na sa mga ikinikilos ni kiara ngunit iniisip na lamang neto na may kaugnayan siguro ang ipinapakita ni kiara ngayon sa pagkikita nila ng kanyang ama..

 I'll Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon