VIL P.O.V
"Vilma Cuyos,wala kana bang ibang gagawin sa buhay mo kundi titigan ang drawing mong yan ni Tako?"
"Tasuki"
Pagtatama niya sa sinabi ni Max, ang binabaeng kaibigan niya.
"Gusto ko siyang titigan. Kanya-kanyang Trip lang yan. Walang pakialamanan."
Nanahimik si Vil sa ilalim ng paboritong puno ng mangga nang bulabugin ng kanyang mga kaibigan.
Mukhang walang magawa ang mga ito kaya siya na naman ang nakita. Pati ang mga drawing niya ng kanyang Forever Crush na Anime character ay pinag iinitan.
"Walang mangyayari sa'yo kahit magpakaduling kasa kakatitig sa kenkoy na yan." Sabi pa sakanya ng kaibigan niyang si Ivy hapang kumakain ng sitsirya
"Hindi ka niyan paliligayahin. Kahit lawayan mo pa yan maghapon, hindi ka niyan gagahasain." singit ng ever so Green minded na si Rexie.
Napangiwi na lang si Vil sa pinagsasabi ni Rexie.
"Nakakadiri ka talaga, Rexie Mae!" aniyang pasimpleng lumayo rito.
"Naku-cute-an ako sa kanya. Ano bang masama doon?"
"Ang sa amin lang, kaysa nagbuburo ka kasama niyang mga sketch Pad mo notebooks mo, makihalubilo kana lang. Hindi lang yang si Taxi, tuki? ang cute sa mundo." sabi ni Rexie
"Tasuki." pagtatama ulit niya. "At wala akong pakialam sa mga cute sa mundo."
Kamuntik nang mahulog si Vil mula sa kinauupuang bato nang biglang tumili ng pagkalakaslakas si Ivy.
Pati ang ilang mga nagdaraang estudyante ay napalingon sa Gawi nila.
"Ivy Arvee Alfonso,gusto mong ipalapa kita sa sangkatutak na hantik dito?"
Banta ni Vil na dineadma lang nito at tila pinapangarap na nakatingin sa gawi ng South Entrance ng paaralan nila.
"Gosh! Nandito na sila!" tili nanaman ni Ivy.
"Ouch!" Nakatikim tuloy ito ng batok sa kanya.
"Daig mo pa itong si Max kung makatili ka. Magtino ka nga."
Pero parang hindi naman siya narinig ng kaibigan.
"Ang guwapo niya talaga!"
"Shucks, ang ganda ng puwet niya! SaRap ma touch!"
"Umaarangkada na naman yang kamanyakan mo Rexie." singit ni Vil.
"Ayy! Ang guwapo ni Daddy Jaypee!" tili na rin ni Max.
Napabuntong hininga na lang si Vil nang sundan ng tingin ang pinagkakaguluhan ng mga kaibigan.
No Wonder.
Isa-isa na kasing nagsusulputan sa South gate ang mga member ng St. Joseph Academy Basketball team.
Kapitbahay lang halos nila ang paaralang iyon at mukhang naimbitahan na naman ang mga ito ng team nila para sa isang practice match.
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Teen FictionHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...