Chapter 12

73 12 3
                                    


Vil P.0.V

"Magkakilala ba kayo ni Reed?"

Kamuntik na mabilaukan si Vil sa tanong ng Ama. Mabilis na dumampot muna siya ng tubig saka iyon nilagok bago ito binalingan.

Kakatapos lang ng Orientation nila sa Polaris at kasalukuyan silang nagmemeryenda nang bigla na lang siyang tabihan ng Ama.

"B-bakit po?"

Napalunok siya nang makita sa gilid ng mga mata si Reed na napalingon na rin sa kanila.

Nagkibit balikat ito.

"Nakita ko kayong nag-uusap kanina. And you seemed rather 'close', considering the two of you just met."

Bigla siyang nataranta. Nakahalata na ba ang kanyang Ama?

"W-we met. In high school."

"High school?" Kumunot ang noo nito. "I didn't know Reed Attended St. Peter."

"I didn't, Sir." Sabay sila napalingon ng kanyang Ama sa nagsalita. " I attended St. Joseph Academy."

Ngumiti ang kanyang Ama. "I see. Tubong Tarlac din ba kayo?"

Tumango lang si Reed bago naglagay ng hash brown sa plato ni Vil.

"Umuwi po kami sa Tarlac noon dahil sa panghihina ng lolo ko. Nagdesisyon ang pamilya ko na manatili muna kami Doon kahit sandali. Since nasa high school pa lang ako noon, nagdesisyon ang mommy ko na isama ako sa kanila. Hindi naman po naging mahirap para sa amin dahil doon din naman kami tumira noon bago kami lumipat dito sa Maynila."

"I see." Tumatango-tangong binalingan siya ng Ama. "Paano naman kayo nagkakilala nitong unica Hija ko?"

Parang gusto nang pagalitan ni Vil ang Ama. Bakit ba kailangan pa nitong mag-usisa tungkol sa nakaraan nila?

Akmang magsasalita si Reed pero inunahan na niya.

"Member siya ng basketball team noon sa St. Joseph. We just accidentally..... bumped into each other."

"Bumped?"

"Actually, she—aww!"

Napangiwi si Reed nang mariing tapakan ni Vil ang paa nito sa ilalim ng mesa.

"Hahara-hara kasi sa daan ang lalaking ito noon, Pa. Ayun. Nabangga ko siya nang hindi sinasadya."

Pinandidilatan niya si Reed nang akmang kokontra ito. Mukha namang nakuntento na ang kanyang Ama.

Mayamaya ay tumunog ang cellphone ng kanyang Ama.

"Yes, Nancy? Nandiyan na ba sila? Okay, okay. Give me half an hour. Okay."

Her father wiped his mouth with the table napkin before turning them. "I have some matters to attend to at the office, Vil. Isasama ko na rin siguro si Queen."

"Sasama na rin ako, Pa." Wala siyang planong magpaiwan kasama si Reed.

"Kailangan ko pa ring mag-isip ng ideas para sa CM."

"You have to stay, dear."

Nakangiting nilingon ng kanyang Ama ang katabi niyang nanahimik pero alam niyang pinagmamasdan siya.

"Reed said he still has some matters to discuss with you. Sinabi ko naman sayong ikaw ang direktang makikipag-communicate sa kanila sa project na ito, Hindi ba?"

The One That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon