Chapter 14

48 8 1
                                    


A/N: Meet Vilma Cuyos "Vil" at the multimedia. What do you think is she fit in the Portrayer  btw nakuha ko lng siya sa "Taste of Love " na Series pinalabas noon tuwing umaga sa GMA.

Comment here your compliment I Hope nagustuhan niyo mga ka bhebheluvs ang pinili kung Portrayer ni Vil.






Vil P.0.V

Napanganga si Vil nang mapagbuksan si Reed.

He was still holding his phone to his ear while looking at her with those Gorgeous eyes of his.

Mabilis na tinalikuran niya ang binata nang magsimula na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kailangan na niya yatang magpatingin sa doktor.

Napapadalas na yata ang pagha-hyperventilate niya sa tuwing nasa malapit lang ang binata sa kanyang paligid.

Abalang-abala siya sa pagpapakalma ng puso nang maramdaman ang kung anong mainit na bagay lumapat sa kanyang pisngi.

Awtomatikong napahakbang siya palayo dito.

Nang muli niyang lingunin si Reed, nakakunot-noo itong nakatingin sa kanya habang may hawak na cup.

"I just thought you might want something to drink. Much as I wanted to get you something decent to eat, ito lang ang kong mayroon sa coffee shop diyan sa tapat ng building niyo."

Napatingin si Vil sa paper bag na bitbit nito. May tatak nga iyon ng coffee shop sa tapat.

Nang hindi siya kumilos ay si Reed na mismo ang lumapit sa mesa niya at ibinaba roon ang mga binili nito.

Walang imik na inilalabas nito mula sa paper bag ang dalawang plastic container na may lamang Dark chocolate cake.

"I heard this was their Best seller. I haven't tried it yet, kaya hindi ko alam kung masarap ba ito o ano."

Wala sa sariling napalapit siya nang maamoy ang mabangong aroma ng chocolate ng buksan nito ang plastic container.

"Masarap ang lahat ng cake nila diyan. Mas Masarap pa sayu."

Halos pabulong na sabi ni Vil sa huli.

"Ha?"

Tanong ng binata sa kanya na ikina Gulat niya.

"W—wala! Sabi ko salamat."

Ngumiti naman sa kanya si Reed at iniabot nito sa kanya ang tinidor. Pagkaabot sa kanya mabilis niya naman itong kinuha saka naupo.

Ngayon lang niya naramdaman ang matinding gutom. Lunch pa nga pala ang huli niyang kain. Kaya pala ganun na lang ang naramdaman niyang gutom.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Gabing gabi na, ah."

Humiwa siya ng isang malaking slice, saka walang kiyemeng isinubo.

Reed just shrugged before he reached out for the side of her lips.

Kamuntik nang bumara sa lalamunan niya ang malaking slice ng cake nang makaramdam ng kuryente na dumaloy sa kanyang kung kaya't ganoon nalang kabilis ng tibok ang puso niya.

Traydor na Puso!

Sabi pa niya sa puso sa pamamagitan ng pagsalita sa isip.

Mukha namang wala iyong epekto sa binita dahil tahimik na isinubo lang nito ang daliring ipinampunas sa gilid ng ng labi niya.

"Hmmmm...Sweet."

Sabi pa ni Reed bago dinampot ang isang cup ng kape sa harap nila.

Sana all matamis—Heh! Pasaway na isip...

The One That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon