Chapter 9

265 18 0
                                    


Vil P.0.V

Nag-iinat inat si Vil habang sinusunod Ang ama sa paglalakad.

Kasalukuyan nilang dinadaanan Ang malawak na lobby ng Cuyos Advertising kung saan siya magtatrabaho.

Napabuntong hininga na lang siya nang muling masulyapan ang malapad na likod ng Ama.

Nang umuwi siya kaninang umaga ay inakala niyang Hindi na ito dadatnan pa sa bahay nila.

Kaya ganoon na lang Ang gulat niya nang abutan itong nakatayo sa labas mismo ng gate katabi ng pinakamamahal nitong Dobberman at mukhang hinihintay siya.

Nasabon siya ng husto ng kanyang mga magulang  dahil Hindi man lang niya naalalang tumawag ng nagdaang gabi para sabihing Hindi siya makakauwi.

Hindi sa gustong niyang mag-alala Ang mga magulang, Ang kaso, talagang nawala na sa isip niya Ang tumawag sa mga magulang na ipaalam na Hindi siya makakauwi.

Namula Ang mga pisngi ni Vil nang lumitaw sa kanyang isip Ang mukha ng lalaking magdamag niyang tinitigan.

Kinailangan pa niyang magsinungaling sa mga magulang Kung saan siya nagpalipas ng Gabi at Sino ang kasama niya.

Sigurado kasing malilintikan siyang lalo kapag nalaman ng mga magulang niya ito na sa Unit ng Isang Lalaki siya nagpalipas ng magdamag.

"Don't think for a second that I've forgotten all about this morning, young lady."

Napaangat ang tingin ni Vil nang huminto ang kanyang ama at hinarap siya.

"Hindi ka pa absuwelto. I'm still mad, You know?"

Nakangiting sumalubong  ng tingin ito sa Ama. Alam niya ang tonong iyon.

Gustong magpalambing ng kanyang ama.

"Pa, sinabi ko naman na Wala Kang dapat na ipag-alala di ba? Ree— Rechel is an old acquaintance. Masyado lang kaming nag-enjoy sa pagkukuwentuhan at pagkakamustahan kagabi kaya Hindi na ako nakatawag at nakapagpaalam sa inyo."

"Nakalimutan mong may mga magulang Kang naghihintay at nag-aalala sa'yo?"

"Pa, naman."

Umismid lang ito, tsaka siya inaakay papunta sa elevator.

"You can't blame us. Iyon ang unang pagkakataong Hindi ka man lang tumawag na Hindi ka makakauwi."

"Sorry." She gave her father  a bear Hug.

"Wag ka nang magalit papa. Pa! Promise, hindi na yon mauulit muli."

Her father sighed.

"Dapat lang. Ayoko nang mapagalitan ulit ng Mama mo."

Tuluyan ng napangiti si Vil. Alam niyang malaki ang tiwala sa kanya ng mga magulang niya—lalo na ang kanyang Ama.

But parents would always be parents, wika nga.

"So, Pa. What's this huge deal you were bragging about?"  tanong niya sa Ama habang nasa loob ng elevator.

Nangislap Ang mata nito.

"It's for Polaris. They want us to do the CM for their Newest line of watches."

Nanlaki ang mga mata ni Vil sa Ama tila di makapaniwala sa sinabi nito.

"You mean. The Polaris?"

"The One and Only." Ngiting-ngiti ang Ama nito nang makalabas sa elevator.

Polaris  was one huge catch. Kabilang ang natuturang kumpanya sa Top 100 sa buong mundo.

The One That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon