Chapter 16

47 7 1
                                    

Vil P.O.V

Hindi na nag-isip pa si Vil nang bigla niyang isalpak sa mukha ni Reed ang palad niya. Wala siyang pakialam kung hindi ito makahinga.

Basta ang gusto niya ay tantanan ito ng nagpapansin sa paligid nila.

She felt his hot breath against her palm when Reed chuckled.

Nakaramdam naman siya agad ng pagkahiya, kaya aalisin niya na sana ang palad niya sa mukha ng binata—

"Don't." Pinigilan siya nito at inilapat pa ni Reed nang husto ang palad niya sa mukha nito.
"Just leave it like that."

Parang namang tumayo ang mga balahibo ni Vil ng maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Reed sa Palad niya.

Hinalikan ba ni Reed ang Palad ko?

Pakiramdam ni Vil ay kumapal ang hangin sa paligid sa gitna ng nagkukumpulan na mga tao.

There was just so much intimacy in what he just did.

"Dalawang Marshmallow with chocolate Crepe."

Napalingon agad si Vil at nagsalita.

"Magkano po?"

Tanong niya. Nakangiting iniabot naman sa kanila ng tindera ang inorder nila.

"One hundred-fifty pesos po, Ma'am."

Dudukot na sana si Vil sa bulsa niya ng pigilan naman siya ni Reed.

"Ako na." He blindly reached for his wallet and opened it in front of her. "Kumuha ka na."

Walang imik naman siyang dumampot ng buong isang libo dahil wala siyang makita na smaller Bill. Muli nitong ibinulsa ang wallet.

Nang iabot sa kanya ng tindera ang sukli ay napilitan siyang alisin ang kamay sa mukha ni Reed. Hindi naman ito nagprotesta.

"Thank you po, Please come again."

"Whoo! That was fun." Sabi ni Reed na amaze sa nangyari, Habang iginigiya siya papunta sa susunod na stall.

"Sukli mo."

Umiling lang si Reed, saka dinukot ang wallet at inilagay sa kamay niya.

"Hold this."

"Anong gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong ni Vil.

He just shrugged before gently pushing her forward.

"Ikaw na ang humawak. Kaysa naman dudukot pa ako ng dukot." He answered.

Hindi  naman napigilang mapangiti ni Vil. She found the gesture is really sweet.

Hindi niya akalaing makikita ang side na ito ni Reed.

Back in Highschool, all she ever wanted was to be able to draw his face. Now that he was there with her, it seemed that she wants more than that.

Hindi na siya nagreklamo pa ng si Reed mismo ang iginaya siya palapit sa iba't ibang stall. Pipili ito ng pagkain habang siya naman ang tagabayad gamit ang pera nito.

Pakiramdam ko ay bagong kasal kami at ako ang misis na nagba-budget ng pera nito.

She froze at the thought.

Now, where the hell did that came from?

Kaya mariing ipinikit niya ang mga Mata, saka iniling ng paulit-ulit ang ulo.

Umayos ka, Vil! Dika pinalaki ng magulang mo na humarot!

Pasimpleng kinurot niya ang sarili.



Gutom lang talaga siya kasi kung ano nalang pumapasok sa isip nito.







A/N: Sorry ang lame ng update. Sorry ang tagal ng update. May writer's block po kasi. Ilang weeks na akong hindi makapagsulat ng maayos.

Pinilit ko lang mag update ngayon. Huhu! VOTE PO KAYU AND DON'T FORGET TO FOLLOW ME & COMMENT.

The One That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon