Chapter 15

42 8 0
                                    


Note: Reed Alarece at multimedia^_^

A/N: Hi Bhebheluvs. I can't return the regular update (pinilit ko lang ngayon) please refrain yourself from posting rude comments, demanding for fast updates na parang isang buwan akong 'di nag-update. It's okay naman to demand update, okay lang sa akin noon pa.

I am not a full time writer na ito lang ang ginagawa, 'wag akong igaya sa iba. Please. Thank you for those patient readers. 

Happy reading!



Vil P.O.V

"Nasaan tayo?" Tanong ni Reed sakanya.

Lumapad naman ang ngiti ni Vil nang makita ang pamilyar na kumpol ng mga tao ng makarating sila sa Emerald Avenue sa Ortigas.

Halos wala na siyang makitang space sa pagitan ng mga tao habang nagsisiksikan ang mga ito sa maliliit na stalls  na nakahilera sa gitna ng kalsada.

"Welcome to Emerald Ortigas midnight fastfood chain!" Nakangiting hinila niya si Reed.
"This is the reason why I love the Friday."

"Dahil sa street foods?"

"Yup!" Mabilis na nakisiksik sila sa mga tao. "Maraming delicious food dito. Mura na masarap pa! San kapa? Sa street foods na!"

Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Reed nang tuluyan na silang makapasok sa mataong puwesto.

Halos hindi na sila makagalaw sa dami ng mga  nagkukumpulan na tao.

"Vil."

Nang lingunin niya si Reed, ang malapad na dibdib nito ang sumalubong sa kanyang mukha.

Napasinghap siya nang walang sabi sabing pumaikot sa bewang niya ang braso ng binata, saka siya kinabig palapit sa sa katawan nito.

She could feel hard muscles against her back. Parang biglang nagslow-motion ang lahat sa paligid niya.

She could feel her heart thumping against her chest again as he slowly guided and protected her from the crowd of people.

"Saan ba tayo pupunta?"

Dahan-dahang pinakawalan ni Vil ang pinipigilang hininga nang marinig itong magsalita sa kanyang likuran.

"D-doon." Ininguso niya ang isang stall na halos hindi makita sa sobrang dami ng mga tao.
"Alam kung gutom kana, kapag hindi tayo pipila doon mauubusan tayo."

"Ano bang meron dun?"

Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Vil ng maramdaman ang paggalaw ng palad ni Reed sa bandang bewang niya.

Nang tinglain niya ito at tingnan, nakatingin lang din ito sakanya. Naningkit ang kanyang mga mata ng makita ang pilyong kislap sa mga mata nito.

"What?" Nagpipigil na tanong nito kay Vil.

"Wag mo akung ma What- What, diyan baka What in ko mukha mo! Alarece. I know what you're doing." Tinapik niya ang braso nito na nakapulopot sa bewang niya.
"Bitawan mo nga ako. Kaya ko namang maglakad mag-isa."

"Baka mawala ka."

"Heh! Sinabi kuna sayu I can take care of myself."

Saglit siyang tinitigan ni Reed bago dahan dahang itinulak gamit ang buong katawan nito. Maingat na iginaya siya palapit sa stall na itinuro niya kanina.

"Ano ba kasi meron dito?"

Tanong pa ulit ni Reed. Pilit namang inignora ni Vil ang damdaming unti-unting nagwawala ang puso sa loob niya.

"D-dito mo matitikman ang pinakamasarp na Crepe sa buong buhay mo."

"Crepe?"

"Eh!? Basta."

She tried to wriggled free from his arms but he didn't let her go.

Sa halip ay si Reed ang nakipagsiksikan sa mga tao habang hawak ang kamay nito at pinoprotektahan.

Alam ni Vil na hindi niya dapat bigyan ng interpretasyon o malisya ang ginagawa ni Reed.

Pero anong magagawa ko? Simpleng babae lang din po ako na hindi immune sa malupit na karisma ni Reed—

"Aray! Ano ba?!"

Hindi napatapos ni Vil ang pagsasalita sa isip ng mapalingon siya sa nagsalita. Isang kumpol ng mga bonak—este mga babae at binabae ang nakita niyang nasa harap nila.

Masama ang tingin nila kay Vil pero biglang nagliwanag ang mga mukha nang mapatingala sa kasama nitong sa likuran niya.

"Sir, ilen po eng eerderen nye?"

Tanong ng babae na nagpapabebe habang binubukas sira ang mata na parang sira.

"Ilan daw ang order mo, Sir pogi?"

Pacute na ngumiti ang mga bakla at mga babae sa harapan nila.

"Dito kana oh... Mauna kana. Hindi naman kami nagmamadali."

Nag-init ang ulo ni Vil kaya bigla niyang nilingon si Reed, kaya muntik na dumampi ang mga labi niya sa labi nito dahil bigla rin itong dumukwang ng bahagya.

"Ano raw ang order natin?"

Pabulong na tanong ni Reed sakanya, sumagot naman siya na wala sa sarili.

"D-dalawang M-marshmallow with chocolate crepe."

Nanatili lang siyang nakatingin sa mga labi Reed habang nagsasalita ito. Ayun nanaman ang kakaibang kaba sa kanyang mga labi.

Unti-unting umangat ang sulok ng mga labi nito. Hindi na naman niya mapigilang suminghap dahil feeling niya na uubusan siya ng oxygen sa katawan.

Ang akala niya ay lalayo na ang binata sakanya pero pinatong lang nito ang baba sa balikat niya bago muling binalingan ang mga sa harapan nila.

"Dalawang Marshmallow with chocolate Crepe."

Sabi ni Reed sa nagtitinda.

"Pangalan po Sir?"

"Vil."

She heard a chorus of sigh nang ngumiti si Reed.

Mukhang nakalimutan ng mga people sa harap nila na isang digmaan ang pagbili ng crepes sa stall na iyon.

Everyone just seemed mesmerized by Reed's charming smile.

Bigla nakaramdam si Vil nang pagproprotesta ng mapansin ang pagpapapungay ng mga mata ng mga babae,Bakla at mapa lalaki man sa paligid nila.

Pati lalaki nga  na babakla sa karisma ni Reed, ako pa kayang na babae lang.



All of sudden, she felt possessive of Reed.






A/N: Hi Bhebheluvs. I can't return the regular update

I am not a full time writer na ito lang ang ginagawa, 'wag akong igaya sa iba. Please. Thank you for those patient readers.  Don't forget to vote and Follow Me!

-IvyreteJC

The One That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon