Vil P.O.V
"I've missed this place, so much!"
Sabi ni Vil habang naglalakad sila ni Reed sa maluwang na entryway ng St. Peter University Laboratory School.
Pasado alas-kwatro na ng madaling araw nang bumaba sila ni Reed sa main bus terminal sa buong Tarlac. Dahil alanganing oras pa ay nagpasya silang mamasyal sa paligid at maglibot muna.
Sa Tarlac Plazuela sila nagpalipas ng oras habang nagmumuni-muni sa paligid. Namangha siya sa dami ng pagbabago sa kanilang lugar na kinalakihan na niya.
Magmula kasi ng maka-graduate siya ng college, Apat na taon na ang nakalipas ay hindi na sila nakauwi ng Tarlac.
Wala silang ginawa ni Reed sa Plazuela kundi ang maupo at magduyan sa playground at nagkuwentuhan.
Hindi naman pala ito kasingsungit nang inaakala niya.
In fact, masaya at masarap itong kausapin. Halos hindi na nga nila namalayang maliwanag na ang paligid.
"Walang masyadong pinagbago."
Sabi niya pa habang inililibot din ang paningin sa paligid.
Tuwang-tuwa si Vil ng makita ang pamilyar na mga school bus kanina sa paradahan papuntang SPU.
Ganun pa din kasi ang hitsura at kulay ng mga iyon parang mga hindi makakarating sa paroroonan.
"I used to sit under that tree a lot of times."
Aniya habang itinuturo ang malaking puno ng acacia sa tapat mismo ng highschool building.
"Doon ako madalas mag drawing kapag nag iinit at umuusok na ang taenga ko sa kaka asar ng mga kaibigan ko."
Hinatak niya si Reed sa braso nang marating nila ang pamilyar na Lugar.
"Natatandaan mo ba ang lugar na tuh?"
Tanong ni Vil kay Reed habang nakatingin sa mga plant box na naroon.
"Yeah. This is where you first bumped into me."
Napangiwi na sabi ni Reed tsaka napahawak sa tadyang nito.
"You almost seriously break my ribs back then."
"Oa mo!"
Napangiti siya nang may mga estudyanteng nag-iingay sa isang bahagi ng malawak na open failed.
Itinaas ni Vil ang camera na nakasabit sa leeg niya. Kinuha pa nila iyon ni Reed sa kanyang apartment sa Malabon bago niya ito kinaladkad papuntang bus station.
"This is what I love about this place. Kahit saang angulo o sulok ka magpunta, mayron at mayroon kang ma-aalala."
She smiled as she took pictures of smiling students.
"You seem to love this place a lot." Sabi ni Reed nang tumayo ito sa tabi niya.
"I do."
Ibinaba niya ang camera, saka sumagap ng masariwang hangin.
"This school holds a lot of memories both happy and sad." Ibinuka niya ang mga kamay saka ito humarap.
"This is where Polaris CM concept will be born."Nangunot naman ang noo ni Reed.
"Here where?"
"Here." Napangiti si Vil ng lumitaw sa isip niya ang nakabuong ideya ng konsepto para sa CM nito. "Tama ka. Maybe I'm using my head too much. Nakakalimutan ko na ang ganitong pakiramdam."
"Mmm." Tumatango-tango na pagsang-ayun ni Reed saka ito nagpaunang maglakad.
Napikon ba si Reed sa kanya dahil basta na lang niya itong kinaladkad doon?
Hindi naman siguro niya masisi ang binata kung nainis man ito sakanya.
He was supposed to be a client.
Pero ito at siya pa ang pinauunlakan sa lahat ng kapraningan niya. Laglag ang mga balikat na sinundan niya ito.
Para lang muling huminto ang paligid niya ng lumingon si Reed sa gawi niya na nakangiti.
"Where do we stay?" Tanong ni Reed sakanya ng nakangiti.
His smile was just too sincere for her to think that he was just forcing it.
Bigla na naman umahon ang pag-asa sa puso ni Vil. Kung para saan, Hindi parin niya alam.
She was so happy at the moment to let any weird feelings she had for him stand in her way.
Malapad ang ngiti ni Vil na tumakbo palapit kay Reed.
Saka sumagot sa tanong nito."Kahit saan. Marami naman tayong puwedeng puntahan at pasyalan dito."
When Reed reached her hand, she didn't pull it away.
Tama na muna ang pag-iisip ng mga trabaho at ibang bagay.
It was time she used her heart to think.
A/N: I dedicate this chapter for my bhebheluvs MariflorParangan0 thank you for reading my works stay calm and wait for the update mga kabhebheluvs malapit na tayo sa Ending kunting kembot nalang...Love you all mga bhebheluvs!
Don't forget to Vote
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Teen FictionHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...