Vil P.0.V
Abalang-abala si Vil sa pagtitig sa apat na blangkong frame sa harap niya.
Pilit niyang hinahalukay ang isip para sa konsepto ng kauna-unahang Commercial na Gagawin niya.
Ang kaso, ilang oras na siyang nakatitig sa draft frame ay Wala pa ring pumapasok sa inaamag na utak niya.
"Ah! What the heck!" Nanggigil na sinubsob niya ang mukha sa mesa.
Sinasabi na nga ba niya. Bakit kasi siya nagpauto sa Papa niya? Hindi naman Birong kliyente ang Polaris.
Bakit sa kanya pa iyon iniasa? Marami naman silang creative artist sa Kompanya.
Mariing ipinikit niya Ang mga mata. She was Vilma Cuyos- C. Ads princess and artist extraordinary.
She was supposed to be one of the best Damn painters in this country had ever known pero bakit isang simpleng CM draft Lang ay Hindi niya magawa?
Napaangat Ang ulo ni Vil Mula sa mesa nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya.
Tinatamad na dinukot niya iyon mula sa bulsa ng suot na pantalon.
"Hello?" Aniyang hindi tiningnan ang pangalan ng tumatatawag.
["Nasaan ka?"]
Napatuwid siya ng upo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Reed?"
["No. I'm Demy."
Napasimangot siya. Suplado talaga ang Bruho!
["Nasaan ka?"] Ulit nito.
"Nasa Opisina, Obvious ba?"
["Sa ganitong oras!?"]
Nagtatakang inilibot ni Vil Ang paningin sa paligid. Kasalukuyang siyang nasa creative room at nag-iisip ng draft sa CM ng Kumpanya nito.
Walang kahit na anong senyales ng relo sa buong silid kaya napilitan siyang tumayo at sumilip sa labas.
Soundproof ang buong silid at makapal ang kurtina ng mga salaming ding ding niyon.
Nagtaka pa siya nang makitang madilim na sa labas maliban sa ilaw ng pathway na tumutumbok papunta sa elevator. Napatingin siya sa screen ng cellphone niya.
It was almost midnight! Ilang oras na ba siyang nagbabad Doon?
["Vil."]
Mabilis na ibinalik niya Ang aparato nang marinig ang boses ni Reed.
["Nandiyan ka pa ba?"]
"Oo."
She sat back on her chair.
"Hindi ko napansing late na pala. Masyado yata akong naaliw sa pag-iisip ng draft para sayo."
Napabuntong-hininga siya.
"Kung bakit Naman Kasi ang hirap mag-isip ng matinong concept para sa CM ninyo. Noon namang bini-brief ako ni Papa, parang ang dali-dali lang ng Gagawin ko."
Naalala pa niya noong itinuro sa kanya ng Ama ang mga pasikot-sikot sa paggawa ng isang epektibong CM.
Parang napakadali ng pagpapaliwanag ng Papa niya. Pero ngayong nakasalang na siya...
"How, Reed. Ikaw Naman yata ang nawala." Untag niya.
*DING*
She heard a 'ding' sound before he spoke again.
["Open the door."]
"Ha?!"
["Open Your Office's door."] Nagtataka man, bitbit ang cellphone lumapit siya sa pinto at binuksan iyon.
"Hi." (^_^)/
A/N: HELLO MGA KA BEBELUVS STAY CALM AND WAIT FOR MY UPDATE DON'T FORGET TO VOTE EACH CHAPTER AND TO FOLLOW ME...❤
FOR MORE STORIES CHECK OUT MY ACCOUNT AND FOLLOW ME GUYS...
SORRY PO NGAYON LANG PO AKO NAKA UPDATE BUSY PO KASI AKO SA SCHOOL PROJECT AND HOUSEHOLD.
PERO NAMAN PO WAG NIYO PONG KALIMUTAN MAG VOTE NAKAKA WALANG GANA MAG UPDATE EH! KUNG DI NAMAN KAYU AWARE YUN LANG PO
DON'T YOU DARE NOT TO VOTE ANY CHAPTER OF THESE STORY MY LUVS! *Death Glare* -___-
That's! All Good Bless you all mwa!^_^
-IJC WRITES ❤
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Teen FictionHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...