Vil P.O.V"I said don't move, Reed."
Saway pa ulit ni Vil sakanya.
Nakangiwing umayos naman ito. Naroon sila ngayon sa Roof top ng Cuyos Ads Building.
Kanina nang maisipan niyang pasalamatan si Reed, iisang bagay lang agad pumasok sa isip niya.
She did what she does to Best.
Kaya Ayun ito, Bahagya ng namamawis habang nakatayo at nakadikit ang mga hawak malapit sa steel bar na siyang nagsisilbing bakod ng rooftop habang nakasalampak siya sa sahig at abalang-abala sa pagguhit dito.
"Can I atleast rest a bit? I can't feel my legs anymore." Reklamo naman ng binata sakanya.
Sa halip na sagutin niya si Reed ay binilisan niya ang pagguhit dito.
Nang makuntento nasa roughness at draft ay sinenyasan na niya itong umupo na.
Iinat-inat namang sumalampak si Reed sa tabi niya.
She was busy sketching when she felt him leaning closer and watching her do her stuff over here shoulder.
Hindi na siya nagdalawang isip na isandig din ang sarili sa katawan nito.
"Wow! Is that me?"
Manghang-mangha ito habang pinapanood siya sa pagbabalance ng tone gamit lamang ang kanyang mga daliri.
"Hindi. Isa itong Tsonggo na naligaw sa syudad."
Napangisi si Vil ng Makita ang biglang pagsimangot ng binata.
"Wala akung maisip na ibang puwedeng ibigay sayu. Sorry, kasi ito lang kaya ko." Dagdag pani Vil.
Maingat niyang hinipan ang mga nagkalat na pinong lapis at charcoal sa itaas ng larawan.
She made some final touches to it.
Komportableng napabuntong-hininga na lang siya nang matapos ang larawan.
"This is Great." Sagot naman sakanya ni Reed nang bahagya nitong kunin sa kanya ang larawan.
"You got a single detail, it's even better than a real picture." Dagdag namang na papuri ng binata sakanya.
"Do you like it?"
"So much." And Reed lean to her and he planted a gentle kiss on her forehead. "Thank you."
Hindi niya napigilang mapahagikgik sa sobrang kilig na nararamdaman.
"Ipapaframe ko nalang, tyaka ko ibibigay na ito sayu."
Inabot uli niya ang larawan na kanyang ginuhit pero nilayo lang ni Reed iyon.
"I like it as it is. Pwede bang sa akin na lang itong buong sketch pad mo?"
Napakagat labi nalang si Vil. Puro larawan ni Reed ang Sketch pad na yun.
There were sketches of him while silently drinking coffee habang naghihintay ito sakanya sa Labas ng Creative room.
Habang nakakunot-noong pinagmasdan nito ang nag iisang Koi na isda sa malaking aquarium malapit sa Restroom.
Habang abalang-abala ang binata sa paglalaro ng computer ni Queen.
Habang nakangiti itong kumakaway sakanya nang ihatid siya sa kanyang bahay.
Habang payapang nakatunghay sa labas ng bintana ng bus noong pauwi galing Tarlac.
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Teen FictionHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...