VIL P.0.V
Halos hindi na humihinga si Vil habang nakatayo siya sa likod ng pinto ni Reed.
Kanina, habang tahimik silang sakay ng elevator ay nakabuo na siya ng konklusyon na nag-iisa lang ang binata sa unit nito.
Isinaksak na niya sa kukote na walang anumang malisya iyon. Pero ngayong nasa bahay na siya nito...
"You should take your clothes off."
Biglang lumipad ang tingin niya rito. Wala nang suot pang-itaas ang binata.
Sa halip ay nakasampay sa balikat nito ang isang puting tuwalya habang kinukuskos ang ang basang buhok.
Parang biglang tinambol ang dibdib niya nang mapagmasdan ang kabuuan nito.
He was not the bulky type. He had muscles in all the right places.
What did they call his type again? Lean? Yeah. He was lean, all Right. Lean and.
...SEXYNapapikit si Vil nang mariin nang magsimulang humkbang si Reed palapit sa kanya.
She could hear footsteps closing in on her pero hindi pa rin siya dumilat. Ayaw niyang magkasala dahil lang sa alindog ng lalaking ito.
"You should really take those off."
Kamuntik nang lumuwa ang kanyang mga mata sa pagkakamulagat nang maramdaman ang hininga ni Reed sa harap mismo ng kanyang mukha.
Ganoon na lang ang shock niya nang makitang nakatayo na ang binata ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya.
Nakayuko rin ito kaya ngayon ay magkatapat na ang kanilang mukha. She could see her own reflection in his clear brown eyes.
"A-ahm-"
Nahigit ni Vil ang hininga nang walang sabing itinukod ni Reed ang siko sa gilid ng kanyang ulo; His palm on her head.
Ramdam na ramdam niya ang init na ibinubuga ng katawan nito.
"Or, do you want me to help you?" Bulong nito sa kanyang tainga.
Biglang nanginig ang buong katawan niya nang hipan nito ang isang bahagi ng kayang leeg. Her body reacted on impulse.
Mabilis na yumuko siya, saka umalis mula sa pagkakakulong sa pagitan nito at ng pinto. Wala pang dalawang metro hinakbang niya pero hingal na hingal siya.
Malanding lalaki!
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Sikmat niya.Dahan-dahang lumingon si Reed, saka nakahalukipkip na sumandal sa pinto.
"Trying to save your life yet again." He let out a bored sigh.
"Saving my life, my ass. Pinaghuhubad mo ako, tapos sasabihin mong you were trying to save my life? Nek-nek mo-"
Napakunot ang kanyang noo nang may ini-nguso nito ang kung ano mula sa kanyang likuran.
Nagtaka man ay nilingon pa rin iyon ni Vil. Wala naman siyang nakitang anuman o sinuman.
Asar na sisitahin na sana niya si Reed nang mahagip ng kanyang mga mata ang kung ano sa ibabaw ng armrest ng sofang naroon.
"Wala akong ibang kasama dito kaya wala tayong mahihiraman ng damit na pwede mong isuot kaya pagtiyagaan mo na muna ang mga yan." Anito nang lagpasan siya.
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Fiksi RemajaHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...