Vil P.O.V"Awww..." ANAS ng lalaking sapo ang likod ng ulo habang ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang baywang.
Ang kamay nitong nakasapo sa ulo kanina ay lumipat na sa mukha nito.
Inalis ang bond paper na nakapatong pa rin sa mukha nito, saka iyon binaba sa tabi.
Bumagsak ang mga panga ni Vil nang mapagmasdan ang mukha ng lalaki.
He had thick eyelashes, an aristocratic nose, slightly long brownish hair, and red sensual lips. Napakakinis din ng maputing balat nito.
At ang mga mata... they were light brown which seemed to complement his angelic face even more.
Anak ng tupa! Ang gwapo!!!
"Darn it..." muling anas ng lalaki.
Noon lang na tauhan si Vil. Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo nito.
"S-sorry," aniya.
Mukhang noon lang din siya napansin nito. Tiningnan lang siya. Ganoon lang din ang ginawa niya.
My, my... May mas guguwapo pa pala kay Tasuki ko?
"Oh, Reed. Nalingat lang ako, nangha-haras kana ng babae? Akala ko pa naman hindi kita kapanalig. Isa ka rin palang dakilang hayok —__"
"Just shut up and help me get this thing off me," sansala ng lalaking nasa ilalim niya.
This thing? Aba, aba, aba... Kung i-address siya nito ay para siyang isang basurang bumagsak na lang dito. At hindi niya matatanggap iyon. Pwede namang "this Girl" bakit "this thing" pa?
"Okay ka lang ba, Miss?" Akmang hahawakan si Vil ng lalaking bagong dating para tulungang tumayo pero pumiksi siya.
"Ah, Miss?"
Tinitigan ni Vil nag diretso sa mga mata ang guwapong nilalang na nakukubabawan niya ngayon.
At kamuntik nanaman niyang makalimutan ang inis nang mapagmasdan ang mga mata nito.
He really had a beautiful pair of eyes. Kay sarap titigan. At kay sarap tumitig. Tumutig? Wait what? Titigan asa pa sya tsk... What! The—___
Napansin niyang nakakunot na ang noo ng lalaki at na realize niyang nagtititigan sila sa halip na sinisigawan ito at tinuturuan ng good manners and right conduct.
"Do you mind?" mayamaya ay sabi nito.
"You're crashing me, Missy."
"Yes. I do mind. And my name's not 'Missy', it's Vilma. V-I-L-M-A but you can call me Vil as in V-I-L. Hindi ako isang 'thing.' Tao ako sa ayaw at gusto mo. Kaya pwede ba, sa susunod matuto kang i-address nang tama ang mga tao sa paligid mo. Got that?"
"No. Now, Will you get off my face? —butt. Wala akong pakialam kung mapisa ka man diyan. Find your manners and I'll get off your back. Err!—your Front."
Lalong kumunot ang noo ng lalaki sa mga sinabi ni Vil.
Mukhang hindi nito mapaniwalaan ang alinman sa mga iyon. Wala siyang pakialam kahit masabihan pang alien.
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Teen FictionHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...