Chapter 11

63 10 1
                                    

VIL P.0.V

"Would you please tell us more about the target audience?"

Halos walang naiintindihan si Vil sa sinasabi ng sales team ni Reed. Paano, simula nang mag-umpisa ang meeting ay hindi na siya nilubayan ng tingin ng Lalaki.

"We want to catch everyone's attention. Our new line would cater to all age brackets—"

Napalingon sa kanya ang lahat ng naroon nang bigla siyang mapasinghap nang malakas nang may sumipa sa kanyang paa sa ilalim ng desk. She gave up them a lop-sided smile. "Sorry," hinging-paumanhin niya sa bago binalingan ang salarin na abalang-abala na sa pakikinig.

"As I was saying..."

Pasimple ring sinipa ni Vil si Reed sa ilalim ng mess. Nakita pa niya nang ngumiti ang binata bago binaliktad ang isa sa mga files na hawak nito.

He wrote something on it before secretly handing it over to her under the table.

Since when did I become a Girl?  Was written on it.

Nagtatakang nilingon niya ito bago nagsulat sa papel.
What?

Your dad told me you stayed out last night. At an old acquaintance's house. What's her name again? Rechel?

What?! Napalingon si Vil sa kanyang Ama na matamang nakikinig sa nagsasalita bago kay Reed na nagpipigil ng ngiti.

Papa naman! Pati ba naman iyon ay ikinuwento pa ng kanyang ama? Nagmamadaling nagsulat siya ng papel.

DON'T YOU EVEN DARE TELL MY FATHER!

Tell him what?  He wrote.

THAT!!!  Nanggigil na nilamukos niya ang papel saka iyon iniabot kay Reed.

He silently chuckled as he leaned closer to her. Magkatabi lang sila kaya halos magkadikit na ang kanilang mga mukha.

"You didn't tell your father that you were with me the whole night?" Bulong nito.

Ramdam ni Vil ang pananayo ng mga balahibo niya sa batok nang dumampi ang mainit na hininga ni Reed sa gilid ng kanyang tainga.

Maingat na bumuntong hininga muna siya bago mariing bumulong.

"Wag na wag kang magkakamali, Reed Alarece. Sinasabi ko sayo, tatapusin ko ang lahi mo." She hissed.

Lalo siyang nataranta nang tahimik na humagikgik ang binata.

His hot breath was sending shivers—lots of them—down her spine.

"Lumayo ka nga." Naaasar na tinabig niya ito sa balikat.

Mabuti na lang at nasa dulo sila.

Hindi sila napapansin ng mga tao nasa harap nila dahil abala ang mga ito sa pakikinig.

"Hindi ba sila nagtataka na naka-boxers kang umuwi?"

Ramdam na ramdam ni Vil ang pag-iinit ng mga pisngi sa sinabi ni Reed.

At ang hudyo! Ipinaalala pa talaga!

"Nasa'yo pa rin ang damit ko,"

Nagpipigil na sagot ng Dalaga. Napahawak siya ng mahigpit sa ballpen ng pasimple nitong singhutin ang kanyang buhok.

"Reed."

"Hmmm?"

"Layuan mo ako."

"Ayoko."

"Sasaksakin Kita. Dadanak ang dugo mo sa harap ng mga tao rito."

He just chuckled.

"How about you, Sir? May mga gusto pa ba kayong idagdag na proposals para sa CM?"

Sabay pa silang napabaling sa sales representative ni Reed.

Nakita ni Vil na nakakunot-noo ang kanyang ama habang matamang nakatingin sa kanya.

Noon lang niya na-realize ang posisyon nila. Malapit na malapit ang mukha nila ni Reed sa isa't Isa. Mabilis na tumuwid siya ng upo.

Bale-wala namang inabot lang ni Reed ang papel na pinagsusulatan nila, saka iyon maingat na itinupi bago nagsalita.

"I won't say much. Gusto ko ang C. Ads mismo ang gumawa ng buong concept para sa commercial. What I want is something that would make an impact. Something that would leave an impression on everyone hearts. Something that is not logic—based."

Itinuro nito ang slogan ng Polaris na nakadikit sa white board sa harap nila.

" Something that would make Polaris a part of everyone's everyday life."

"You Heard him." Nakangiting inagaw muli ng sales Representative ang atensiyon ng lahat.

"Any questions?"

Nang walang sumagot ay dinampot nito ang orange juice na nasa harap nito.












"Well then, meeting adjourned."

The One That I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon