Vil P.O.V"He's Not An Imaginary Guy!" asar na Sabi ni Vil sa boss at Friend niyang si Christine habang Wala naman itong tigil sa kakatawa.
"Sinasabi ko sayo, tine. Totoo si Reed at Hindi ko gawa-gawa lang Ang kuwento namin no'ng high school."
Matagal nang inuurirat sa kanya Ng Kaibigan Kung sino ba talaga Ang lalaki madalas niyang i-drawing.
Pero tuwing ikinukuwento Naman niya ay Wala itong ginawa kundi Ang pagtawanan siya.
Artist nga raw talaga siya dahil napakalawak ng kanyang imahinasyon.
Minsan na niya ipinakita kay Christine Ang bull cap na naiwan-or rather, iniwan sa kanya- ni Reed noong mismong araw na nagkakilala sila pero Hindi pa Rin ito naniwala.
Marami naman daw ganoon sa mga malls at pwede namang magpa-embroider ng pangalan Ng mga modista.
Gusto na talagang magtampo ni Vil Kay Christine. Naturingan itong best friend niya pero ayaw naman siyang paniwalaan.
Palibhasa ay college na siya nang makilala Ito. Ang tatlong katukayo Naman niya noong high School, hayun at nagsipagpunta na lahat sa abroad para doon magkolehiyo.
Noong una ay wala siyang pinagsabihan sa mga ito tungkol sa "aksidente" nila ni Reed hanggang sa mahuli siya Ng mga Kaibigan habang iginuguhit Ang mukha Ng lalaki.
Katakot-takot na kantiyaw ang inabot niya mula sa mga ito na nang matagal ay nakasanayan na rin niya.
Hindi na muli pang nakita ni Vil Ang lalaking umagaw ng kanyang atensiyon sa pinakamamahal na si Tasuki sa unang pagkikita pa lang nila.
Nang magkaroon naman siya Ng lakas Ng loob na magtanong-tanong ay nabalitaan niyang lumipad na pala si Reed patungong Espanya para doon na magpatuloy ng pag-aaral.
Grabeng lungkot Ang kanyang naramdaman noon. Nakakapagtaka nga dahil halos wala pa ngang isang oras niyang nakasama Ang lalaki.
At hindi pa nga naging maganda ang unang pagkikita nila.
Muli na namang napangiti si Vil nang maalala Ang mukha ni Reed na hindi na nabura pa sa kanyang isipan.
He was really good-looking back then. And he looked even cuter with that irritated expression on his face.
"So, sinagot ka na ba ni Imaginary Guy sa imagination mo?" pukaw ni Christine.
Noon lang naputol ang pagmumuni-muni ni Vil. Iiling-iling Naman Ang Kaibigan habang isinasara Ang sketch pad niya.
"Sa halip na yang si Imaginary Guy ang inaatupago mo, gumawa ka na lang ng mga bagong obra mo. Iyong pagkakakitaan ng gallery sa'yo."
Napabuntong-hininga siya. Bukod sa siya na ang magiging head Ng creative department ng advertising company Ng kanyang pamilya ay nagmu-moonlight din siya bilang artist.
She had proven her worth not just in the cooperate world but in the world of the arts, as well.
Hindi man lang nagtatagal sa gallery ni Christine Ang mga gawa niyang isinasama sa mga exhibit.
Hindi lang din iilang ulit na hinikayat si Vil ni Christine na iwan na Ang Cuyos Advertising at maging full-time artist na Lang.
She loved painting but she loved C. Ads just as much. Gusto niyang ipagpatuloy Ang legacy Ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
The One That I Love
Teen FictionHanggang saan at Kailan mo ipagpipilitan sa mga taong kakilala mo na ang taong iginuhit mo ay totoo-na hindi lang basta produkto ng iyong magical imagination? Na iyon ang unang "TOTOONG TAO" na umagaw pansin mo noong hindi kapa nagkaka-interes sa ku...