Chapter Nineteen

7.5K 197 11
                                    

A/N: dahil mahal niyo si Sophie at Valen at nagrerequest kayo na i-extend ang kuwento sige pagbibigyan ko kayo. Hihihihi

P.S. Masubukan nga ang maging brutal! Bwahahaha slight lang! Hihihihi

****

Gaya ng ipinangako ni Sophie, yung 'bonggang-bongga na bayad' ay naghanda siya ng kaunting sorpresa para kay Valen.

Since kakatapos lang ng finals nila at malapit na rin ang bakasyon ay panahon rin upang makapag-relax.

Alas kuwatro ng hapon nang magtungo siya sa grocery store na malapit lang sa kanilang subdivision. Napangiti siya habang nag-iisip, isang taon na lamang mula ngayon ay makaka-graduate na siya sa kaniyang kinukuhang kurso, sasabihin niya kay Valen na dun siya mag-ta-trabaho kasama ito. Teka! Napa-isip siya. Isang taon na pala sila nagsasama ng asawa, ni isang beses ay hindi pa siya nakaapak sa opisina nito.

"Dibale mamaya pag-uwi niya sasabihin ko sa kaniya,"  piping usal niya na sinabayan ng kay tamis na ngiti.

---------------------

Samantala...

Isang malapad na ngiti ang nakaguhit sa labi ni Valen habang binabasa ang text message na padala ni Sophie.

From: honey_Sophie

Come home early. Babayaran ko na utang ko mamaya! Excited? Me too. See you later! Love yah! *kiss kiss kiss*

"Sir Valen," tawag sa kaniya ng secretary bungad ng intercom.

"Yes Cris?"

"May naghahanap po sa inyo."

"Sino raw?" Wala siyang ideya kung sino, wala naman kasi siyang ine-expect na bisita.

"Sir Valen, si Miss Amber Smith raw po."

Muntikan ng mahulog si Valen sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang pangalan ng half-pinay half american girlfriend niya na nakilala niya sa Detroit. Aside from Milette marami din siyang naging ka-relasyon, and he lost count on them. (Hays! Lalake nga naman!)

"F*ck!" He cursed. Hindi niya aakalaing susundan siya at hahanapin ng baliw na babaeng iyon. Yes! Baliw, yan ang ma-i-de-describe niya. Paano kasi, muntikan na siya nitong mapikot at ilang beses na ring nagpakamatay.

A year and a half month ago, sinabihan na niya ang babae na hanggang kama lang ang relasyon nila. Definitely 'No Strings Attached'. Ang buong akala niya ay game ang babae kaso, tsk! May sayad ata utak.

"Cris! Sana sinabi mong wala ako!" Batid sa kanyang boses ang inis.

"Eh Sir! Hindi niyo naman po sinabi..." Kahit hindi niya nakikita si Cris alam niyang nakangiwi ito sa takot.

"Hayss! D*mn! Sige papasukin mo! Sabihin mong ilang minuto lang dahil busy ako." Yun lang at pinatay niya ang intercom. Umayos siya sa pagkaka-upo at hinintay na pumasok ang babae.

Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina, parang slow motion at hindi maiwasan ni Valen ang mapalunok at pagpawisan ng malamig.

Then in she came, isang mala-anghel na babaeng may buntot at pangil. Matangkad ito kaysa sa kaniyang asawa, hindi maitatangging may ibubuga ang kagandahan nitong ubod ng sopistikada. Naka peplum dress ito na kulay beige at itim na mini-skirt, kitang-kita ang mahahaba at mapuputi nitong voluptuous legs.

"Hi Babe! Long time no see!" Pasimpleng bati nito, all smiles na halatang nilalandi siya nito.

"Good afternoon Miss Smith? What brought you here in my office?" Pormal niyang saad.

She frowned at pinalungkot ang mukha! (What a b*ch! Hahaha).

"Is that the way you treat your visitors Valen?"

"Why? Is there anything wrong Miss Smith?"

"Nothing," she slightly shook her head. "Hindi lang ako sanay ganun ka-pormal pakikitungo mo sa akin." (Nagtaka kayo?marunong yan siya kaso 'slang' hihihihi)

"Are you for any business talks Miss Smith? I'm quite busy," aniya at nag-iwas ng tingin sa babae. Kunwaring sinipat ang wrist watch. "Oh look at the time mag-aalas singko na pala. My wife is waiting fo---"

"Wait! You have a wife?! You're already got married?!" Over kung maka-react ito pero sa mahinahing paraan, kumbaga poist parin.

"Yes! I'm married," sabay pakita niya sa kamay na suot ang wedding ring.

Napanganga ang si Amber, bahid sa mukha nito ang kalungkutan.

"Miss. Smith I don't mean to be rude, what happened to us in Detroit is done. I'm a married man, so please... Stay away from me," aniya rito at tumalikod.

"W-why?" Pumiyok ang boses nito at nilapitan siya at hinawakan sa braso. "Valen! I came all the way from America just to see! Because I love you!"

Kunot-noong hinarap niya ang babae at tinanggal ang kamay na nakahawak sa kaniya. "I'm sorry I've told you before that I don't love you, I can't love love you and never will I. Sinabihan na kita kung ano ang meron tayo at hindi magbabago iyon. I have a wife and I love her, just please leave... Leave me be... You are beautiful, marami ang magkakagusto sa'yo and surely in time someone will come and love you the way you wanted to be loved." He was staring right through her eyes, lahat yun ay totoo.

Amber silently sobbed, yumuko at lumayo sa kaniya. Tahimik na dinampot ang bag sa bakanteng upuan. Tahimik at walang lingon na umalis sa kanyang opisina.

He brushed his hair using his fingers, heavily sighed and sat down. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman, but it was a relief na sabihan si Amber na layuan siya nito.

--------------

"Ayan!" Excited na bulalas ni Sophie. Sa wakas natapos na rin siya sa pagluluto. Itinabi niya muna ito at mamaya pag-uwi ni Valen ay iinitin na laman niya iyon.

Pawisan siyang umakyat sa kanilang kwarto at naligo. Pakanta-kanta pa habang nakatayo sa ilalim ng rumaragasang tubig.

Pagkatapos sa kaniyang mga seremonyas ay kinuha niya ang biniling pulang bestida na yari sa silk na itinago niya sa kailaliman ng closet nilang mag-asawa. Siyempre hinanda niya ang araw na ito, nangako kasi siya.

Isnuot niya ito at tinignan ang kanyang kabuuan sa salamin. Isang pilyang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, tiyak na maglalaway si Valen pagnakita siya nito. Alin kaya ang uunahin nitong kainin ang hinanda niyang pagkain o siya?

Napahagikgik siya sa isipang iyon. Sa kulay ng bestidang iyon ay lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian, dagdag pa ang manipis nitong strap, nag-desisyon siyang huwag gumamit ng sapatos o sandalya man lang. Mas cute kasi siyang tignan na naka-paa lang.

Narinig niya ang busina ng sasakyan nito, abah! Nakauwi na ang kaniyang asawa.

Dali-dali niyang sinuklay ang buhok at nagwisik ng pinakapaborito niyang pabango na victoria's secret 'desires'.

"Honey!" Narinig niyang tawag ni Valen. "I'm home."

"Sandali lang... I'll be downstairs in a minute," tugon niya at naglagay ng lipstick sa manipis niyang labi.

Ayan! She's ready. Bumaba siya sa, at naabutan ang asawa na may dalang bulaklak. Napahinto ito nang siya'y makita.

"Hi..." Sinadya niyang sambitin ito sa malanding tono. Lihim nagdiwang ang kanyang puso, lalo pa't nakita niya ang sunud-sunod na paglunok nito.

Hahahahaha! Aaayiiiieeee! Bitin muna!

Itutuloy

She's Bitter Sweet [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon