chapter three

9.6K 219 3
                                    

Pinagbawalan si Sophia ng sarili nitong ama, na huwag puntahan ang ina na nasa ospital. Inatake ito sa puso, mabuti na lamang sa awa ng Diyos ay naisalba pa rin ang buhay nito. Subalit habang buhay na itong di makakalakad at hindi klaro ang pananalita.

Subalit galit pa rin sa kaniya ang amang si Ernesto, at siya ang sinisisi nito. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon at umiyak nang umiyak, dahil alam niyang kasalanan naman din niya ang lahat.

Ikinulong ni Sophie ang sarili sa kwarto, hindi na siya pumasok ng eskwelahan dahil nahihiya siya sa lahat ng kagagahang ginawa niya.

It pains her heart a lot, lalo pa't hindi niya alam kung paano haharapin si Rafael. This is absolutely a big shamefor her and her family.

Araw iyon ng huwebes, after a two long weeks nang mangyari ang eskandalong 'yun ay nakauwi na rin ang kanyang ina.

Mahihinang katok ang gumising sa dalaga ng hapong iyon. Tinatamad na tumayo siya mula sa kanyang higaan at binuksan ang pintuan.

Si Manang Aleli ang nabungaran niya at ang matalik niyang kaibigan na si Alyssa. She was a bit shocked nang makita ito, but after all she misses her bestfriend at buong sabik niyakap niya ito.

"I miss you bessy," she said in a teary-eye. She felt she was not alone anymore.

"I miss you too..." Alyssa hugged her back.

"Excuse me lang Sophie," untag ni Manang Aleli sa kaniya. "Pinapasabi pala ng iyong Papa na magbihis ka raw at hihintayin ka nila ng mga bisita sa ibaba."

"Mga bisita?" Kunot noo niyang tanong. Binalingan niya ng tingin ang kaibigang si Alyssa. "Oh no! This can't be," kinakabahan niyang bulalas.

"Magbihis ka na Sophie, baka magalit ang Papa mo," lintaya ng kasamabahay nila.

"I think you should go down, para maayos na ang lahat," malungkot na saad ni Alyssa sa kanya.

"Sige na hija, magbihis ka na baka ako pagbalingan ng galit ng iyong Papa," pagmamakaawa ni Manang Aleli sa kaniya.

Gustong maiyak ni Sophie, noong isang araw dahil nagkasagutan sila ng kanyang ama. Galit na galit ang kanyang ama at pinagsabihan siya nitong ipapakasal sa binatang si Valen.

Hindi sila maaring magpakasal. Una, ayaw niya sa binata. Pangalawa, hindi niya masyadong nakasalamuha si Valen, kaya hindi niya ito masyadong nakilala.

Pangatlo...

It was all a damn mistake!!!

-----------------

Nasa salas ng Madrigal ang pamilyang Salvador. Masinsinan nilang pinag-usapan ang nangyaring eskandalo.

It was not that easy para kay Valen na panagutan ang dalaga, but his conscience kept on haunting him lalo pa't alam niyang siya ang naka-una rito.

He would be a hypocrite kung hindi niya aaminin sa sarili na may kakaibang epekto si Sophie sa kanya. Every time he reminisce that intimidating moment with her, it felt like he wanted no other woman beside Sophie.

Minsan nga ay pinapagalitan niya ang sarili kung bakit ganun ang kanyang nadarama. It was all new for him!

He suddenly froze on his seat when she saw Sophie coming in the living room with his sister Alyssa. Nakayuko lamang ito at habang nakahawak sa isang kamay ng kapatid.

She's very young, innosent and... beautiful.

"Maupo ka sa tabi ni Valen, Sophia," utos ni Ernesto sa anak. Tumingin ang dalaga sa ama, gustong magprotesta ngunit halatang takot ito.

She slowly made her way towards Valen, she couldn't look at him neither to Rafael who's quietly staring at her---observing and waiting kung ano ang manyayari.

Umupo ito sa tabi ni Valen ngunit may ilang dangkal ang pagitan sa kanilang dalawa.

"Ehem," tumikhim si Cornelio breaking the silence. "We came here to formally ask the hand of Sophie, pananagutan ng aming anak ang inyong dalaga," seryosong nakatingin ito sa mga mata ni Ernesto. "Valen will marry Sophie as soon as possible gaya ng hiling mo Ernesto."

Nanlaki ang mga mata ni Sophie nang marinig ang sinabi ng kanyang Tito Cornelio.

"No!" kuyom ang mga palad niyang protesta.

"Shut up! I didn't gave you any permission to talk!" saad ng kanyang ama. "Whether you like it or not magpapakasal kayo! You've given us so much shame, dinamay mo pa ang iyong ina!"

"But Papa..." pumiyok ang kanyang boses at hindi mapigilan ang umiyak.

"It's final then, magpapakasal silang dalawa," ani ni Ernesto.

"Pero Ernesto, may konting problema lang tayo. Sophie is only seventeen," untag ni Elizabeth.

"Don't worry hon, I'll talke care of everything," si Cornelio ang sumagot sa asawa. "I already talked to Judge Rodriguez, and he said that he could help us out with the documents. They can be wed anytime".

Sophie burst into tears, while Valen kept silent all the time. Samu't saring emosyon at kung anu-ano ang kanyang iniisip. He never had a serious relationship with girls. Yes, he would share his bed with them during cold nights, but now it's like facing his own death.

-----------------

Sa mismong bahay ng mga Madrigal idinaraos ang civil wedding nina Valen at Sophia. Parang burol ang meron sa loob dahil mismo ang mga ikinakasal ay nagluluksa ang mga itsura.

Naroon ang kani-kanilang mga pamilya at iilang mga kaibigan.

Sophie is still pretty in her simple white bestida na hindi abot hanggang tuhod na pinares ng silver pumps. Her hair was braided at nilagyan ng kaunting make up sa mukha.

Valen was wearing his gray suit, kung ikukumpara sila ni Rafael mas guwapo ito kesa sa kanya but Valen was oozing with appeal kaya mas attractive ito sa opposite sex.

"I now pronounce you man and wife," anunsiyo ni Judge Rodriguez. "You may now kiss the bride."

Magkaharap sila ni Valen, Sophie look at him straight in the eye. Valen's facial expression was blank, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

Nangungusap ang kanyang mga mata, gusto niyang ipahiwatig sa binata na hindi siya nito pwedeng halikan sa labi.

Subalit nagulat na lamang siya nang kabigin siya ni Valen, it was quick kiss but it was still sweet, sabay bulong, "you're my wife now and there's nothing we could do about it."

Nagsipalakpakan ang lahat ng nanduon, congratulations here and there. Ngunit parang walang ma-absorb ang utak ni Sophie. Naging sunud-sunuran siya kay sa kanilang mga magulang at sa kanyang... asawa?

"Oo, asawa ko na nga siya," malungkot niyang pahayag, gustuhin man niyang umiyak but it seems her tears has gone dry.

"Welcome to the family," isang boses na pamilyar ang nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Rafael..." bulong ng kanyang puso. She slowly turned around and saw him, but he was with her---her Ate Elora.

The lovely couples are smiling at her, and she felt like dying inside. Ang sakit sobra. She was speechless until naramdaman niyang may isang braso ang umakbay sa kanya.

TBC ☺

She's Bitter Sweet [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon