Finale

14.5K 377 27
                                    

Naumid ang dila ni Sophie sa labis na kagalakang nadarama, mahigit isang oras silang nagbiyahe ni Valen papunta sa isang lugar kung saan may hinanda itong sorpresa para sa kaniya.

Sa isang ancestral home ng mga Salvador sila nagtungo, at laking gulat niya nang makita lahat ng kani-kanilang pamilya ay nandun na naghihintay sa kanila.

"Congratulations!" They all greeted them in chorus, natatawang sinabuyan sila nito ng bulaklak at champagne. (Wow!tutyal!hihihihi)

"We're happy nagka-ayos na kayo ng asawa mo hija," nilapitan siya ng amang si Ernesto at mahigpit na niyakap. Hindi parin siya makapag-salita, nilapitan din siya ng kaniyang ina, nakakalakad na ito gamit ang walker nito.

"Thank you Daddy, Mommy..." Maluha-luha niyang anas. Sa loob ng anim na taon ngayon lang ulit siya nakaramdam na kompleto ang kaniyang buhay, kasama ang mga taong kay tagal na niyang inaasam na makasama.

"Good job son! You won your wife back," wika ng ama ni Valen.

"Thanks Dad! You know that I love this woman so much," nagniningning ang mata ni Valen habang minamasdan ang asawa pati ang mga magulang nito.

"We're so happy for you guys," anang ni Aliyah, kasama ang fiancee nitong si Nicholas. "Sinong mag-aakalang uunahan niyo pala kaming dalawa?! Aba't hindi kayo nakapag-antay! Atat na atat lang ang peg Kuya Valeh ah!" Biro nito sa kapatid.

Namula naman ang pisngi ni Sophie sa hiya, pero mahigpit siyang hinapit sa bewang ni Valen. "Of course baka maagawan pa ako ng Liam na 'yun!"

"Hmp!" Mahina niyang hinampas ang dibdib nito. "Tsk! I told you kaibigan ko lang yun," nakanguso niyang sabi.

Napahalakhak si Aliyah sa itsura nilang dalawa. "Oh by the way Sophie, meet my groom to be---Nicholas," pakilala nito sa kaniya. "Babe, this is the long lost wife of Kuya Valen, sa wakas natagpuan rin." Nagtawanan silang apat sa sinabi ni Aliyah.

"Tse! Bessy ikaw ah!" Saway ni Sophie.

"Nice meeting you Sophie, now I understand kung bakit ayaw ni Kuya Valen sa mga chicks na ipinapakilala ko," pagbibisto ni Nicholas.

"Ep! Ep! Binibisto mo naman ako Nikos!" Natatawang saway ni Valen na ikinatawa naman ni Sophie.

"Na-sobrahan ata sa gayuma ko Nicholas, kaya hindi niya magawang lumingon sa ibang babae," tinapunan niya ng nakakalokong tingin ang asawa.

"Hey Everyone! Dinner is served!" Anunsiyo ni Elora nang lumabas ito sa salas kasama si Rafael. Ngumiti si Sophie dito nang magtama ang kanilang mga mata. She thought of something, gusto niyang makausap si Rafael, she wants to thank him, kung hindi dahil sa kahibangan niya ay di sana niya makikilala ang lalakeng mamahalin niya habang buhay.

"Let's go?" Valen smiled at her and offered his arms. Ikinawit niya ang isang kamay sa braso nito at sabay na pumasok sa loob ng dining area kung saan naroon ang isang malaki at mahabang mesa na maraming pagkaing nakahanda.

--------------------

Masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang 'RUSHED WEDDING', pagkatapos nilang pagsaluhan ang masaganang hapunan ay nagtungo silang lahat sa malaking bakuran ng ancestral home, kung saan may malaki itong hardin at malapit sa dalamapasigan.

They could feel the cool sea breeze, habang nagkukuwentuhan sila doon.

Sineyasan ni Sophie si Valen na pupuntahan niya si Rafael, hindi naman ito nagprotesta bagkus ay tinanguan siya nito.

Naroon si Rafael sa isang sulok habang hinihintay ang asawang si Elora na umahon sa tubig, naisipan kasi nitong mag-night swimming dahil naiinitan raw ito. (Buntis kasi hihihi)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Bitter Sweet [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon