Narito sila sa isang fancy restaurant para mag-dinner, hindi nakatanggi si Sophie dahil mapilit talaga ang bestfriend nitong si Aliyah. Naaalibadbaran siya sa presensiya ng malanding si Millete pero hindi niya lang pinahalata mabuti na lamang at hindi ito sumama sa kanila para mag-dinner. May dumating kasi itong bisita, kung bisita nga ba yun talaga, kaya silang tatlo na lang ang lumabas, siyempre present si Valen.
Nakaka-relax ang ambience ng lugar tahimik at may malawak na garden at man-made waterfalls na landscape, may solemn music ang tinutug na musika mula sa violin at cello. Nag-order si Valen ng pagkain, siyempre siya ang lalake eh.
"Aliyah, anong oras ba darating si Nicholas?" Tanong ni Valen sa kapatid habang sinusubo ang inorder na beef steak.
"Ti-ne-text ko na nga kuya," anito habang ang mga mata ay nakatuon sa cellphone nito.
"Hey," mahinang untag ni Valen kay Sophie.
"Huh?" Gulat nitong tugon.
"Konti lang kinakain mo," ani ni Valen at inabot ang valenciana rice at naglagay ng kaunti sa kaniyang plato. "There, kumain ka. You better try this, masarap 'to." At naglagay pa ng ulam sa kaniyang plato.
"T-teka, hindi ko mauubos yan. I'm on a diet," angil niya subalit hindi patitinag si Valen.
"Diet? Para saan pa? Nangangayayat ka na."
"Mas maganda ka Sophie yung malaman ka tulad ng dati," singit ni Aliyah sa usapan pero ang mga mata ay nasa cellphone parin.
"Pero---"
"See... Now eat!" Saad ni Valen. It was not a statement, it was more of a command.
Kibit balikat niyang kinain ang nilagyan ni Valen, kung hindi lang dahil nasa harapan nila si Aliyah, malamang kanina pa niya ito tinarayan at inaway. "Kung umasta ang lalakeng 'to aba't hindi na kami mag-asawa ah!" Pipi niyang sigaw at palihim itong tinapunan ng matalim na tingin.
"Oh my goodness!" Tili ni Aliyah.
"What's wrong?" Kunot noong tanong ni Valen. Pati si Sophie ay nagulat sa biglang pagtili ng kaibigan.
"Kailangan kong puntahan si Nicholas, nasa airport ang kaniyang mga magulang."
"Sige, puntahan natin siya after natin kumain. You didn't even touched your food." Ani ni Valen sa kapatid.
"No, huwag na Kuya. Mag-ta-taxi na lang ako." Tanggi nito.
"Bessy, s-samahan ka na lang namin," untag ni Sophie. Ayaw niyang magpa-iwan ulit at tanging si Valen lang ang kasama niya.
"Ay hindi na, kumain na lang muna kayo ni Kuya. Pasensiya na talaga ha," wika ni Aliyah kay Sophie at hinawakan ang kaniyang kamay. "Ikaw na lang ang bahala kay Sophie, Kuya. I really need to go." Baling nito kay Valen at tumayo.
"Teka!" Sabay sambit nina Sophie at Valen.
"Sige na Kuya, Sophie! I really need to go!" Anito at dire-diretsong naglakad palabas ng restaurant. Naiwang nakatigagal ang dalawang ex-lovers. (Hihihihih)
"So I guess... Tayo na lang dalawa ang tatapos nitong mga pagkain..." Anas ni Valen.
"Sige, dalian na natin kasi may naiwan pa akong mga trabaho sa bahay," nakayuko niyang tugon.
Tahimik nilang pinagsaluhan ang masarap na pagkain, hanggang sa nagsimulang magharana ang mga lalakeng nagtutugtog ng violin sa kanilang mesa.
"Wine Sir?" Tanong ng waiter.
"Would you like a glass Sophie?" Malambing nitong tanong sa kaniya.
"No, thank you. Baka hindi ko na talaga matapos ang mga pending kong paper works." Tanggi niya.
BINABASA MO ANG
She's Bitter Sweet [completed]
Romanceito ay isang kwento ng pag-ibig na nabuo dahil sa kapalpakang plano... :)