PROLOGUE

130 25 30
                                    

HE'S AN ENEMY

Prologue

"SO, you attending acquaintance, Max?" tanong sa 'kin ni Drea as she looks towards my direction.

Tinatanong nya ako para sa darating na acquaintance this month. Taunan kasi ang acquaintance party sa unibersidad. Ewan ko ba sa kanya kung bakit tinatanong pa nya ang bagay na iyon, samantalang sa pananatili ko rito sa loob ng tatlong taon ay lagi naman akong uma-attend at sumasali.

Ipinagpatuloy ko ang pagte-take ng note sa notebook ko as our professor discusses about today's lesson. "Yeah," sagot ko at tumingin sa harap. "Lagi naman. Bakit natanong? You not coming?" I look at her before looking back in front.

"Gaga ka ba? Of course, sasali ako. Lalo pa't maganda ang theme ngayong taon. Hindi ako papahuli, 'no." Pinaikot niyon ang mga mata as she looks in front.

Floral ang theme ng acquaintance ngayon. Flowers and leaves. Paborito nya nga pala ang dalawang iyon. Ayon sa kanya ay ang simoy ng amoy ng bulaklak at mga dahon ay nagdadala sa kalooban nya ng kapayaan but to my knowledge ay wala naman syang problema. Well, kanya-kanyang paborito 'yan kaya hindi ko na kinwestyon pa. Wala rin naman akong problema sa pagsusuot ng floral. Flowers and leaves look so comfy to wear.

"Tss." I rolled my eyes heaven wards. "May isusuot ka na ba?"

"Wala pa. Wanna come to shop?" ngisi niyong tanong. Nakataas din ang kilay.

"Para sa damit lang, ah?" sambit ko.

Shopping. She loves shopping so much. Five bags of shopped thing isn't enough to satisfy her. Kulang 'yon. Sampung shopping bag nga lang ay hindi pa sya kayang i-satisfy, eh. Ang gusto nya ay iyong hindi na nya mabuhat sa dami. Hindi ko naman malaman sa kanya kung saan nya pinagdadadala ang mga pinamili nya. Never seen her wear all those she brought. Display lang ata, eh. Sabagay, mayaman. Isang katangian na hindi na bago sa may mga yaman. Maluho. But anyways, wala naman akong magagawa kung iyon ang nakapagpapasaya sa kanya. Ganoon din naman sya sa akin, eh. She lets me do everything that makes me happy though sometimes it is something she doesn't like.

"Max, that's boring. Walang thrill gaya ng prof natin. So boring. Wala namang nakikinig sa kanya," ngising sambit nya. Napatawa naman ako nang bahagya sa sinabi nya. Well, that's a little bit mean but true. Wala namang nakikinig sa prof namin na nasa harap.

Kanya-kanya kasing ganap at gawa ang mga kaklase namin. Napakapabibo ko naman kung sasabihin kong hindi boring. Sa totoo nyan ay nabo-boring din ako pero ayaw ko naman mapagalitan at mapahiya sakali mang ako matyempuhan. Okay ng pagtyagaan ang boring na lecturer kaysa mapahiya. I am always prepared.

"Do you just mean na hindi boring ang pagbili sa bawat boutique sa mall? Oh, common, Drea. That's more boring than our lecturer."

Naputol ang pag-uusap naming dalawa nang kumalabog ang pintuan ng room na kinaroroonan namin. Ang atensyon naming lahat ay napunta sa sinipa o tinulak na pintuan. Ang kunot na noo ng aming lecturer ay napaling sa kumuha ng aming atensyon.

There is a guy, standing arrogantly like he hadn't did any disturbing. Ang kanyang magulong buhok ay bumagay sa maputi at makinis niyong mukha. His perfect angle nose stands so proud. Samantlang ang may kakapalang kilay niyon ay bumagay sa mapungay ngunit may kasingkitang mga mata. Pinkish naman ang mamasa-masang labi niyon. His white skin tone and chinky eyes tell he has foreign blood. Korean.

He's wearing not fully buttoned white polo kaya bahagyang kita mula sa kinauupuan ko ang itaas na parte ng dibdib nya. Samantalang itim na ripped jeans ang suot na pang-ibaba na nakaterno sa puti nyang sapatos. Don't know what the brand is. Ang bag naman na dala nya ay nakasukbit sa isa lang nyang balikat. Sexy but pierced.

Nagsimula ang mga bulungan as they had a look into that sexy man who slammed the door hard. Sabagay, hindi familiar sa amin ang mukha na nasa pintuan. Hindi ko rin naman sya napapansin sa ibang block. So, it really is obvious that he is a transferee.

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon iyon sa gawi ko like he knew where I am sitting. Pinantaasan ko lang sya ng kilay na ikinangisi nya nang muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanyang gawi. Wafu. Pero kung sa ngisi nya, it is a big big no he will receive from me. Who living inside of this chest of mine is enough. Hindi ko kailangan ng mapagpapantasyahan.

Pinamulahan ako ng pisngi nang gumalaw ang labi niyon papunta sa gawi ko na tila ba nagpapadala sya ng isang voiceless message. What the hell?

'Flat chested.'

Aba't luko-luko 'tong labanos na 'to, ah? Hindi ako flat chested, no! Medium size lang ako pero hindi flat! At feeling close sya, ha. Who the hell he thinks he is?

Itinapat ko ang middle finger ko nang pahiga sa labi ko kaya't natakpan iyon. Ngumisi ako nang mapansing napangunot ang noo nya.

Ooopppss. Mukhang hindi boring ang ika-apat na taon ko sa kolehiyo. Mukhang sisigla, ah? Nangangamoy gyera.

'I would love that, Flat.' He replied, moving his lips for his words.

Pinamulahan lalo ako ng pisngi. What the f?

"Who do you think you are?" taas-kilay na tanong ng professor namin sa walang modong nagbukas ng pintuan.

"Ridge."

Why the poop his name sounds familiar?

--

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon