CHAPTER TEN

41 13 0
                                    

CHAPTER TEN

  MY eyes are now cloudy in mist. Patuloy ako sa paghahabol ng akin hininga. Ang kabang ipinipintig ng aking dibdib kanina lamang ay pinalitan ng sakit. Napapamura na lamang ako sa isipan ko. Bakit ba ang tanga ko? Pinagdudahan ko na nga pero itinuloy ko pa rin. Ayun na, eh. Ipinagsigawan na ng bahay na binalikan ko ang katotohanan. Wala si Enne. Hindi pa sya bumabalik kaya imposible syang magpadala ng sulat sa akin. 'Yung penmanship... pwede naman iyong coincidence yet ipinagsawalang bahala ko lang.

  Damn it! Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang away namin ni Labanos. Pero paano nya nalaman ang sikreto ko? Or it is just a theory and I am the dependent variable?

  Your so stupid, Max. So stupid.

  Marahas kong ipinalis sa aking pisngi ang luhang kumakawala sa aking mukha. Suko na ako sa gyera na 'to. Sya na... sya na ang panalo. Sobra na itong ginawa nya. This is beyond my sight. Sa ginawa kong pag-atras ay hindi ko alam na may waiter na nasa likod ko. The glasses and wine he should deliver crumpled and jumbled to the ground. Nabasag iyon dahilan para gumawa iyon ng kumosyon. Agad kong dinaluyan ang waiter habang patuloy ang paghingi ng pasensya.

  Minura ko ang sarili ko dahil sa katangahan. Paano pa ako ngayon aalis nito nang hindi nya nalalaman kung nakagawa na naman ako ng katangahan? Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kinalalagyan nya pero dahil napagtanto kong isa lamang itong kalokohan. Na ito ay isang laro lang kaya pinili kong umalis nang hindi nya nalalaman. Pero dahil sa nangyari ay malabo na iyon.

  "Hayst. Miss, pakibayaran 'to. Kasalanan mo naman. Ayokong mabawasan ang sahod ko," iritableng sambit ng waiter habang patuloy sa pag-aayos at pagpupulot ng mga nabasag.

  Napapikit ako nang mariin. Tang-ina. "E-Eto. Pa-pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya," utal kong sambit habang binubuksan ang bag na dala ko. Ibinigay ko sa kanya ang dalawang libo matapos makakuha ng pera. Buti na lang talaga at ibinigay na sa amin ang sahod namin sa café. Agad namang hinablot ng waiter ang ibinigay ko. Hindi ko alam kung kulang ba iyon o sobra.

  "Ayos lang."

  Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Labanos habang kinakabahan. Patuloy lang iyon sa paglinga at bahagyang pag-inom sa basong may tubig. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko because of relief. Buti na lang at nanatili sya sa kinauupuan at hindi na nakiusyoso pa. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang tumayo at ipagpatuloy ang pag-alis ko sa café, thanking God that Labanos didn't see me came. Pero sadyang tanga lang ako at nilingon ko pa ang posisyon nya nang malapit na ako sa pinto ng restaurant. Hawak ko na ang handle at kakabigin na lang.

  Gaya ng nakita ko kanina na ginagawa nya ay ganoon pa rin sya ngayon. Bahagya na nyang tinatapik-tapik ang lamesa. Marahil ay naiinip dahil isang oras at higit na akong huli. Dali-dali kong kinabig ang pinto at lumabas.

  'Kahit kailan talaga, Max, napakatanga mo!' inis kong sambit sa sarili ko. Ang bobo ko talaga dahil tiningnan ko pa sya bago ako tuluyang umalis. And now, I am freaking gonna face the stupidity of mine because he saw me... saw me looking at him!
  Binilisan ko ang lakad ko habang mahigpit na nakahawak sa shoulder bag ko. Naririnig ko na kasi ang mga yapak nya sa aking likod. Alam kong sinundan nya ako kanina nang makita nya ako paalis. God! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi nya ako dapat maabutan. Kapag naabutan nya ako ay hindi ko na alam ang sasabihin ko. Mas binilisan ko pa ang paglakad ko. Gusto ko sanang tumawid papunta sa kabilang bahagi ng kalsada pero dahil maraming dumadaan na sasakyan ay hindi ako makatawid. Kaya lumiko na lang ako sa kaliwa para makaiwas. Alam kong hindi ito ang daan papunta sa dorm at alam ko rin na alam na nya kung saan ako nakatira kaya wala na itong sense pero ayokong maabutan nya ako roon.

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon