CHAPTER NINETEEN
"WHAT did I tell you, Elle?"
Ang magkasalubong na mga kilay ni Enne ang bumungad sa akin. Ang hitsura nya ay tipong makulimlim na langit na bigla na lamang kukulog at kikidlat nang malakas. Naka-krus din ang mga braso nya sa dibdib. Isang itim na sando at boxer lang ang suot nya.
Bahagya akong tumikhim. "About sa...?" Napili ko na lamang magkunwari na hindi ko alam ang pinatutukuyan nya.
Gaya ng inaasahan ko ay ganito ang mangyayari kapag tumuloy ako kahit hindi nya sinasabi.
Sinamaan nya ako ng tingin, tila ba sinasabi na huwag ko na syang lokohin dahil hindi ko naman sya maloloko.
"What? I didn't go." Pumaywang ako at bahagyang nagtaas ng kilay.
Ngumisi iyon. "Liar. I told you not to freaking go, isn't it?"
"Hindi nga ako pumunta, Labanos. I went somewhere else." Pinang-ikutan ko sya ng mga mata at nilagpasan sya mula sa pagkakatayo sa harap ng pintuan. Ramdam ko naman ang ginawang pagsunod ng tingin niyon sa akin.
It's quarter 10 when I've gone home. Habang nasa daan nga ay sinubukan kong mag-refresh para hindi mahalata ni Labanos na umiyak ako. I don't know how Sam can accept such terrible pain I gave to him. Ang sabi nya sa akin ay ayos lang kung hindi ko sya kayang mahalin. Ayos lang kung kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Pero alam ko kung ano talaga ang nararamdaman nya. Alam kong hindi iyon ayos sa kanya. Alam kong masakit 'yon at nasasaktan din ako para sa kanya. He wished that I won't avoid him because of his feelings. Ayoko ng mas saktan sya kaya pumayag akong hindi ko sya iiwasan kahit anong mangyari.
Malinaw pa sa magkabilang tainga ko ang mga hikbi at hagulgol nya habang naglalakad ako palayo. Ang mga hagulgol ay makapagbagbag damdamin. Ang mga hikbi nya ang dahilan kung bakit tila kaybigat ng mga yapak ko palayo sa kanya, palayo sa lugar na 'yon.
"I know, you can find better than me, Sam."
Iyon lang ang sinabi ko sa kanya bago ako tuluyang umalis sa romantikong lugar na 'yon. Habang nasa byahe ako pauwi ay hindi ko maiwasang maalala ang pagtatapat na ginawa nya noon sa sasakyan. He's full of love and determination that it sounded so obsessive.
"I told you not to go. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" irita nyang sambit.
"Walang malambot na ulo, Labanos. Fine. I went. Ano namang masama roon? I just went to fix something." Ibinagsak ko sa sofa ang katawan ko. Shete. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawang nakakapagod. Sabagay, emosyon ang napagod kaya't sakop niyon ang buong pangangatawan.
"Ano'ng masama? Paano kung may nangyari sa 'yo? I am not there to protect you!"
"Protect from what? From a moving car? Dancing tree? Driver? Hindi naman ako tanga, Labanos." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Para syang ewan. Saan naman nya ako poprotektahan? Hello. Ano namang mangyayari sa akin na masama? Isa pa, si Sam ang kasama ko. Wala naman syang gagawin sa 'king masama. He is trustworthy. Hindi naman nya ako sasaktan. Kabaligtaran pa nga ang nangyari dahil ako ang nakasakit sa kanya. Nasisiraan na sya ng bait. Oo nga pala, wala syang bait.
"From Sam," malamig nyang tugon.
Napaupo ako sa sinabi nya. Tumawa ako, hindi makapaniwala sa sinabi nyang pangalan. "Umamin ka nga, Enne. Did you drug? Kasi kung oo, ipapa-rehab na kita."
"I am fucking serious, Maxxirielle. Gusto kong umiwas ka sa lalaking 'yon. He won't do any good," sambit nya. The seriousness of his voice manifests to his face. He looks so firm saying it.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomanceDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...