CHAPTER SEVENTEEN

35 10 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

  "TANGGALIN mo nga 'yang braso mo," asik ko kay Labanos na nakayapos ang kanang braso sa baywang ko.

  "Ayoko." Iyon lang ang sinagot nya.

  Napairap na lang ako sa hangin. Ang hirap nya talagang kausapin. Para syang seven-year old na bata—no, two-year old na bata. Hindi sya marunong umintindi.

  Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil sa tinginan sa amin ng mga estudyante rito sa unibersidad. Sabay kasi kaming pumasok. Ang sabi ko sa kanya matapos ang dramahan naming dalawa ay ihatid nya ako sa boarding house, na malamang ay nag-aalala na ang land lady namin dahil nagche-check iyon ng boarder nang alas-otso, bago kami pumasok pero he insisted. Ihahatid na lang daw nya ako roon after ng dismissal namin dahil kukuhanin ko na ang gamit ko roon. Bullpoop. Hindi man lang nya ako tinanong kung gusto kong tumira sa condo nya. Kung ako kasi ang tatanungin, gusto ko naman. Na-miss ko kaya ang dating Enne ko. Wala, eh. Si Labanos na sya ngayon.

  Seriously, Max?

  Kaya ngayon, heto, suot ko ang isa nyang puting printed shirt na may tatak ng apelyido nya sa likod. Nilalamon ako ng damit nya dahil sa laki niyon. Ripped jeans na itim na kung saan i-t-in-uck in ko ang suot kong damit. Itinupi ko ang laylayan niyon nang ilang ulit hanggang sa kita na ang bukong-bukong ko. Sa laki ng mga paa nya ay walang nagkasyang sapatos sa akin kaya wala akong choice kung hindi isuot ang heels ko. Hindi talaga imposibleng ma-murder na naman nito ang mga paa ko. Ang buhok ko naman ay sinuklay ko lang at hindi na itinali pa.

  Pagkababa naman namin ng sasakyan ay ipinulupot nya ang braso nya sa baywang ko. Kanina ko pa iyon ipinatatanggal pero ayaw nyang ialis.

  Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa room namin. Hindi ko nga alam kung paano ako magkaklase nito na wala man lang akong dalang papel at panulat. Tanging presensya ko lang ang dala ko. I just hope na hindi kami magklase ngayon, kung magkaklase man ay sana huwag na lang mag-activity dahil kung hindi ay mapapalabas ako ng classroom na hindi pa kailanman nangyari sa akin.

  The roof of the pathway covers the blazing rays of morning sun, nagbibigay iyon ng lilim upang hindi kami matamaan ng masakit na sinag. Alas-otso pa lamang nang umaga pero masakit na iyon sa balat. Ang hangin ay hindi mo maramdaman sa paligid. Kalmado iyon at hindi matagpuan. May ilang tuyong dahon ng acacia ang malayang lumalapag sa sementadong pasilyo. The leaves die and torn its connection to the tree where those are belong. Tila iyon isang kaluluwang humiwalay sa katawan ng isang taong nawalan ng buhay. Maingay ang pasilyo dahil sa mga estudyanteng may mga bakanteng oras at wala pang mga klase.

  Napatawa ako sa deskripsyong ibinigay ko sa natuyong dahon na napugnas. Ang lalim, eh. Hindi ko tuloy alam kung saan ko pinupulot ang ganoong uri ng tayutay.

  Bahagya akong tumingala, checking Labanos' face. Ang payapa ng mukha nya na para bang wala syang inaalala dahil finally, kasama na nya ako, finally natapos na ang habulan naming dalawa.

  Nasayang ang tatlong taon namin dahil nasaktan at tumakbo ako. Nasaktan? Nakakatawa. Hindi naman pala nya ako nasaktan. Ako ang nakasakit. Nasaktan ko sya dahil akala ko sinaktan nya ako. Ngayon ko lang nauunawaan na may karapatan syang gumanti sa akin dahil sinaktan ko sya. Ako ang naunang nanakit. Pero anong magagawa ko? I was just a seventeen-year old teenager. Wala pa akong ganoon kaalam sa mundo. Wala pa akong alam na may mga taong gagawa ng paraan para wasakin ang kung ano mang mayroon kayo. Pagkatapos ay pinagpipilitan ko pang kasalanan nya ang lahat.

  Ang tanga ko.

  Pero sabi nga nya nang mapansin nyang sinisisi ko ang sarili ko sa loob ng isipan ko. Hindi ko kasalanan na nasayang ang tatlong taon naming dalawa na dapat napuno ng kasiyahan. Biktima lang ako. Biktima lang kaming dalawa.

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon