CHAPTER SIX
"IBIG sabihin nito'y kaklase ka namin sa ibang subject?" ani Drea matapos nyang basahin ang schedule ni Sam.
Kalalabas lamang ni Sam sa opisina ni Dean para kuhanin ang schedule nya. Galing pala syang Winter Academy. The academy where I have studied before. Isa iyong prestihiyosong unibersidad para sa mga mayayaman. That explain the aura I've sensed towards him. Pino sya gumalaw at halatang may sinsabi sa buhay. It is good that Winter Academy is huge and wide at maraming estudyanteng mayayaman doon kaya hindi ako kinakabahan na kilala nya ako tho we're known in that academy. Graduating na rin sya at Business Ad ang course. Pero nag-shift sya at BSED na ang kinukuha nya. Dahil nga nag-shift sya ay may mga subject syang dapat kuhanin and included some of our subjects kaya't kaklase namin sya sa mga asignaturang 'yon.
"Bakit ka naman nag-shift into BSED? Sayang naman at isang taon na lang ay graduate ka na under Business ad."
Tinatahak na namin ang hallway papunta sa klase namin. Kaklase namin sya sa subject ngayong oras. Hindi pa naman kami late dahil mayroon pa kaming dalawampung minuto.
"Because of a woman who I love so much. Matagal ko syang hinanap. Three years of searching and finally found her here."
"Woah! Kabog ka, ah. Sana all minamahal nang sagad. Sana all hinahanap," wika Drea na malaki ang ngiti. Tila ba kilig na kilig sya sa narinig. What a hopeless romantic this woman is.
Whoever that woman is, maswerte sya at minahal sya ng isang Sam. Bibihira na ang ganoong uri ng lalaki. Lalaki na kayang maghintay. Lalaking kayang mahalin ang babaeng hindi nya nakikita at nakakasalamuha. Maswerte ang babaeng 'yon. Dahil hindi na nya kailangan pang hanapin ang lalaking magmamahal sa kanya nang wagas, ito na mismo ang naghahanap sa kanya.
Oh, well. Bakit ba parang naiinggit ako sa asta ng pag-iisip ko? Hindi naman ako naiinggit. Sinasabi ko lang kung gaano kaswerte ang mga babaeng nakatatagpo ng kagaya ni Sam.
Hinahanap nya rin kaya ako? Mukhang malabo dahil wala pa sya rito hanggang ngayon. O ganoon lang talaga ako kagaling magtago kaya hindi nya ako makita?
"Who the hell is this, Lolo Max? Another witched man? How poor this guy is."
Here the war goes again.
Napairap ako sa hangin matapos sumulpot ni Mestisong Mongoloid out of nowhere. He's shaking his head like a toy dog displayed in front of a car that loves to shake its head all the time.
"What am I? Witch like you? FYI, Labanos, hindi ako mangkukulam. Kayang magpabighani ng ganda ko."
"Where's the beauty you are talking about? It seems that it left you, Lolo Max." Ngumisi sya bago humarap kay Sam na kunot ang noo, naguguluhan kung anong mayroon at kung sino ba itong ponsyo pilatong kausap ko. "Ikaw naman, lalaki, you should stay away from her kung ayaw mong mamatay nang maaga," sabi nya at pinasadahan ng tingin si Sam mula sa ulo nito pababa.
"W-Why should I-I?" naguguluhang tanong ni Sam. He looks so lost. Lalong lumaki ang ngisi ni Labanos.
Umiling iyon, nananakot. "Tsk-tsk. She will cast you a nightmare til you... die."
"W-What?"
Napailing lamang ako sa tinuran nya. Tss. Hindi talaga ako makapaniwala na umabot sya sa level na 'to. His mindset is really not meant in his age. Ang immature.
Bumaling ako kay Sam matapos kong pang-ikutan ng mata si Labanos. "'Wag mo na lang pansinin 'yang Labanos na 'yan. Wala namang lumalabas na maganda sa bibig nyan. It is just his way to show his affection towards me." Ngumiti ako kay Sam. "Shoo, Labanos! Nakaharang ka sa daraanan namin."
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomanceDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...