CHAPTER ONE
"AT least, I'm not a cheater," ngisi nya habang pinaglalaruan ang pen gamit ang kanang kamay. The pen tucked between his middle and index finger. Gumagawa iyon ng bilog. At least something like that.
What the shit tzu? Cheater? Who's cheater? Me?
Nginisian ko sya, "Woah! I think, you are talking about yourself, Labanos," ganti ko at bahagyang sinipa ang upuang kinauupuan nya habang ang ulo nya ay nakadantay sa sandalan as he continues to play his pen. Bahagyang umuga ang asul na silya dahilan para umalog ang ulo nya.
I heard him cursed. I chuckle on that. That must hurt a little bit. Kasalanan naman nya, eh. Kung hindi nya ako inasar na mandaraya ay hindi naman sya makakatikim ng ganoon. The reason behind that accusation? Hindi nya matanggap na nataasan ko sya sa surprised quiz ng lecturer. Isang puntos lang 'yon pero hirap na nyang tanggapin. Feeling nya kasi ang galing-galing nya, 'no. If he thinks he is, then nagkakamali sya because before he transferred here ay ako ang reyna ng block na ito. I am the top one. Hindi sa pagmamayabang but I really am.
Hindi ko malaman sa kanya kung trip nya lang ako asarin at sirain ang araw ko o ano. Since he transferred here ay nagsimula na ang gyera sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman alam ang rason kung bakit. If I know ay sya itong aroganteng sumipa na lamang ng pintuan. At akala mo kung sinong antipakong ngisihan ako, then the next day ay babangayin ako. It's been a month since the war between us started.
Kairita sya. Wala naman akong atraso sa kanya para gawin nya ang ganoong bagay.
"Do you know that it hurt?" kunot-noong tanong nya. Ang makakapal nyang kilay ay magkasalubong na. Masama ang tinging ipinupukol nya.
"Talaga ba? Bakit parang hindi naman?" pang-aasar ko pa sa asar na nyang itsura. Lalo pang nagsalubong ang salubong na nyang mga kilay. "Parinig mo nga sa 'kin kung paanong sakit. Ulitin ko nga."
"Gusto mo sa'yo ko gawin para malaman mo kung paanong masakit?"
"Ayoko nga. Not stupid as you, Mestisong Mongoloid," nginisihan ko sya at kinuha ang pen sa pen hole ng upuan. Binuklat ko ang notebook ko sa blankong pahina at nagsimulang i-doodle ang napakaganda kong pangalan. Of course, hindi dapat nilalait ang pangalang pinaghirapan ng magulang natin. We should be proud of it.
MAXXIRIELLE ALVARES
3D ang design ng pangalan ko na may kasamang mga baging. Nilagyan ko rin iyon ng shadow pampadagdag ng design. Samantalang ang apelyido ko ay naka-fancy. Gumuguhit na ako ng mga emoji's nang tumugon iyon sa sinabi ko kanina.
"Oh, I thought it is you the stupid." Nakita ko ang ginawa nyang pagngisi mula sa peripheral vision ko. I shrugged at what he replies at hindi sya tinugan pa.
Gusto ko munang magpokus sa pagdu-doodle. Maghintay sya dyan ng reply ko. Hindi naman sya importante kaya maghintay sya dyan. Maghintay sa wala. Huwag syang paespesyal. Hindi sya hopia.
Pagdating sa doodling ay masyado akong concentrated. Stress reliever. Masyado nya akong ine-stress. Baka maaga akong magka-wrinkles dahil sa kanya. For God's sake, bente anyos pa lang ako. Sayang naman ang kabataan ko, kung maaga akong tatanda. Isa pa ay baka masira ang napakaganda kong boses. Masasayang lang ang pagsali ko sa music club.
Talking to him—oh, shouting with him sometimes isn't really helpful to preserved my golden voice. Mababasag at mapapaos ang vocal chords ko sa kanya. Ang daldal nya. Para syang hindi lalaki.
"Doesn't your parents taught you it is bad to snob someone who's talking?" Bakas sa tinig nya ang iritasyon at pang-aasar sa boses nya. At base na rin doon, hindi na nakapagtatakang kunot na naman ang kailanmang hindi umunat nyang noo.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomansDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...