CHAPTER TWELVE
ANG buhay ay parang mahinang katawan. Puno ng sakit at komplikasyon na kung hindi maaagapan ay lalala, worst ay ikamamatay. Ngunit ano nga ba ang dapat gawin sa mahinang pangangatawan? Palakasin at pasiglahin para hindi pasukan ng mga sakit at upang malabanan ang mga pagsubok nang sa gayon'y hindi bumigay sa anumang hamon.
Hindi ko na alam. Punong-puno na ang utak ko ng mga tanong na hindi mabigyan ng sagot. Punong-puno ng komplikasyon. Hindi ko alam kung sino'ng dapat kong sisihin. Dapat ko bang sisihin ang sarili ko? Na dapat pala nagpakatanga na lang ako noon at hinayaan ang damdamin kong masaktan nang palihim. Na dapat ipinagpatuloy ko na lang ang pagmamahal ko sa kanya kahit na nasasaktan na ako. Pero bata pa ako noon at padalos-dalos. Hindi pa lubos na maalam sa masalimuot na mundong ito.
Marami akong natutunan simula nang sundin ko ang desisyong iyon kaya't hindi ako nagsisisi na nasayang ang tatlong taon na dapat naging masaya at napuno ng mga alaala sa pagitan naming dalawa. Ngunit hindi ko mapigilan ang pag-iisip ng kabilang punto ng desisyon ko, ang kasalungat ng anggulo, ang mga posibilidad.
"May problema ba, Max? Kanina mo pa pinaglalaruan 'yang pagkain mo," tanong sa 'kin ni Drea. Mababakasan ang tinig at ang mukha nya ng pag-aalala.
Ibinaba ko ang kutsarang kanina ko pa ipinapaikot sa palabok na nasa plato ko. Kaunti pa lang ang nakakain ko pero pakiramdam ko'y puno na ang tyan ko. Hindi ako kumain ng almusalan pero hindi ako makaramdam ng gutom. Sapat na ang hanging nananahan sa loob.
Nasa loob kami ng cafeteria, eating our lunch. Buti na lang talaga at wala si Sam ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko sya haharapin pagkatapos ng mga sinabi nya sa sasakyan kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may nararamdam sya sa akin. Sa patotoo lang ay nito ko lang sya nakilala. Hindi sya nag-e-exist sa mundo ko—sa mundo namin ni Enne. O pumapasok na sya noon pero nakatutok lamang ang mga mata ko sa mundong kabubuo lang namin? Hindi ko alam. Pagkababa ko kasi sa sasakyan ay hindi ko na binigyan ng pagkakataon si Sam na abutan ako. Buti na lang din at nakisama ang tadhana sa akin. Hindi ko sya kaklase sa anumang asignatura ngayong araw na syang ipinagpasalamat ko. Kung nahabol nya ako ay hindi ko alam ang sasabihin ko. I am in total black out.
Bumuntong-hininga ako. "Wala akong gana, Drea."
"Why? May problema ba? Pwede mo namang sabihin sa akin. I'm your best friend, after all." Inabot nya ang kanang kamay ko at bahagya iyong pinisil.
Ngumiti ako nang pilit. "Ayos lang talaga, Drea. Marami lang talaga akong nakain kaninang break kaya hindi ako makakain masyado ngayon." Binawi ko ang kamay ko. "Salamat sa concern. I know, you are just here beside me."
"Sigurado ka, Max, ah? Sinasabi ko lang sa'yo. Sasabunutan kita kapag nalaman kong may problema ka at hindi mo sinabi sa 'kin. Makikita mo," she warned.
Napatawa ako nang bahagya. Para syang nagbibiro sa sinabi nya pero seryoso sya sa bagay na 'yon. May isa syang salita na gagawin nya talaga kung anuman ang sabihin nya. Maswerte na lang ako dahil magaling akong magsinungaling at hindi nya nahalata ang pagkukunwari ko. Hindi nga ba o nagpapanggap lang syang naniniwala sa mga kasinungalingan ko?
"Isa, Max. Huwag mo 'kong tawanan lang dyan. Sinasabi ko talaga sa'yo. Makakatikim ka sa 'kin. Baka hindi lang sabunot abutin mo sa 'kin. Kakalbuhin pa kita kapag nalaman ko lang talaga." Sinamaan nya ako ng tingin na muli ko lamang tinawanan. Shemay. Huwag sanang magmukhang pineke ang tawa ko.
"Oo nga. Wala naman akong ibang pagsasabihan, 'no. Kilala mo naman ako. I trust you so much na hindi ko kayang maglihim sa 'yo ng problema. Magpapasabunot na rin ako sa baba kung nagsisinungaling ako. Pero... sasabunutan kita kapag hindi mo napatunayang nagsisinungaling ako." Nginisihan ko sya.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomanceDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...