CHAPTER TWENTY-ONE

35 10 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

  WALA sa sariling dumaan ako sa gilid ng cafeteria para pumunta ng banyo. Tinatawag kasi ako ng kalikasan. Paano nga bang hindi ako mawawala sa sarili kung lalo ko lamang hindi naintindihan ang sitwasyon? Ilang araw na ang nakakalipas simula ng sabihin sa akin ni Drea ang rason kung bakit ayaw ni Labanos na sumama ako kay Sam. Hindi matanggap ng isip ko ang mga sinasabi nya na itinaboy ko na lamang. Iniwanan ko sya sa café, mas lalo lamang nagulo ang isip ko.

  Sam is obsess with me that he copies Enne. Imposible. Oo nga't sinabi na ni Sam na kilala nya kami noon pero hindi ba't may mga tao naman tayong kamukha? Sa tingin ko rin ay nagkataon lamang ang ganoon kila Labanos at Sam.

  "Remember the video that ruined the beautiful life of you two? Sam sent that manipulated video."

  Oh, c'mon! Wala naman silang ebidensya na sya nga. Isang haka-haka. Hindi ko nga alam na desperado na sila ni Labanos na palayuin ako kay Sam to the point that they invented things.

  "As expected, Max, it is him you would choose to believe than us. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa'yo ng lalaking 'yon to make you trust him that deep. So deep that you never leave a space for us."

  Sam won't do such hilarious thing! Pero aminin ko man o hindi, it actually gives me doubt. Kilala ko nga ba talaga si Sam? How sure am I that he can't do those? Ano nga bang pinanghahawakan ko para pagkatiwalaan sya nang ganoon? Sa pagkakaalam ko, pagkakaibigan lang naman ang mayroon kami. Isa pa, I don't know how to ask Sam about it kasi hindi nga ako makapaniwala. I don't want to hurt him. I don't want to judge him. Hurting a good friend once is enough.

  "Nasaan na ang pangako mo?"

  Napabalik ako sa wisyo mula sa malalim na pag-iisip nang may marinig akong boses ng babae. Her voice is familiar in my ears ngunit hindi ko matandaan kung saan. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Bakit pa ako makikiusisa? May problema pa akong dapat isipin.

  "Too early for the price, Eliza."

  Napakunot ang noo ko nang matunugan ko ang boses ni Sam. What price? Naku-curious tuloy akong alamin kung sino iyon. No new love interest daw. Napangisi ako sa isip. Chura nya.

  Nagtago ako sa likod ng pader na may puno. Nakapaninindig ng balahibo dahil sa doon ako nagtago nang nasaksihan ko ang isang masakit sa matang pangyayari. Kinalimutan ko na ang tungkol sa bagay na 'yon matapos naming magkaayos ni Labanos. Wala naman na iyong silbi.

  "No, Sam. Tatlong taon na ang nakararaan pero hanggang wala pa ang kabayaran mo sa ginawa ko," matigas ang tinig ng babae.

  Kabayaran? Hindi ko alam na nangungutang din pala ang mayamang 'yon. Sumilip ako mula sa kinatataguan ko. Nagpakunot lamang ng noo ko ang ginawa ko. Muli ay nakatalikod ang babae sa gawi ko, mahaba ang buhok nya at fashion ang pananamit. Masyadong sexy. Nakaharap naman si Sam na walang emosyon ang mga mata. Iyong tipong bigla ka na lamang manlalamig dahil sa tingin nya.

  "Masyado kang mainipin, Eliza. Our plan isn't done yet, it just got started." Ngumisi si Sam na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Sa paraan ng pananalita nya ay tila iba syang tao. Malamig.

  "Kailan ba matatapos 'yon? Sam, I already need my payment para sa parte ko sa video-ng 'yon. Kahit na ang parte ko sa pang-aakit sa nerd na 'yon na hindi naman umepekto." Iritable ang boses ng babae na ngayon ko lamang natandaan kung saan ko narinig ang boses na 'yon.

  Sya 'yung kausap ni Labanos noon! Bakit magkasama silang dalawa? Bakit hindi ko alam na kilala nya ang babaeng 'yon?

  Naguguluhan din ako sa pinag-uusapan nila. Video? Nerd? Payment? I thought she was his new love interest ngunit mukhang mas malalim pa roon ang ugnayan nilang dalawa. Nag-uusap sila na tila ba matagal na nilang kilala ang isa't isa. Nag-uusap sila ng mga bagay na hindi ko naiintindihan.

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon