CHAPTER FIFTEEN
SUMAKAY kami sa elevator matapos naming makapasok sa mismong building. Masyadong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa habang magkaugnay ang mga palad. Hindi man ako sanay pero sa tingin ko'y maganda na ang ganito para mag-isip ng mga bagay-bagay. Hindi ko man sabihin ngunit mabilis ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ilang araw pa lamang nang nalaman ko ang katotohanan, nang mapagdesisyonan kong wasakin pa ang sarili ko, at ang magkaayos kaming dalawa. Oo nga't magkaayos na kami pero nananatili pa ring malabo ang ilang mga bagay.
Kaasar kasi ang pusong 'to. Marupok masyado. Nakuha sa sorry. Ano ng kasunod nito ngayon? Nasaktan nya ako at hanggang doon na lamang ba 'yon? Nagpatawad ako. Hihinto na ba roon? Ewan ko. Hindi ko alam. Mainam na sigurong isa-isahin ang mga bagay. Hindi ko—namin kailangang magmadali. We have now our time to fix everything, everything that makes us lose few years of being with each other.
Pinindot nya ang floor number 12 sa floor indicator gamit ang kaliwa nyang kamay. Muling namayani ang katahimikan. Tinitigan ko na lamang ang repleksyon namin sa pinto ng elevator. Seryoso pa rin hanggang ngayon ang hitsura nya. Hindi ko rin mabasa ang mga bagay na tumatakbo sa loob ng isipan nya. How I wish I were a mind-reader.
"Nilalamig ka pa ba?" tanong ni Labanos, binabasag ang namamayaning katahimikan. Lumingon sya sa gawi ko.
Hindi ko alam kung dapat ko ba syang ngitian o hindi. Hindi ko alam.
"Hindi."
"Mabuti." Tumango iyon. Pagkatapos niyon ay binalot na naman kami ng katahimikan.
Nakakairita ang ganito. Mas maganda pa atang may dramahan at sigawan kami sa paligid kaysa sa ganitong para kaming hangin na nararamdaman lang sa paligid. Ang tanging maririnig lang ay ang pagkuha namin ng hangin. Napakurap ako nang tumunog ang elevator na nagsisilbing indikasyon na nasa tamang palapag na kami. Agad naman kaming lumabas nang bumukas ang pinto niyon.
Napasinghap ako matapos akong matalisod. Buti na lamang ay hawak ako ni Labanos sa kamay kaya't hindi ako tuluyang natumba. Shemay. Hilo na talaga ako. Nakakamangha ngang hanggang ngayon ay nakukuha ko pang mag-isip nang maayos. Marahil ay hindi ganoon karami ang nainom ko.
"S-Sorry," sambit ko at inilihis ang tingin ko matapos naming magkatitigan nang ilang segundo. Umayos na ako ng tayo at bahagyang tumikhim. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa katawan sa mukha ko. Tinanggal ko ang kamay nyang nakayapos sa baywang ko.
"Kaya mo ba?" kunot-noong tanong nya. His voice sounds concern. Hindi ako sanay sa ganoon nyang boses. Mas sanay ako sa tinig nyang mapang-asar at mapang-alaska.
Muli kong inilihis ang tingin ko. Shete. Para akong teenager sa reaksyon ko. Iyung nagpapansin ka nang ilang beses sa crush mo at biglang mahihiya dahil finally, pinansin na. Dammet!
"O-Oo. Medyo hilo lang," tugon ko na lang.
Ipinulupot nya ang braso nya sa baywang ko, letting go of our holding hands just to help me walk. Muli kaming lumakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ay muntik naman akong matumba dahil sa hilo at pagpintig ng ulo ko. Buti na lang at nakaalalay ang braso nya para hindi ako matumba.
Napatili ako nang buhatin nya ako paharap sa kanya.
"I-Ibaba mo 'ko, Labanos. Kaya kong maglakad mag-isa," angil ko at sinubukan kong bumaba pero pinag-igi nya lang ang pagkakasalo sa pwet ko kaya't wala rin iyong silbi. "Ibaba mo ika ako, eh! Ano ba?!" Mainit na nga ang mukha ko dahil sa alak, lalo pa nyang pinapainit dahil sa ginagawa nya.
Nagsimula syang maglakad at hindi pinapansin ang pagkairita at reklamo ko. Kaasar talaga! Hindi naman ako bata. Oo nga't umaalon ang paningin ko pero hindi naman nya ako kailangang buhatin. Shete! Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomanceDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...