CHAPTER NINE

46 12 0
                                    

CHAPTER NINE

  "Akala mo namang napakagwapo mo! Hello, Labanos! Get out from your imagination! Huwag kang mag-ilusyon!" gigil kong sigaw.

  "Am not imagining any, Lolo Max! Bulag ka lang talaga dahil hindi mo makita ang kagwapuhan ko!" sigaw niyon pabalik. Hindi ko alam kung nangangalit rin ba sya o ano dahil may ngisi sya sa labi.

  "Paano ko makikita kung wala naman talaga? Can you please use your empty coconut shell, Mestisong Mongoloid? Utak ang hayaang magsalita kahit wala ka n'on, okay? Huwag ang kahanginan dahil baka liparin itong buong cafeteria!" I throw my voice box.

  Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng kumakain din kagaya namin. Kunot ang kanilang mga noo. Marahil ay nagtataka kung sinong mga immature ang kumukuha ng kanilang atensyon. Ang iba nama'y panakaw ang ginagawa sa aming gawi. Ang ilan naman ay walang pakialam at patuloy lang sa ginagawang pagkain na nasa kanilang mesa.

  God! He's getting on my nerves again. Akala ko'y matatahimik na ang buhay ko dahil hindi nya ako ginulo kaninang umaga. Tahimik syang pumasok at hindi ako sinimulang bwisitin. Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat, after all, makakabuti ang ginawa nyang iyon. No more falling in him deeply nor no more confusion. As the day ends, alam kong mawawala rin ang damdamin na 'to. Kaya napag-isip-isip kong babalik na sa dati ang buhay ko pero mukhang nagkamali ako sa hinuha ko.

  May konting sama ng loob dahil hindi nya man lang ako binudburan ng kahit na katiting lamang ng atensyon. Ultimo kasi pagtingin sa akin ay hindi nya magawa. Then, break time comes! Here he goes! Bullpooping the heaven my break. Akala mo professional fashionista kung makalait ng damit. Anong masama sa pagsusuot ng puting fitted na dress na hanggang kalahati ng hita ang laylayan? Wala. Hindi man ito ang karaniwang suot ko ay wala akong pakialam. Hindi ko naman kasalanang naubusan ako ng jeans at white shirt na isusuot.

  Wala na dapat syang pakialam dahil hindi ko naman pinakikialamanan ang pagsusuot nya ng polo-ng nakabukas ang tatlong butones sa taas at jeans.

  Umismid ako. Kapal talaga.

  "Hey, Max. Hayaan mo na lang sya. Just... let him say whatever he wants. Titigil din naman 'yan kapag nagsawa na." Hinawakan ni Sam ang kanang braso ko at hinila ako nang bahagya paupo. Ngunit napabitaw ito nang mapunta ang kanyang paningin sa gawi ni Mestisong Mongoloid. Malamang ay tinapunan na naman sya ng masamang tingin ng lantang gulay na 'yon.

  "Oo nga naman, Max. Dapat sanay ka na sa ugali nya," segunda naman ni Drea habang sumisimsim sa kanyang drinks. Pinupukol nya rin ako ng makahulugang tingin habang sinusupil ang ngising lumalabas mula sa pagtatago niyon sa straw.

  "Ito? Ito magsawa? You kidding me, Sam. Sa kapal ba naman ng pagmumukha ng Labanos na 'to, imposible!" tugon ko habang dumuduro kay Labanos at umirap sa hangin.

  "Wow! I am fucking shook, Lolo Max. Ako pala 'yon. I thought it was... you." He smirked, putting his right hand into his pocket. "At bakit naman kita pagsasawaan? You're the apple of my eye."

  Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Loud sounds of drums are created by the fast beat of my heart hearing those words.

  Shemay, Max! Huwag kang kiligin. Alam mo ang ibig nyang iparating.

  Sarkastiko akong tumawa para hindi nya mapansing naapektuhan ako sa kanyang sinabi. "Ano ako? Ikaw?" Inirapan ko sya. "Apple of your eyes? Oh, common on, Labanos. Apple of the eyes your ass, Mestisong Mongoloid."

  "Sorry, Lolo Max but my ass doesn't have eyes."

  "What do you think of me? Shungang kagaya mo? My gas. Patiwakal ka na." Tss. Shunga talaga.

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon