CHAPTER TWENTY
THE air produced by the aircon seems colder. The room is filled of emptiness, loneliness. The romance movie that is being played on the flat screen doesn't quite match the ambience of the room.
Tanging iyon lamang ang nagbibigay liwanag sa binalot ng dilim na silid. Romance nga ang palabas, nasa nakakakilig na scene pero hindi ako makaramdam ng kilig. Ramdam ko na naman ang pag-iisa gaya noong nagsimula akong matulog sa silid nang walang kasama.
Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang away sa pagitan naming dalawa ni Labanos. Isang linggo na rin syang hindi umuuwi sa condo simula nang mangyari iyon. Matapos kong i-settle ang sitwasyon ni Sam ay agad akong sumunod kila Drea pero hindi ko na sila matagpuan. Of course, I want to fix what I've done. Alam ko namang mali ang ginawa ko. I should hear his words first before judging him. I should wait for him to compose his explanation before concluding and pushing him away. Alam ko rin namang kahit ipagtanggol ko pa ang sarili ko o magbigay man ako ng dahilan sa ginawa ko, kasalanan ko pa rin. Nasaktan ko pa rin sya... sa pangalawang pagkakataon.
Napapabuntong-hininga kong binuksan ang pintuan ng condo nya pero wala akong naabutan sa loob. Wala ni ang anino nya. No trace na umuwi sya. Ganoon pa rin ang hitsura ng buong silid nang iwanan namin iyon kaninang umaga. I tried reaching his phone yet it kept on responding 'out of coverage area'. Sinubukan ko ring kontakin ang selpon ni Drea pero hindi naman iyon sumasagot. Sa tingin ko pa nga'y magkasama ang dalawa. Maaaring kinakalma si Labanos. Pinilit kong maging gising sa buong magdamag, wishing that he would finally come home and hear how sorry I am, pero hindi iyon dumating.
Itinagilid ko ang sarili sa kama at itinaas ang kumot mula sa aking baywang pataas sa aking balikat. I close my eyes but it is our memories from the few weeks that keep on flashing from the darkness. Ang pagpatong ng braso nya sa aking baywang habang nakatalikod ako sa kanya. Hahapitin nya ako at isisiksik sa katawan nya at ibubulong kung gaano nya ako kamahal. O hindi kaya ay iuunan nya ang aking ulo sa kanyang braso, hapit ako sa baywang at isinisiksik sa kanyang hubad na dibdib, sasabihing mahal nya ako matapos nya akong halikan sa ulo.
Binuksan ko ang mga mata ko, kasabay niyon ay ang pagtakas ng namuong luha sa aking mata. Pumaling ako sa aking likuran at kinuha ang unan ni Labanos at niyapos iyon nang mahigpit habang tumatangis.
"Nakakainis ka kahit kailan, Labanos. Masyado ka kung magpa-miss," bulong ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtahip ng nangungulila kong damdamin.
How I wish, he was here.
"GOOD morning, Max," nakangiting salubong sa akin ni Sam matapos kong maupo sa upuang nasa lamesa namin sa cafeteria. Magkakahiwalay kasi kaming tatlo ng klase ngayon. Maaliwas ang mukha nya ngayon. Ilang araw na ring maaliwalas ang mukha nya, mukhang may nangyayaring maganda sa buhay nya. Buti pa sya, matapos ang pangre-reject ko ay naging ayos na sya kahit papaano. Samantalang ako, heto kumplikado na naman.
Nakuha mo pa talagang mainggit, Max?
Sino ba namang hindi maiinggit? After the rain, there's a rainbow he got, while me, there's a rainbow first before the rain comes. Ang saklap, hindi ba? Maganda na, eh, pero muling pumangit at gumulo.
Maayos na rin ang hitsura nya after that event. Wala na ang bakas ng mga sugat na natamo nya. May bago na rin syang salamin. Bilang pagkompormiso ay sinamahan ko sya sa mall para pumunta sa Optical Shop at bumili ng bago.
"Ayos ka lang ba?" tanong niyon na kunot ang noo. Hindi lamang sa boses nya mararamdaman ang pag-aalala bagkus pati na rin sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomanceDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...