CHAPTER SIXTEEN
INILABAS ko ang ulo ko sa banyo, checking my left and right directions first before finally going out, covering my breasts by my left hand.
Buti na lang talaga at wala na roon si Labanos na syang ikinatuwa ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa kanya sa oras na maabutan ko pa sya sa silid na 'to. Gusto ko syang sakalin hanggang sa malagutan na sya ng hininga nya.
Hindi nya talaga ako binigyan ng bagong toothbrush. So, I have no choice but to use his. It's maybe unhygienic but got out of choice. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nyang tanging hangin lamang ang laman. Dapat ay hindi pa ganito ang tratuhan naming dalawa sa isa't isa. Hindi dapat ganito kakomportable lalo na't hindi pa ganoong kalinaw ang mayroon sa aming dalawa. May mga katanungan pa ako at may mga bagay na nalalabuan ako. Wala pa kaming matinong usapan. Pero magiging choosy pa ba ako? Hindi naman ako pabebe kaya't sasabihin kong mas ayos na ang ganito.
I put that thought aside. Isa pang ikinaiinis ko ay wala akong nadalang tuwalya sa loob ng CR. Wala rin akong choice kung hindi ang gawing pamunas sa basa kong katawan ang nadala kong pang-itaas. Hindi rin naman masyadong natuyo ang buhok ko. Kaya heto ako, mukhang tangang nagpapaka-Naruto.
Sasabunutan ko talaga sya mamaya kapag nakita ko sya. Kasalanan nya 'to.
Kumuha ulit ako ng panibagong T-shirt sa closet nya. Hindi ko nga alam kung paano ako lalabas sa kwartong 'to at sabunutan sya nang wala akong bra. Bumuntong-hininga ako. I'm so proud of my body kaya't bakit naman ako mahihiya sa Mestisong Mongoloid na 'yon? Isa pa ay sya lang naman 'yon. Wala akong dapat na ipag-alala.
Gamit ang sintas ng sapatos nya, na kinuha ko mula sa shoe rack, ay itinali ko ang medyo basa ko pang buhok nang bun. Hindi ko na tiningnan pa kung maayos iyon o magulo. Lumabas na ako ng kwarto nya suot ang puting Havaiana.
Pagkalabas ko ay ang sala ang tumambad sa akin. Simple lang ang ayos ng sala nya. A big painting of flowers in basket hangs in the wall in front of the room. Ang kulay niyon ay puti at itim, parang liwanag at dilim, binabalanse ang guhit at kulay ng pigura. Sa ibaba niyon ay isang mataas na vase na may bulaklak na rosas. Kung titingnan nang maigi ay makapal ang nakatanim doon sa paso. May pabukadkad na iyong bulaklak, ang pula niyong talulot ay nakalalanghap na ng hangin. It can now see the beauty of earth.
Sa gitnang bahagi naman ay ang isang mahabang brown na sofa. Mukhang malambot iyon, masarap higaan at upuan. Tatlong tao ang kasya roon. Ilang hakbang sa kanan at kaliwa ay isang pang-isahang upuan, parehong kulay kagaya ng sa sofa. Sa harap ng mahabang sofa ay isang itim na parisukat na lamesa, kita sa babasagin ang magandang disensyo ng carpet. Malinis iyon at hindi mababakasan ng dumi. Ang flat screen TV ay nakapatong sa gawang kahoy na deck na kulay cream. Ang sahig ay napapatungan ng itim na carpet na may disensyong parisukat na kulay itim at pula. Magkapatong ang dulo ng bawat pigura, binabalanse ang kulay, creating some simple yet beautiful sequence. Gaya ng kwarto nya ay air conditioned din ang sala.
Malapit sa pintuan ng hapag-kainan ay isang babasaging pader, na kung saan nakatabi roon ang isang lamesang may mga libro. Dahil sa pader na iyon ay kita ang hapag-kainan. Isang pitsel na may lamang tubig ang naroon, halos puno, kasama ang isang baso ang nakalagay sa ibabaw ng babasaging bilog na mesa. May apat na upuan doon.
"Bakit ang tagal mong bumaba? Nagpaganda ka pa ba?"
Napalingon ako kay Labanos na nasa harap ng lutuan. Matapos lumingon sa gawi ko ay muli nyang ibinalik ang tingin sa iniluluto. Tanging puting T-shirt at itim na boxer lang suot niyon. So unusual to his get up. Polo na nakabukas ang ikalawang butones at jeans. Hindi rin suklay ang buhok nya. Nakakapanibago. Ganito lang ata ang ayos nya kapag nasa bahay lang.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
Любовные романыDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...