EPILOGUE
"Rid! Maxxy! Come down, we need to go!" sigaw ko mula sa ibaba ng hagdan ng bahay namin.
Halos kalahating oras na lamang ay magsisimula na ang program sa paaralan na pinagtatrabahuhan ko kaya't pinamamadali ko na ang pagkilos nilang dalawa. Buti nga at naka-graduate pa rin ako kahit na ang laki ng t'yan ko. Hindi ako nahiyang pumasok na malaki ang t'yan at maging tampulan ng tukso. I am proud having these babies. I am proud being their mommy.
"Look at you, Kuya, what kind of clothes are that? Ew. Jologs."
"Okay."
"What's with those glasses? Your eyes aren't blind, are they?"
"Yes."
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kambal na naglalakad papuntang hagdanan. Kinukulit na naman ni Maxxy ang kuya nya. Hindi ko alam pero tila pinagtigisahan namin ang hitsura ng kambal. Kamukha ko si Maxxy lalo na sa mga mata at labi pati na rin sa pananamit. May katarayan din sya. Samantalang si Rid ay kamukha ni Labanos. Ang pananamit ni Labanos noon ay namana ni Rid. Nakahiligan niyong magsuot ng maluluwag na kasuotan at salamin sa mga mata na madalas ay pinapansin ni Maxxy. Like a no care he is, hindi nya iyon pinapansin.
Si Rid ay labinwalong segundong mas matanda kay Maxxy. Ilang paliwanagan din ang ginawa namin kay Maxxy para maunawaan nya ang bagay na 'yon. She always debates about being older than her twin. May pag-uugali kasi si Maxxy. May katigasan ang ulo nya na hindi ko alam kung kay nino nagmana. Kung kay Labanos ba o sa akin.
Hindi ako nagulat na buntis ako. Why would I be if I knew something intimate happened between us? Kung sana wala, hindi ba? Nanahimik ako dahil pinasasalamatan ko ang D'yos that He didn't take back the blessing he gave. Ang bagay na ikinagulat ko na lamang ay ang pagkakaroon ng kambal na anak. Alam kong malinaw na ang mga mata ni Labanos, I just don't know it is brighter that he shot two.
What makes me wonder too is to whom they inherited maturity? Sa pagkakaalam ko kasi ay may pagka-immature kami pareho ni Labanos. Ang mature nilang kausap at mag-usap though minsan ay lumalabas din ang pagiging bata nilang dalawa.
Isang paghila sa palda ko ang nagbalik sa akin sa wisyo mula sa malalim na pag-iisip. Tumingin ako sa ibaba and I see my princess holds the clothe while her brother stands beside her. Nasa loob ng bulsa ng kanyang maluwag na pantalon na sumasayad sa sahig ang kanyang dalawang kamay. Bahagya niyong iniayos ang salamin nya.
"Mommy, I thought we were on a hurry? Why still day dreaming about daddy?" Nakataas ang kanang kilay niyon at naka-krus sa dibdib ang dalawang braso nang magtanong iyon.
May attitude talaga. Kung hindi ko lang sya anak. Hay naku.
Ngumiti ako sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok nya. "Opo, Ma'am. Na-miss ko lang ang daddy mo. Masama ba 'yon?" Hindi halatang may inis ako, 'no?
Hindi naman talaga. Minsan talaga ay hindi ko mapigilang ilabas din ang katarayan ko dahil sa kabaitan ng anak kong 'to.
"Yes, mommy, it is." Umirap sya sa hangin. My princess is such a cutie.
I chuckled on that. "Sabi mo po, eh. So, let's go?"
"Obviously."
Pwede ko kayang kurutin 'to?
Agad ko namang inalalayan ang dalawa kong anak sa paglalakad at sabay-sabay na naglakad palabas ng bahay. Well, we are in our house here in subdivision. Hindi namin kayang iwanan ang bahay na 'to especially me. It holds a lot of memory that I can't let go.
BINABASA MO ANG
DEAREST ENEMY [√]
RomanceDEAREST ENEMY Synopsis Simula nang mag-transfer sa unibersidad na pinapasukan ni Max si Ridge ay wala ng ginawa ang lalaki sa bawat araw na nagdaan kung hindi buwisitin ang araw nya. Hindi naman nya alam what Ridge can get from doing it so. Sa...