CHAPTER TWENTY-THREE

34 10 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

  "...I REALLY am sorry, Enne, for thinking so bad of you," sinserong sambit ko habang nakatingin kay Labanos nang mataman.

  Nakaupo ako sa upuan na nasa dining area. Nakatapat iyon sa nakatalikod na si Labanos. Pagkatapos nya kasing magbihis kanina ay tinanong nya ako kung kumain na ako ng almusalan. Hinila nya ako papunta rito sa dining para ipagluto nang sumagot ako ng hindi. Gaya ng dati ay naka-sando't boxer lamang iyon habang nagluluto.

  Ngumiti iyon nang matamis nang humarap sya sa akin bago muling bumalik sa ginagawa nya. "It is really okay. I understand."

  Kanina pa kasi ako sorry nang sorry sa kanya. Oo nga't tapos na namin iyon pag-usapan kanina bago kami tuluyang pumunta rito pero hindi ko kasi maiwasan. Guilty feels at hindi na ata iyon maaalis pa. Alam ko namang masakit ang ginawa ko, excited man akong pumunta rito pero may kaba rin, kaya hindi ako umaasang mapapatawad nya ako agad. It surprised me on how he reacted awhile. Umaakto sya na parang wala akong ginawa na nakasakit sa kanya. That is one of the reasons why the guilt just doesn't go.

  Bumuntong-hininga ako. "Pasensya na talaga." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi ko. Kasasabi lang, eh.

  He chuckles. "Unli, eh."

  Muli na lamang akong bumuntong-hininga at pinanood na lamang ang ginagawa nyang pagluluto. Now I wonder, hindi ko talaga masukat kung gaano nya ako kamahal. Dalawang beses ko na syang nasaktan yet he keeps still loving me despite of that. Hindi ko mapantayan ang damdamin nya. Sabagay, hindi naman sinusukat ang pagmamahal.

  I smile. It makes me wonder what would be his reaction if I say how much I love him? Magba-blush kaya sya? Matutuwa? Kahit naman magkasama kami noon ay hindi nya narinig sa akin na mahal na mahal ko sya. Kinikilabutan ako. Hindi naman ako sweet na babae. Kaya nga nakapagtataka na minahal ako ng gulay na 'yon. Sya naman ay may tamis sa katawan. Less sweeter than a candy, but sweeter than a creamer. Ilang beses ko na rin narinig sa kanya na mahal nya ako. Sa tingin ko nga ay kahit ilang beses nyang sabihin ang mga salitang iyon ay hindi ko pagsasawaan, na hindi mawawala ang natural niyong epekto sa akin. Instant blush on. Palpitations. Warmth.

  "Mahal kita, Labanos." I only let the wind hears my love for him though I am hoping that the wind takes my words and brings it to him, hoping that his ears will twitch because of my words.

  Umiwas ako ng tingin nang lumingon iyon sa gawi ko. Mukhang ginawa ng hangin ang gusto kong mangyari.

  "Did you say something?"

  Kunwari'y lumingon ako sa gawi nya na kunot ang noo. Kunot ang noo nya at tila nagtataka habang hawak ang syanse sa kanang kamay. "Ha?"

  "You said something?" Inulit nya ang tanong nya kanina.

  Pinigilan ko ang ngiting kumakawala sa labi ko. "Wala naman. I've been staring from somewhere else. " I let my words convince him.

  "Are you sure?" Nanunuri ang tinging ibinigay nya sa akin.

  Umirap ako sa hangin, nagpapanggap. "Mukha ba akong nagbibiro?"

  Nakita ko ang ginawa nyang pagkagat sa loob ng pisngi nya. He shakes his head. May pagtataka sa mga matang bumalik sya sa ginagawa nya.

   "Weird." Kumibit iyon ng balikat.

  I chuckle lowly. Nasa buong mukha nya ang pagkabigo.

  Tinitigan ko ang likod nya habang may ngiti sa mga labi bago ako muling bumulong.

  "I love you." Bahagya iyong natigilan mula sa ginagawa bago muling umiling.

  Cute. At wala akong planong salungatin ang salitang iyan. Ang saya nyang pag-trip-an.




DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon