CHAPTER EIGHTEEN

35 10 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

  SINAMAAN ko si Labanos ng tingin matapos nya lang akong tingnan mula sa labas ng sasakyan nya. Nasa loob pa ako ng sasakyan nya na nakaparada sa tapat ng boarding house na tinitirhan ko. Inaasahan ko pa naman na pagbubuksan nya ako ng pintuan pero mukhang umasa lang ako sa wala. Shete. Iniwan nya lang talaga ako sa loob.

  Nandito na kasi kami sa harap ng boarding house na tinitirhan ko. After we got dismissed ay dumiretso na kami rito para kuhanin ang mga gamit ko. Isang ngisi ang namuo sa maninipis at mapupula nyang labi habang naghihintay sa labas. Umirap lang ako mula sa loob bago ko itulak ang pintuan ng sasakyan.

  Umihip ang panghapong hangin. Hindi iyon mainit at hindi rin malamig. Sakto lamang at sapat na upang isayaw ang payapang mga dahon ng mga puno sa paligid ng boarding house. Ang bahagi ng kalangitan na malapit sa papalubog ng araw ay naghalong dilaw at kahel. Ang ilang bahagi ng malaking araw ay natatakpan ng matataas na mga gusali.

  Pagkalabas ko ng sasakyan ay pumasok na ako sa boarding house at nilagpasan lamang sya. Bahala sya sa buhay nya. Matusta sya r'yan. Akala ko pa naman magiging gentleman na sya pero mukhang nausog lamang sya noong nagdaang isang gabi. Gentledog talaga.

  Nasa sala pa lamang ako nang marinig ko ang boses ni Labanos.

  "Won't you invite me in?"

  Nilingon ko sya nang nakataas ang kanang kilay. "Hindi. Obvious ba?" asik ko.

  Tanging ilang kasamahan ko lang sa boarding ang nakaupo sa sala. Dalawang lalaki at tatlong babae. May pinagkakaabalahan ang bawat isa sa kanila. Binigyan lamang ako ng mga iyon ng nagtatakang tingin matapos lumingon sa lalaking nasa labas ngunit hindi umusal ng anomang salita. Hindi naman kasi kami close ng mga kasama ko rito. Sa kabilang banda ay kilala ko naman ang ilan sa kanila. Well, masama mang pakinggan pero hindi ako ganoon ka-friendly or approachable unless sila ang unang kumausap sa akin. Kapag nagustuhan ko naman ang pag-uugali nila ay asahang makikipagkaibigan na ako.

  Tumayo ang ka-board kong lalaki na nakaupo sa upuang gawa sa kahoy. Naka-tshirt lamang iyon ng puti at jersey. May sinusulat kasi 'yon kanina.

  "Oo nga naman kasi, Maxxirielle. Pasok ka, pre," ngiting pag-aaya nito kay Labanos na hindi naman nag-atubiling pumasok. Hindi sya tinugon ni Labanos.

  Umirap ako sa hangin matapos ipalupot ni Labanos ang braso nya sa baywang ko. As if he is implying that I am his girlfriend, so the guy should back off. Para syang ewan. Hindi naman nya kailangang ipangalundakan ang bagay na 'yon. Ang alam ko'y may nobya na ang lalaking tumayo.

  "Oo nga pala, Maxxirielle, hindi ka raw umuwi kagabi. Hinahanap ka ni Ate Layda," maya'y usal nito matapos ang ilang segundong pananakop ng katahimikan. Bumalik iyon sa pwesto nito kanina.

  Tumango lang ako bilang tugon. "Nand'yan ba si Ate Layda? Kailangan ko kasi syang makausap. Importante lang."

  Iginala ni Labanos ang tingin sa loob. Marahil ay tinitingnan kung anong klaseng lugar ang tinitirhan ko. Matino naman ang lugar na tinitirhan ko.

  "Wala si Ate ngayon. May bibilhin daw sa palengke pero saglit lang."

  "Pasabing hinihintay ko sya sa kwarto at may sasabihin akong importante. Salamat." Iyon lamang ang sinabi ko bago ko inihakbang ang mga paa ko papunta sa kwarto ko. Agad namang sumunod sa akin si Labanos na bahagyang nakalas ang pagkakahapit sa baywang ko.



  "MAUPO ka nga lang. Ang likot mo," bawal ko kay Labanos na abala sa pagkalikot ng kung anuman sa mga gamit ko.

  Matapos magsawa ay humilata iyon sa malambot kong kama. Bigla ko tuloy na-miss ang kama kong 'yon. Iyon ang unang beses na hindi ko sya nahigaan sa loob nang tatlong taon. Mahal na mahal ko kaya ang kamang 'yan. It actually witnessed my tears for Enne, my longing, the stress that was given by new version of him. Naaalala ko pa ang ginawa kong pag-iisip tungkol sa nararamdaman ko sa kanya habang nakahilata sa kama. I just realized how retard I was.

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon