CHAPTER THIRTEEN

38 12 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

  TAHIMIK ako habang nasa byahe ang sinasakyan kong taxi. Walang laman ang utak ko kung hindi ang tuluyang pagkawasak ko. Wala naman ng rason para pilitin ko pang buuin ang sarili kong muling nasira. Hindi ko man nabuo nang buong-buo ang sarili ko noong iniwanan ko sya, napagtagpi-tagpi ko naman iyon dahil sa tulong ni Drea. Without her, hindi ko na siguro matatagpuan ang dating ako.

  Patuloy ako sa pagpapatuyo ng mukha kong hilam sa luha. Lalo akong napapaiyak dahil ayaw nilang tumigil sa pagdaloy. It frustrates me. Bakit ayaw huminto? Gusto ko ng tumigil sa pag-iyak.

  Hindi ako makapaniwalang kayang gawin sa 'kin ni Enne ang bagay na 'yon. Akala ko mahal nya ako, akala ko may nararamdaman sya sa 'kin dahil sa mga ipinapakita nya. Hindi ko akalain na magagawa nya sa 'kin 'yun. Sya, na wala akong ginawa kung hindi mahalin. Sya, na pinahahalagahan ko at sya, na inaasahan kong hindi ako sasaktan. Pero sa huli, iba ang resulta ng lahat, iba sa inaasahan ko.

  Everything is painful. Every scene of memories of us stings. Ang sakit dahil sa kabila ng lahat ng masasayang alaala at pinagsamahan naming dalawa ay mababalewala lang dahil sa ginawa nya. Kahit saang anggulo ko tingnan ay walang mababakas o bahid na kaya nyang gawin ang bagay na 'yon. He looks so shy and innocent with those outfit. Kaya nga gustong-gusto kong inaasar sya. Walang makatutumbas na anuman sa mga reaksyong ipinapakita nya.

  Ipinilig ko ang ulo ko. Ang bobo ko lang. Paano nga naman hihinto ang luhang 'to kung puro sya ang nasa utak ko? Kung ang laman ng utak ko ay kung papaanong sa kabila ng maamo nyang mukha ay may itinatago pala sya. Ang saya ko pa noon dahil finally, my fantasy and ideal guy would be mine. Naninawala ako sa bagay na 'yon subalit pantasya at malikmata lamang ang lahat. Isang balatkayo. Isang kasinungalingan.

DEAREST ENEMY [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon