Prologue

3.1K 56 6
                                    

Nasa loob kami ng kotse ni Tyron at nasa gilid kami ng daan at tanging lamp post lang ang nagsisilbing ilaw namin dito dahil madilim na ang kalangitan at tila nagbabadya ito ng malakas na pag-ulan.

" A-akala ko ba mahal mo ako ? " nanginginig ang boses at naninikip ang dibdib ko ng mga sandaling iyon dahil hindi ko alam kung ano ang kanyang rason kung bakit gusto na niyang makipaghiwalay sa akin.

" Akala ko din 'yun , but I didn't love you Yam. I-im sorry. "

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko . Nagbabang tingin ako . Tapos huminga ako ng malalim bago ko ulit siya sinulyapan.

" So all these time niloloko mo lang pala ako ! " sabi ko at walang emosyon akong tumingin sa kanya habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko . Tila namanhid na ang puso ko at gusto pang makaramdam ng sakit nito at para masiguro kung buhay pa ako.

Hindi niya ako sinagot. Ni hindi siya makatingin sa akin . Alam kong masasaktan pa ako lalo kapag nanatili pa ako dito.

Hinawakan ko ang pintuan at magpasya na akong lumabas ng kotse niya. Pagkasara ko ng pintuan ay sumilip si Tyron sa bintana.

Ilang minuto ko muna siyang tinitigan saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad.

Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at sinundan ako.

" Y-yam ! " tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya nilingon kaya bumaba siya ng sasakyan. Hinabol niya ako at hinawakan ang kamay ko.

" Ano ba ! Makikipaghiwalay ka na sa akin di'ba? Bakit hindi mo pa ako iwan dito ! " pabulyaw na sabi ko . Tapos binawi ko ng marahas sa kanya ang kamay ko .

Napatingala ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at nabasa kami .

" Mababasa ka ng ulan at baka magkasakit ka pa. Kaya pumasok ka na ulit sa loob. " sabi niya sabay turo sa naiwan niyang sasakyan sa gilid ng daan. Pero nagmatigas ako . Hindi ko siya sinunod at nagpatuloy ulit sa aking paglalakad. Pero mukulit siya at sinundan ulit ako.

Huminto ako at hinarap ulit siya.

" Hayaan mo na ako dito , Tyron. Umalis kana ! " nabasag ang boses ko at halos mamaos na sa galit .

Wala ng nagawa pa si Tyron nang muli akong naglakad kundi ang pagmasdan akong lumayo sa kanya habang nasa gitna ng malakas na ulan .

Nung makalayo ako sa kanya at may nadaanan akong malawak na field ay dun ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, pinuntahan ko ito at nagsisigaw dito ng malakas.

" I hate you for hurting me , Tyron ! "

" I hate you for making me feel this way ! "

" I hate you because I love you ! " huling sigaw ko .

Hanggang sa halos manghina na ang buong katawan ko. Tapos bigla na lang napaluhod sa damuhan at bigla na lang akong nawalan ng malay.

Pagkagising ko ay puro puti ang nakikita ko. Puting ding-ding. Parang nasa hospital ako. Nang maalala ko na nawalan pala ako ng malay kanina sa field . Kakaiyak .

----------------

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon